Antok pa si alagà
ANTOK PA SI ALAGÀ
puyat pa, antok na si alagà
lalo't gising siya buong gabi
marahil sa paghanap ng dagâ
tulog muna, ang sa kanya'y sabi
marahil di pa rin siya gutom
pagkain niya'y tinabi muna
mga natira ko sa galunggong
na talaga namang gusto niya
sige lang, ikaw muna'y matulog
at maghabi ka ng panaginip
ano kayang magandang ihandog
na tula't wala pang nalilirip
ako'y patuloy lang sa pagnilay
sa samutsaring isyu ng bayan
bakit bayan ay di mapalagay?
sa laksng kurakot at kawatan!
- gregoriovbituinjr.
12.02.2025
mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://web.facebook. com/share/r/1BiHkwrVuT/

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento