Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2025

Paglalakbay

Imahe
PAGLALAKBAY sa pagbabasa nalalakbay ko ang iba't ibang panig ng mundo pati na kasaysayan ng tao ng digma, bansa, pananaw, siglo kaya hilig ko ang pagbabasa ng kwento, tula, dula, nobela ng kasaysayan, ng pulitika maging ng pagbabago ng klima talambuhay ng mga bayani kwento ng pag-ibig ng magkasi panawagang hustisya ng api pati na nakatagong mensahe magbasa't matututo kang sadya sa hirap ng masa't maralita sa misyon ng uring manggagawa sa gawa ng bayani't dakila - gregoriovbituinjr. 01.07.2025

Maligayang ika-41 kaarawan, sinta ko

Imahe
MALIGAYANG IKA-41 KAARAWAN, SINTA KO kahapon, nagising kang walang nakikita di ka kumain ng gabi't nagkaganyan ka di ka rin nakainom ng gamot mo, sinta mabuti ngayon, nakakaaninag ka na akala ko'y nabulag ka na ng sakit mo mataas na creatinine daw ay epekto buong maghapong di nakakitang totoo buong magdamag kang binantayan, sinta ko inom ng gamot ay dapat sa tamang oras pati sa pagkain ay huwag magpalipas kaarawan mo ngayon, dapat kang malakas sana'y gumaling ka na't gumanda ang bukas maligayang kaarawan, O, aking mahal magpalakas ka at huwag magpakapagal - gregoriovbituinjr. 01.06.2025

Ang aklat

Imahe
ANG AKLAT nais kong basahin ang akda ni Nancy H. Kleinbaum ang  Dead Poets Society  na talagang bumabaon animo'y tinik na tumagos sa puso ko't diwa lalo't pelikula niyon ay napanood ko nga kung sakaling sa bookstore iyon ay matsambahan ko bilang collector's item agad bibilhing totoo upang mabasa't idagdag sa aklatan kong munti inspirasyon upang sa sariling berso'y idampi tumatak sa isip nang pelikula'y mapanood na talagang humagod sa aking diwa't gulugod mga makata noon ay para mong nakausap pag mga berso nila'y tinalunton mo't nagagap nais ko yaong nguyain na parang mga prutas na animo'y si Adan nang kumain ng mansanas ay, sadyang nais kong mahanap ang nasabing aklat upang kaibuturan nito'y aking madalumat - gregoriovbituinjr. 01.05.2025 * mga litrato mula sa google

Anapol adey

Imahe
ANAPOL ADEY sinunod ko na rin ang kasabihang "an apple a day keeps the doctor away" mahalaga kasi sa kalusugan ang mansanas kaya huwag pasaway upang gumanda ang pangangatawan nilantakan ang mansanas sa bahay habang akin namang pinagnilayan ang mga pinagdaanan sa buhay ngayon nga'y mansanas ang kailangan upang puso't diwa'y laging palagay maruming salik ay nilalabanan at maraming sustansyang binibigay bagamat di man araw-araw iyan buting may mansanas kaysa maratay sa sakit o banig ng karamdaman nang pati kalamna't pulso'y tumibay sa kasabihang iyon ay natanto bakit sa ospital walang mansanas? at naisip ko nga bakit ganito dahil kayrami roong doktor at nars... - gregoriovbituinjr. 01.04.2025

Pag tinali, tinalo, tinola ang labas

Imahe
PAG TINALI, TINALO, TINOLA ANG LABAS pag tinali, tinalo, tinola ang labas pulutan sa alak o kaya'y panghimagas isinabong ang tandang sa labanang patas subalit sabungero'y tila minamalas alaga'y ginawang tinola nang mautas tinali, tinalo at tinola'y tinala na tila magkakaugnay silang salita na sa masa ito'y madaling maunawa tatlong pantig na nilalaro ang kataga makata ba'y may nakikitang talinghaga kaytagal mong inalagaan ang tinali subalit sa sabungan ay agad nasawi sapagkat pakpak nito'y nagkabali-bali at pati leeg nito'y nahiwa ng tari kaya ang tinali sa tinola nauwi - gregoriovbituinjr. 01.03.2025

Ang matematika ay sipnayan

Imahe
ANG MATEMATIKA AY SIPNAYAN matematika pala'y  sipnayan habang aritmetika'y  bilnuran trigonometry ay  tatsihaan habang geometry ay  sukgisan statistics ay  palautatan iyang algebra ay  panandaan set algebra ay  palatangkasan habang ang calculus ay  tayahan fraction naman ay  bahagimbilang ang salin ng physics ay  liknayan ang chemistry naman ay  kapnayan habang biology ay  haynayan nang mga ito'y aking malaman ay agad kong napagpasiyahan pagsasalin ay paghuhusayan upang magamit sa panulaan - gregoriovbituinjr. 01.03.2025 * ilan sa mga salitang ito'y mula sa  https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipnayan-sa-Filipino-Words-in-Mathematics-and-Science-in-Filipino  

Goodbye Daliri

Imahe
GOODBYE DALIRI Goodbye Daliri  ba ang paputok na iyon na pantaboy daw ng malas sa Bagong Taon subalit daliri niya yaong nataboy nasabugan ng labintador, ay, kaluoy bagamat sa komiks iyon ay usapan lang subalit batid natin ang katotohanan sapagkat maraming naging PWD nais lang magsaya, ngayon ay nagsisisi dahil sa maling kultura't paniniwala ay maraming disgrasya't daliring nawala di naman babayaran ng kapitalista ng paputok yaong pagpapagamot nila sana ang tradisyong kaylupit na'y mabago nang disgrasyang ganito'y maglahong totoo - gregoriovbituinjr. 01.03.2025 * larawan mula sa unang pahina ng pahayagang Pilipino Star Ngayon, 2 Enero 2025

Pag-iipon sa tibuyô

Imahe
PAG-IIPON SA TIBUYÔ sa tibuyô, barya'y inipon ko pawang dalawampu't sampung piso pambili ng pagkain at libro lalo na't mga aklat-klasiko sa tibuyo'y ihuhulog ko na ang anumang barya ko sa bulsa wala lang doong piso at lima inipon na'y malakihang barya tibuyo'y di lang bangkong pambata kundi alkansya rin ng matanda kagaya kong tigulang na't mama mabuting may ipon kaysa wala dapat laanan din ng panahon ang pagtitipid upang paglaon nang may madukot pag nagkataon pag kakailanganin mo iyon may mga libro akong kayrami na mula sa tibuyô nabili kaya ngayon ako'y nawiwili magbasa-basa't magmuni-muni - gregoriovbituinjr. 01.03.2025 * tibuyô - Tagalog-Batangas sa salitang Kastilang alkansya

Batang edad 10, patay sa 'Goodbye Philippines'

Imahe
BATANG EDAD 10, PATAY SA 'GOODBYE PHILIPPINES' kamalasan ba, sinadya, o aksidente pagsabog ng  'Goodbye Philippines'  ay nangyari na ikinasawi ng batang edad sampu kaya kasiyahan nila'y agad naglaho 'Goodbye Philippines'  pala'y bawal na totoo ngunit may umabuso't iba'y naperwisyo kaya nangyaring iyon ay talagang  'Goodbye' dahil nawala ay isang musmos na buhay wala pa akong alam na klaseng paputok na  'Goodbye Daliri'  ang ngalang itinampok kung  'Goodbye Buhay'  man, baka di iyon bilhin kung may bibili man ay matatapang lang din ah, kung ako ang ama ng batang nasawi maghihimutok ako sa kulturang mali babayaran ba ng kumpanya ng paputok ang nangyari sa anak ko, di ko maarok bawat Bagong Taong darating, magluluksa hibik ko'y wala nang paputok na pupuksa ng buhay o ng daliring masasabugan at ang kulturang mali'y dapat nang wakasan! - gregoriovbituinjr. 01.02.2025 * tula batay sa tampok na balita sa pahayagang Pilipi...

Ang drawing ni Mayan

Imahe
ANG DRAWING NI MAYAN pamangking kong nagngangalang  Mayan ay walang makitang masulatan naghanap sa munti kong aklatan ng blangkong papel o kwaderno man nakita niya ang aking libro drinowingan ang blangkong espasyo papangit ang aklat, akala ko di naman pangit, di rin magulo sa drawing niya, ako'y humanga sa magandang aklat pa nakatha sa espasyo ng librong  The Nose  nga si  Nikolai Gogol  ang may-akda edad siyam pa lang na pamangkin ay kayhusay na palang mag-drawing baka balang araw, siya'y maging painter o artist pagkat kaygaling ituloy mo,  Mayan , ang pangarap magpursige ka lang at magsikap sarili'y sanayin mo nang ganap at magtagumpay sa hinaharap - gregoriovbituinjr. 01.02.2025

Pagpapatuloy

Imahe
PAGPAPATULOY magbasa ng aklat na aking nabili ng nakaraan lang ang nakahiligan pagbabasa'y bisyo ng makatang taring dito ko natanto dapat nang gumising matutong lumaban tulad ng bayani nitong kasaysayan ng bayang naapi kaya nakibaka ang makatang tibak doon sa kalsada kaharap ma'y parak ngayong Bagong Taon tuloy sa mithiin gagampan sa layon sistema'y baguhin - gregoriovbituinjr. 01.02.2025

Pahinga muna

Imahe
PAHINGA MUNA matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon aba'y pahinga muna kami ni Alaga siya'y nahiga roon sa taas ng kahon habang ako'y sa munting banig humilata marahil siya'y humahabi ng pangarap na magkaroon din ng masayang pamilya habang naninilay ko'y masang naghihirap ay guminhawa't mabago na ang sistema habang nagpapahinga'y kanya-kanya kami ng asam na lipunang puno ng pangako na sa pagkilos ay sadya nating maani isang lipunang pantay-pantay ay mabuo kanya-kanyang pangarap, adhikaing payak na ginhawa sa daigdig na ito'y kamtin di ng iisang pamilya kundi panlahat walang mayaman, walang mahirap sa atin - gregoriovbituinjr. 01.01.2025 * Manigong Bagong Taon sa lahat!

Bagong Taon, Lumang Sistema

Imahe
BAGONG TAON, LUMANG SISTEMA dumatal ang Bagong Taon, wala pa ring nagbago maliban sa petsa, hirap pa rin ang mga tao tingnan mo't bilihin ay kaytaas pa rin ng presyo iyang kamatis nga, bawat piraso'y sampung piso Bagong Taon, kapitalismo pa rin ang sistema nariyan pa rin ang pulitikal na dinastiya ang pondo ng serbisyo publiko'y binawasan pa habang nilakihan ang badyet para sa ayuda di pa rin itinataas ang sahod ng obrero habang kita ng negosyante'y kaylaking totoo mandarambong pa rin ang mga nangungunang trapo wala pang kampanyahan, nangangampanya nang todo Bagong Taon, may nagbago ba sa buhay ng dukha? pagsasamantalahan pa rin ba ang manggagawa? Bagong Taon, anong nagbago? wala, wala,  WALA ! aba'y Bagong Taon, Lumang Sistema pa ring sadya! subalit panata ko, tuloy pa ring mangangarap na itatayo ang lipunang walang naghihirap ginhawa ng bawat mamamayan ay malalasap isang lipunang pagkakapantay ang lalaganap - gregoriovbituinjr. 01.01.2025