Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2025

Lola, inakalang mangkukulam, pinaslang

Imahe
LOLA, INAKALANG MANGKUKULAM, PINASLANG panahon pa ba ng pamahiin kultura'y may mangkukulam pa rin tulad ng napaulat na krimen lola'y pinatay at sinunog din pinagpapalo yaong matanda ng tangkay ng niyog hanggang siya'y  mawalan ng malay, tinabunan ng tuyong dahon at sinilaban karumal-dumal ang inihasik o may mental health problem ang suspek o sugapa pa sa gamot, adik kaya kung kumilos ay may saltik sa imbestigasyon ng pulisya iniwanan siya ng asawa kaya depresyon ang danas niya subalit idinamay si lola hustisya sa matandang pinaslang na pinagbintangang mangkukulam sana hustisya'y kanyang makamtan at ang suspek ay maparusahan - gregoriovbituinjr. 08.02.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar at Pilipino Star Ngayon, Hulyo 31, 2025

Minsan, umaawat ang napapatay

Imahe
MINSAN, UMAAWAT ANG NAPAPATAY umawat lang sa away, nasaksak pa nandamay pa ang kainuman niya kayhirap kung sa inuman, may away ang umawat, siya pa ang napatay sa ganyang away, huwag nang manood tumawag na lang ng barangay tanod batid nila paano ba aawat at magdepensa upang di masilat kaya sa inuman, maging alerto baka mag-iba ang timpla ng ulo ng kainuman at mapagbalingan ka't maging dahilan ng kamatayan ingat lagi sa ganyang pagbabarik baka iba ang sa iyo'y ibalik makiramdam, tagay mo man ay konti buti nang magpaalam at umuwi - gregoriovbituinjr. 08.01.2025 * ulat mula sa pahayagang Sagad, Agosto 1, 2025, p.2