ANO NGA BA ANG VENOUS THROMBOSIS O BLOOD CLOT? Blood clot. Medical na tawag ay venous thrombosis? Ito ang pamumuo ng dugo o pagiging malapot, kaya hindi makadaloy sa ugat. Ito ang naging sakit ng aking asawang si Liberty, na namayapa na noong Hunyo 11, 2025. Dalawang beses siyang naospital dahil sa blood clot. Una ay blood clot sa bituka kaya siya naospital ng apatnapu't siyam (49) na araw mula Oktubre 23 hanggang Disyembre 10, 2025. Ikalawa ay blood clot sa pagitan ng artery at vein sa utak kaya siya naospital ng pitumpung (70) araw mula Abril 3 hanggang nang siya'y malagutan ng hininga sa intensive care unit (ICU) noong Hunyo 11, 2025. Noong nakaraang taon, dapat ay may apat na testing si misis, at nilaktawan 'yung pangatlo. Kaya una, pangalawa, at pang-apat na testing na ang pinakahuli ay sa bone marrow. Lahat ay negatibo ang resulta. Dahil kung positibo, mababatid na ng mga doktor kung ano ang tamang lunas. Ang ginawa ay operasyon kung saan nilagyan siya ng blood thinne...