Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2025

Sa mga bagong pangalan sa Bantayog

Imahe
SA MGA BAGONG PANGALAN SA BANTAYOG taaskamaong pagpupugay sa lahat ng mga bagong pangalang iuukit doon sa  Bantayog ng mga Bayani sa Nobyembre ng taon kasalukuyan Nolito H. Acebedo Nonito A. Aguirre Sr. Alex Boncayao Jorge L. Cabardo Ma. Leticia T. Celestino Susan Fernandez Yolanda H. Gordula Bartolome S. Pasion Francisco Portem Roger C. Salas Carlito R. Semilla dalawa sa kanila'y naisulat ko tula't talambuhay ni Alex Boncayao higit isang dekada nang nakaraan at ang librong sinalin ko sa Tagalog: talambuhay ni Bartolome S. Pasion pagpupugay sa mga bagong bayani nakibaka sa maling pamamahala lumaban sa mabangis na diktadura lumaban upang baguhin ang sistema ang pagkaukit ng kanilang pangalan ay palatandaan ng kabayanihan at ganap na pagkilala nitong bayan sa nangarap ng makataong lipunan O, sa inyo, na aming bagong bayani ang inyong laban ay tinutuloy namin hanggang makataong lipunan ay kamtin pagsasamantala'y tuluyang pawiin tungo sa makataong kinabukasan walang pang-aapi s...

Panalo nga ba?

Imahe
PANALO NGA BA? nakasulat:  "Lahat ng pack, panalo!" sa baba:  "Smoking causes foot gangrene" kaya ang tanong: tunay bang panalo? ang ad ay kabalintunaan man din sa kabila,  "ang paninigarilyo ay sanhi ng pagkaagnas ng paa" ngunit sabi'y  "Lahat ng pack, panalo'" sa agnas na paa'y panalo nga ba?" kabalintunaan ang patalastas di ka talaga panalo sa ganyan ngunit dahil negosyante'y malakas balintuna man, pinagtutubuan binibilog na ang ulo ng madlâ subalit ito'y tila balewalâ - gregoriovbituinjr. 11.27.2025

Sampung pisong buko

Imahe
SAMPUNG PISONG BUKO buti na lang, may sampung pisong buko na araw-araw ay naiinom ko imbes na soft drinks, lambanog o kape sampung pisong buko pa'y mas maigi pagkat pampalakas na ng katawan ay mabuti pa sa puso't isipan tubig ng buhay at nakabubuhay lunas sa karamdaman, pangingimay sampung pisong buko, napakamura nagtitinda nito'y kapwa mahirap h'wag sanang kunin ng kapitalista baka dukha'y malugi sa sang-iglap sampung pisong buko'y ating inumin at magandang kalusugan ay kamtin - gregoriovbituinjr. 11.27.2025

Nanlaban o di nakalaban?

Imahe
NANLABAN O DI MAKALABAN? ang sabi, sila'y nanlaban sila ba'y nakapanlaban? o di sila makalaban? pagkat agad binanatan... - gregoriovbituinjr. 11.27.2025 * litrato mula sa google

Tahimik na gawain

Imahe
TAHIMIK NA GAWAIN kung di kumikilos sa rali sa lansangan ay binubuhos ang panahon sa pagtulâ kung di nagbabasa sa sariling aklatan ay pinagninilayan ang anumang paksâ kung di nakikibaka laban sa kurakot nagpapakain ng mga pusà sa labas kung di sumisigaw laban sa trapo't buktot naghahanda ng mga gulay pampalakas kung di lumalahok sa pagkilos ng dukhâ nagsasalin naman ng akda't dokumento kung di isang lider ng grupong maralitâ maglalakad ako't lilibutin ang mundo kung di pa mababago ang sistemang bulok tutok ko'y sa sipnayan o matematika kung ang dukha'y di pa mailagay sa tuktok anang kantang Tatsulok, maglalaba muna - gregoriovbituinjr. 11.27.2025

Ang pusà sa bintanà

Imahe
ANG PUSÀ SA BINTANÀ kung siya'y akin lang matatanong kung bakit naroon sa bintanà baka siya'y agad na tumugon: "Gutom na ako. Penge ng isdâ." siya pala'y parang kumakatok upang siya'y agad kong mapansin batid saan ako nakaluklok upang humingi ng makakain nagsaing ako't bumiling ulam may pritong tilapya at may gulay at tinupad ko ang kanyang asam natira sa isda ang binigay sa mga pusa'y maging mabait parang pakikipagkapwa iyan kung meron lang, huwag ipagkait ituring din silang kaibigan  - gregoriovbituinjr. 11.26.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://web.facebook.com/share/r/1FySuSgDN3/      

At isinilang ang tatlong kuting

Imahe
AT ISINILANG ANG TATLONG KUTING nanganak na pala itong inahing pusâ na tambay sa tarangkahan ng aming bahay kayrami ko nang pakakaining alagâ basta mga dagâ lang ay mawalang tunay may mga bago ring paglilibangan ako bibigyan ng tira sa isda, hahaplusin may mga bagong sasalubong pagdating ko pag may dalang tira-tira, ipapakain nadagdag na ang tatlong kuting sa daigdig marahil matatapang din gaya ng ina kaya sa mga daga'y may bagong lulupig habang akong narito'y tutulaan sila mahal pa sa kilong bigas ang kilong cat food kaya ibibigay ko'y isda, ulo't hasang ang mapakain lang sila'y nakalulugod sana'y lumaki silang malusog, matapang - gregoriovbituinjr. 11.26.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa:  https://www.facebook.com/share/v/19t5tyqfep/  

Bawat araw, may tulâ

Imahe
BAWAT ARAW, MAY TULÂ kahit nasa rali sa lansangan o kaya'y pagbangon sa higaan pagkakain ng pananghalian o kaya'y matapos ang hapunan titiyaking may tulâ na naman araw at gabi, ako'y kakathâ madaling araw, babangon sadyâ upang kathain ang nasa diwà nasa kaloobang lumuluhà samutsaring paksâ, lumilikhâ bawat araw ay may tulang handog sa ganyan, pagkatao'y nahubog sa tula, sarili'y binubugbog paksa'y bayan, kalikasan, irog misyon hanggang araw ko'y lumubog - gregoriovbituinjr. 11.26.2025

Alam n'yo ba bakit namumula ang aking mukhâ?

Imahe
ALAM N'YO BA BAKIT NAMUMULA ANG AKING MUKHA? alam n'yo ba bakit namumula ang aking mukhâ? pagkat kaytagal nang nilalait ang aking tulâ walâ raw sa toreng garing, kampi sa manggagawà  pulos pakikibaka, palibhasa'y isang dukhâ ayaw nilang pabigkasin ng tulâ ang tulad ko pagkat ayaw nilang marinig kung anong totoo ayaw nilang dinggin ang panunuligsâ sa trapo ayaw tanggapin ang nilalakò kong pagbabago unang bira sa akin, katha'y pulos tugma't sukat ang mga parikala'y kung saan-saan nagbuhat bakit daw pulos manggagawa't dukha'y minumulat at binibira ang panginoong burgesya't lahat pagkat sila ang tiyak na unang matatamaan silang mga kawatan sa pondo ng ating bayan silang maliliit na kasabwat sa kurakutan silang mga lider nitong pulitikong kawatan ngunit sa pagtulâ ko'y nakatindig ng marangal bagamat pag tumutulâ minsan ay nauutal habang tinutuligsa ang dinastiya't kriminal di ko tatantanan iyang mga trapong pusakal - gregoriovbituinjr. 11.25.2025

Pangangarap ng gising

Imahe
PANGANGARAP NG GISING patuloy ang pangangarap ng gising mabuti't nangangarap, di na himbing lalo't pakikibaka'y tumitining laban sa korapsyon ng magagaling dapat may pagbabago na sa bayan lalo na't galit na ang sambayanan sa trapo't oligarkiyang gahaman sa dinastiya't burgesyang kawatan itayo ang lipunang makatao walang pagsasamantala ng tao sa tao, di naghihirap ang tao ang bawat isa'y nagpapakatao talagang mayaman ang Pilipinas ngunit kayhirap ng bayang dinahas hinalal na pulitiko'y naghudas na pondo'y ninakaw nilang madalas kaya baguhin natin ang sistema wakasan ang dinastiya, burgesya, elitista't tusong oligarkiya silang yumaman sa likha ng masa - gregoriovbituinjr. 11.25.2025

Hustisya'y bakit pangmayaman lang?

Imahe
HUSTISYA'Y BAKIT PANGMAYAMAN LANG? "At ang hustisya ay para lang sa mayaman!" - mula sa awiting Tatsulok ng Buklod buti pa ang / mayayaman, / may due process kapag dukha, / kulong agad, / anong bilis nalaglag na / sampung piso / ang pinulot ninakaw na! / kulong agad / at nanagot! isang balot / lang na monay / o pandesal dahil gutom / yaong anak / niyang mahal ang hiningi, / ninakaw daw / ng kriminal ba't pag dukha, / turing agad / ay pusakal?   bilyong bilyong / pisong pondo / nitong bayan na ninakaw / ng senaTONg / at TONGgresman may due process, / di makulong / ang kawatan hay, sa bansa / ang hustisya'y / bakit ganyan? baguhin na / itong bulok / na sistema pagkat tila / pangmayaman / ang hustisya ang bulok na / lipunan ay / palitan na nang hustisya'y / matamo rin / nitong masa - gregoriovbituinjr. 11.24.2025 * litrato kuha sa Fiesta Carnival, Cubao, QC

National Poetry Day, alay kay Jose Corazon de Jesus

Imahe
NATIONAL POETRY DAY, ALAY KAY JOSE CORAZON DE JESUS ang  Pambansang Araw ng Pagtulâ ay inalay sa tanging makatâ Bayan Ko  nga'y siya ang maykathâ pati na ang tulang  Manggagawà kilala siyang  Huseng Batutè siya'y makatang nananatili sa pusò ng bayan, na ang mithi ay kagalingan ng buong lahi O, Gat Jose Corazon de Jesus bunying makatâ ng bayang lubos ang mga tula mo'y tumatagos sa pusò nitong masa'y hikahos kaarawan mo'y tinalaga nga na  Pambansang Araw ng Pagtulâ salamat,  O, Dakilang Makatâ sa pamana mong tagos sa madlâ - gregoriovbituinjr. 11.24.2025 * isinilang ang dakilang makatang Jose Corazon de Jesus noong Nobyembre 22, 1894. Itinalagang National Poetry Day ang kanyang kaarawan noong 2022. * litrato mula sa google

Buwaya, buwitre, at ulupong

Imahe
BUWAYA, BUWITRE, AT ULUPONG parang holdaper ng buong nasyon na harap-harapan ang insersyon at pagkawat sa pondong dinambong ng buwaya, buwitre't ulupong nagkwentuhan ang kunwari'y lingkod: Buwaya:  "Di pa kami mabusog!" Buwitre:  "Di rin kami mabusog!" Ulupong:  "Pag busog na'y tutulog!" ang mga buwaya'y tuwang-tuwâ sa sinagpang na pondo ng bansâ nagbundatan na ang walanghiyâ at nagsikapalan din ang mukhâ nanginain ang mga buwitre ng buwis kaya di makangisi pondo ng bayan ay sinalbahe nilang masisibà araw-gabi at sinagpang ng mga ulupong ang kaban ng bayan, kinuratong ng kontrakTONG, TONGresman, senaTONG ulo nila'y dapat nang gumulong! - gregoriovbituinjr. 11.24.2025

BASI (BAwang, SIbuyas)

Imahe
BASI (BAWANG, SIBUYAS) pinagsamang sibuyas at bawang ang pampalakas nitong katawan na sa baso'y pagsamahin lamang at agad ko itong babantuan ng mainit na tubig, talaga naman, at sadyang gaganahan ka inumin mo't bisa'y madarama tila nililinis ang bituka tawag ko'y  BASI  -  BA wang,  SI buyas kumbaga, ito ang aking gatas o pagkakain ay panghimagas kayrami nitong nabigyang lunas tara, uminom tayo ng BASI na kaiba sa alak na Basi tiyak namang di ka magsisisi kundi magiging super kang busy - gregoriovbituinjr. 11.23.2025

Ako ma'y isang tinig sa ilang

Imahe
AKO MA'Y ISANG TINIG SA ILANG ako'y isa raw tinig sa ilang walang nakikinig, tila hunghang kayraming tao sa kalunsuran ay tila ba nasa kaparangan salitâ nang salitâ nang gising tulâ ng tulâ ay nanggigising ng mga tulog na kaisipan ng mga himbing pa sa higaan sumisigaw laban sa kurakot na di napapakinggan ng buktot na trapo, burgesya, dinastiya, tusong kuhilà, oligarkiya nananatiling tinig sa ilang ang makatang di pinakikinggan  - gregoriovbituinjr. 11.23.2025

Pasalubong pagsalubong

Imahe
PASALUBONG PAGSALUBONG naglalaway ang mga asong galâ nagngiyawan naman ang mga pusà habang nasa lunggâ ang mga dagâ na nanahan sa ilalim ng lupà nakita nilang ako'y may dalahin tingin nila, ang dala ko'y pagkain siyang tunay, na pawang tira lang din na pasalubong ko sa alagain natira sa ulam ay hinati ko sa sumalubong na pusa at aso may tirang karne, may tinik at ulo ng tilapya, hati-hating totoo madalas ganyan ako pag uuwi dapat may pasalubong, hati-hati bagamat minsan, wala akong uwi sa kanilang ulam, kundi ngumiti - gregoriovbituinjr. 11.23.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/1FoBNUY1mm/  

Magkaisa laban sa mga korap

Imahe
MAGKAISA LABAN SA MGA KORAP magkaisa laban sa mga mapagpanggap na lingkod bayang sa masa'y pawang pahirap silang sa pondo ng bayan nagpakasarap anak nilang nepo'y pulos luhò ang lasap korapsyon ay patuloy nating tuligsain tao'y sadyang galit na sa kanilang krimen sa bayan, nalikhang poot ay tumitining galit ng mahihirap lalo pang iigting sobra na, tama na, wakasan ang korapsyon ibagsak ang buwitreng sa pondo lumamon ibagsak ang buwayang yumurak sa nasyon ibagsak ang ahas na buwis ang nilulon panahon nang magkaisa ng mahihirap upang maitatag ang lipunang pangarap palitan na ang sistemang walang paglingap sa masa na ang buhay ay aandap-andap - gregoriovbituinjr. 11.23.2025 * alay sa National Poetry Day, 11.22.2025

Maralita laban sa korapsyon!

Imahe
MARALITA LABAN SA KURAPSYON! panahon na ngang ating labanan ang mga kuhila't tampalasan palitan ang bulok na lipunan palitan din ang pamahalaan kinurakot nga ng mga korap ang buwis natin sa isang kisap mata, ang pondo'y nawalang ganap mas naging dehado ang mahirap buwis ng bayan ang kinurakot ng mga talipandas at buktot buwis ng dukha'y pinaghuhuthot ng lingkod bayang pawang balakyot marunong ding magalit ang dukha imbes pondo'y sa bahay at lupa ang pondo'y kinurakot ngang sadya ng mga pulitikong kuhila O, maralita, magalit ka na! ibagsak na ang oligarkiya, gahaman, dinastiya, burgesya baguhin ang bulok na sistema! - gregoriovbituinjr. 11.22.2025  (National Poetry Day)

Sa Ngalan Ng Tula (ngayong National Poetry Day 2025)

Imahe
SA NGALAN NG TULA (ngayong National Poetry Day 2025) ngayong  National Poetry Day , tula'y bibigkasin sa pagtitipon ng kabataang kasama natin o kaya'y sa pagtitipon ng mga maralita sa isang komunidad, ngunit konsyerto na'y wala kasabay ng bertdey ni  Jose Corazon de Jesus unang hari ng Balagtasan, kayhusay na lubos tema ngayon:  "Tula't Tuligsâ Laban sa Korapsyon" pumapaksa sa mga pulitikong mandarambong tuligsa laban sa buwayang walang kabusugan mga kontraktor, senador, konggresistang kawatan dahil sa bahâ, nabisto ang isyung ghost flood control na pondo ng bayan ay sa pansarili ginugol ng mga lingkod bayang buwis nati'y binuriki ng mga dinastiyang di na dapat manatili anang makatâ:  parusahan ang lahat ng buktot! sigaw ng masa:  ikulong na 'yang mga kurakot! - gregoriovbituinjr. 11.22.2025

4 na tulang pangkabataan laban sa korapsyon

Imahe
4 NA TULANG PANGKABATAAN LABAN SA KORAPSYON (alay sa National Poetry Day, Nobyembre 22, 2025) Tula 1 NAIS NG KABATAAN (7 syllables per line) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ani Gat Jose Rizal na bayaning marangal ayaw ng kabataan kaban ay ninakawan ng mga lingkod bayang nagsisilbi sa ilan kaya aming nilandas ang pangarap na wagas: isang lipunang patas at may magandang bukas kabataan na'y sangkot sa paglaban sa buktot na trapong nangurakot na dapat mapanagot iyan ang sigaw namin ang kurakot ay krimen sa bayan at sa atin dapat silang singilin Tula 2 PONDOHAN ANG EDUKASYON, DI ANG KORAPSYON  (13 syllables per line) ang isinisigaw ng kabataan ngayon pondohan ang edukasyon, di ang korapsyon sa aming kabataan, ito'y isang hamon na dapat dinggin ng namumuno sa nasyon anang DepEd, dalawampu't dalawang klasrum lamang umano ang nagawâ ngayong taon sa sanlibo pitong daang target na klasrum  aba'y wala pa sa isang porsyento iyon mga bata'y di makapasok sa eskwela pagkat l...

Tulâ 2 sa bisperas ng National Poetry Day

Imahe
TULÂ 2 SA BISPERAS NG NATIONAL POETRY DAY salamat sa nagpoprotesta sa Edsa Shrine pagkat ako'y binigyan ng pagkakataon na tumulâ sa kanilang kilos protesta laban sa mga kurakot sa ating bayan naka-Black Friday Protest ako ng umaga tumulâ sa Edsa Shrine pagsapit ng gabi bukas ay  National Poetry Day  pa naman araw ng pagtula'y paghandaang mabuti muli ay taospuso pong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng pagkakataon upang sa aktibidad nila'y makabigkas ng kathang tula sa isyung napapanahon ito lang kasi ang mayroon ako:  TULÂ na marahil walang kwenta't minamaliit bagamat tiibak na lingkod ng maralitâ patuloy na pagkathâ sana'y maigiit - gregoriovbituinjr. 11.21.2025

Tulâ 1 sa bisperas ng National Poetry Day

Imahe
TULÂ 1 SA BISPERAS NG NATIONAL POETRY DAY  akala ko'y makabibigkas ng tulâ kanina kayâ kay-aga ko, subalit hindi naman pala baka nakalimutan, o hindi na nailista ngunit bawal magtampo pag tibak na Spartan ka kayâ ayos lang ang lahat, na sa totoo'y hindi kaming mga mandirigma'y sanay nang maduhagi may next year pa naman, ang sa labi namumutawi nagkukunwaring okay, pagkat sanay nang masawi maapi man ang makatang wala sa toreng garing di man mapagtiwalaan sa tulang nanggigising nagpapatuloy pa rin madalas mang maliitin ng mga matataas, ang tula'y di mahihimbing bukas,  National Poetry Day , sana'y makabigkas  din ng tulâ laban sa korapsyon at mararahas habang nananawagan ng isang lipunang patas makipagkapwa't magpakatao ang nilalandas - gregoriovbituinjr. 11.21.2025

Ayaw natin sa lesser of two evils

Imahe
AYAW NATIN SA LESSER OF TWO EVILS bakit papipiliin ang bayan sa sabi nga'y  "Lesser of Two Evils" isa ba sa dalawang demonyo ang magliligtas sa sambayanan? HINDI , di tayo dapat pumili sa sinumang demonyo't kawatan piliin natin lagi'y mabuti para sa lahat ng mamamayan ano bang dapat nating piliin? Kadiliman ba o Kasamaan? Mandarambong o mga Kawatan? Kurakot o Kasinungalingan? piliin natin ang  Kabutihan ! ang kabutihan ng  Sambayanan dapat manaig ang  Kabutihan ng bayan, buhay, kinabukasan ayon nga sa ating Konstitusyon: ang  "Public Office is a public trust" "Sovereignty resides from the people, all authority emanates from them." itayo:  Peoples Transition Council upang iwaksi ang trapo't evil taumbayan na'y di pasisiil sa dinastiya, burgesya't taksil - gregoriovbituinjr. 11.20.2025 * litrato mula sa google

Mag-ingat po

Imahe
MAG-INGAT PO mag-ingat po sa nandurukot sa pondo ng bayan mag-ingat po sa mga nandarambong at kawatan mag-ingat sa nambuburiki sa kaban ng bayan  maging alisto lagi tayo, mga kababayan ibinubulsa ng mga trapo ang ating buwis nagsipagbundatan kaya sila nakabungisngis bilyong pisong pondo'y kinurakot, parang winalis habang sa hirap, karaniwang tao'y nagtitiis buwayang walang kabusugan, kaylaki ng bilbil habang mga maralita, sa asin nagdidildil O, Bayan ko, sa ganyan, kayo pa ba'y nagpipigil? di pa ba kayo galit sa gawâ ng mga taksil? sa ganitong nangyayari, bayan ang mapagpasya! halina't tayo'y kumilos, baguhin ang sistema! wakasan! kurakot, dinastiya, oligarkiya! itayo ang lipunang pantay at para sa masa! - gregoriovbituinjr. 11.20.2025

Hilakbot ng kurakot

Imahe
HILAKBOT NG KURAKOT hilakbot ng kurakot ay nakapanlalambot dapat silang managot sa inhustisyang dulot sa bayang binabalot ng sistemang baluktot, oligarkiyang buktot dinastiyang balakyot sadyang nakatatakot ang gawa ng kurakot: krimeng may pahintulot di man lang nagbantulot batas na'y binaluktot ang kaban ay hinuthot ang buwis ay dinukot bilyong piso'y hinakot ng mga trapong buktot at kuhilang balakyot na dapat lang managot at walang makalusot bansa'y nangingilabot sa mga ganyang gusot krimen nilang dinulot sa bansa nga'y bangungot - gregoriovbituinjr. 11.20.2025 * litrato kuha sa Plaza Bonifacio sa Pasig noong Nobyembre 8, 2025, bago magsimula ang Musika, Tula, Sayaw sa "Pasig Laban sa Korapsyon"

Sa pagluwas

Imahe
SA PAGLUWAS doon sa kanluran / ako'y nakatanaw  habang makulimlim / yaring dapithapon hanggang sa nilamon / ng dilim ang araw tila ba nalugmok / sa tanang kahapon di lubos maisip / ang kahihinatnan ng abang makatâ / sa pakikibaka iwing tula'y punyal / sa abang lipunang minanhid na nitong / bulok na sistema sa silangan naman, / aking ninanais ay maghimagsik na / ang mga naapi: uring manggagawa't / masang anakpawis batà, kabataan, / pesante, babae sa aking pagluwas, / dala'y adhikain at asam ng bayang / tuluyang lumayà sa pagiging mga / sahurang alipin maglingkod nang tunay / sa obrero't dukhâ  - gregoriovbituinjr. 11.19.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://web.facebook.com/share/r/19jxFVwRDx/  

Doble presyo na ang okra

Imahe
DOBLE PRESYO NA ANG OKRA nuong isang araw, sampung piso lang ang santaling okra, na lima ang laman, ngayon na'y bente pesos ang gayong okra, dumobleng gastos pamahal ng pamahal ang gulay bente pesos na rin ang malunggay pati tatlong pirasong sibuyas tatlong kamatis na pampalakas O, okra, bakit ka ba nagmahal? tulad ka rin ng ibang kalakal na supply and demand ang prinsipyo sadyang ganyan sa kapitalismo mabuting sa lungsod na'y magtanim bakasakaling may aanihin bagamat matagal pang tumubò kahit paano'y may mahahangò - gregoriovbituinjr. 11.19.2025

Radyo

Imahe
RADYO madalas, bukas ang radyo sa gabi makikinig ng awit, sinasabi, may dramang katatakutan, mensahe, balita, huntahan, paksa'y mabuti nilalaksan ko ang talapihitan upang alulong ay pangibabawan nang di marinig ang katahimikan nang mawalâ ang kaba kong anuman subalit pag pinatay ko ang radyo nagtitindigan yaring balahibo pag iyon na, pipikit na lang ako at tinig ng mutya'y pakikinggan ko laging gayon pag ako'y managinip kung anu-ano yaring nalilirip kapayapaan nawa'y halukipkip sana'y sanay na sa gayong pag-idlip - gregoriovbituinjr. 11.18.2025    

Pusang galâ

Imahe
PUSANG GALÂ may lumapit na namang pusang galâ sa bahay, tilà hanap ay kalingà pinatuloy ko sa bahay ang pusà baka gutom ay mapakain ko ngâ basta may pusang lumapit sa akin basta mayroon lang tirang pagkain tiyak siya'y aking pakakainin baka siya'y may anak na gutom din buting gayon kaysa ipagtabuyan ang pusang dumadalaw sa tahanan para bang may malayong kaibigan na kumakatok sa aming pintuan subalit sa labas pinatutulog ang mga pusang galâ pag nabusog may latagan sila kapag inantok pag nagutom muli, sila'y kakatok - gregoriovbituinjr. 11.18.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/reel/1351776999929255 \

Sa ika-84 kaarawan ni Dad

Imahe
SA IKA-84 KAARAWAN NI DAD aalis ako mamaya sa lungsod upang dalawin po ang inyong puntod upang batiin kayong buong lugod at matagal ako roong tatanghod salamat sa lahat ng sakripisyo upang lumaki kaming pasensyoso, matatag, nakikipagkapwa-tao sa buhay ay nagsisikap ng husto ako po'y taospusong nagpupugay at nagpapasalamat, aming Itay sa nagawâ po'y naalalang tunay gabay ka po namin sa bawat lakbay salamat po sa inyong mga turò kayâ kami'y talagang napanutò muli, maligayang kaarawan pô pagmamahal nami'y di maglalahò - gregoriovbituinjr. 11.17.2025

Paghahandang maglakbay sa madaling araw

Imahe
PAGHAHANDANG MAGLAKBAY SA MADALING ARAW dapat may laman ang tiyan kung bibiyahe ng madaling araw, ulam man ay kagabi pa naluto, mag-ingat lang baka matae sa biyahe, makiramdam nang di magsisi kaarawan ni Dad, pupuntang lalawigan upang makita rin ang inang mapagmahal magdadala rin ng kandilang sisindihan isang araw lang doon at di magtatagal gagayak maya-maya, matapos kumathâ ng tulâ, ito'y bisyong laging ginagawâ tula'y tulay sa paglilingkod ko sa madlâ lalo sa uring manggagawa't kapwa dukhâ maglalakbay akong umuulan sa labas walang magagawa umulan mang malakas tutulog na lang sa biyaheng tatlong oras mahigit, mahalaga'y daratal nang ligtas ako'y maliligo, magbibihis, kakain simpleng paghahanda't malayong lalakbayin katawang lupa'y sa bus na pagpahingahin na sa pag-idlip ay kayraming ninilayin - gregoriovbituinjr. 11.17.2025

Mga Buwayang Walang Kabusugan

Imahe
MGA BUWAYANG WALANG KABUSUGAN kung si Gat Amado V. Hernandez ay may nobelang  "Luha ng Buwaya" balak kong pamagat ng nobela: "Mga Buwayang Walang Kabusugan" na tumatalakay sa korapsyon doon sa tuktok ng pamahalaan iyan ang isa kong nilalayon kaya buhay pa sa kasalukuyan kaya inaaral ko ang ulat bawat galaw ng mga pulitiko silang anong kakapal ng balat oligarkiya't dinastiyang tuso binaha tayo dahil sa buktot na pulitikong nagsipagbundatan pondo ng bayan ay kinurakot ng mga mandarambong o kawatan kontrakTONG, senaTONG, at TONGgresman sa bayan ay dapat lamang managot panagutin, ikulong, parusahan! ang mga buktot, balakyot, kurakot! baguhin ang bulok na sistema nilang buwayang walang kabusugan nang sila'y di na makabalik pa nang kaban ng bayan, di na masagpang - gregoriovbituinjr. 11.16.2025 * litrato mula sa Philippine Star na nasa kawing na:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1325324652964744&set=pb.100064616655120.-2207520000&type=3   * litrato...

Talong at SiBaKa

Imahe
TALONG AT SIBAKA talong,  SI buyas,  BA wang,  KA matis ang aking pananghaliang wagas sa trabaho ma'y punò ng pawis malasa, ito ang pampalakas tara, tayo nang mananghalian kaunti man, pagsaluhan natin gaano man kapayak ang ulam kita'y maghating kapatid pa rin ang  SIBAKA  ay di mawawalâ minsan, may karne; madalas gulay paminsan-minsan naman, may isdâ dahil sa protina nitong taglay tulong talaga ang talong dito mapapalatak, nakabubusog O, mga kasama ko't katoto pagsaluhan na ang munting handog - gregoriovbituinjr. 11.16.2025

This is where your taxes go: KURAKOT!

Imahe
THIS IS WHERE YOUR TAXES GO: KURAKOT! saan napunta ang buwis ng taumbayan? tanong iyan ng ating mga kababayan: OFW, manggagawa, kabataan, kababaihan, dukha, simpleng mamamayan saan? nasa bulsa ng buwayang kurakot! saan pa? sa bulsa ng buwitreng balakyot! saan pa? sa bulsa ng tongresistang buktot! ha? sinagpang pa ng ahas! nakalulungkot! buwis iyon ng bayan! bakit ibinulsa? para sana di binabaha ang kalsada bata'y walang bahang papasok sa eskwela obrero'y walang baha tungo sa pabrika ay, kayrami palang buwaya sa Senado insersyon sa badyet, sa ghost project daw ito pulos mga buwitre naman sa Kongreso na badyet sa Malakanyang ay aprubado O, kababayan, anong dapat nating gawin kung tayo ang botante't employer nila rin mga kurakot ay ating pagsisibakin! sa halalan, sila'y huwag nang panalunin! - gregoriovbituinjr. 11.16.2025 * litrato mula sa google

Ihing kaypalot

Imahe
IHING KAYPALOT naamoy ko ang palot na iyon habang lulan ng dyip tungong Welcome Rotonda, kaytinding alimuom na talaga ngang nasok sa ilong sa pader, ihi'y dumikit dito kaya pulos karatula rito saanman magawi ay kita mo may pinta:  Bawal Umihi Dito kayhirap maamoy ang mapalot dahil sa ilong ay nanunuot di pupwede sa lalambot-lambot baka hinga'y magkalagot-lagot dapat umihi pag naiihi kung pantog puputok nang masidhi subalit saan tayo gagawi kung walang C.R. nang di mamanghi kailan pa tao matututo pader ay di ihiang totoo upang di magkasakit ang tao upang di labag sa batas ito - gregoriovbituinjr. 11.15.2025

A-kinse na

Imahe
A-KINSE NA may kwento noong ngayo'y aking naalala: minsan daw ay lumindol doon sa pabrika sigaw ng isa:  nakupo! katapusan na! ang sagot ng isa:  a-kinse pa lang, tanga! tulad ng petsa ngayon: Nobyembre a-kinse sweldo na naman, paldo muli si kumpare at may pang-intrega na siya kay kumare may pampa-tuition na sa anak na babae inaabangang sadya ang araw ng sahod matapos kinseng araw na nagpakapagod na ramdam ng manggagawa'y nakalulugod lalo na't sa pamilya siya ang gulugod O, kinsenas, kapag ikaw na ang dumatal nagkalipak man ang palad at kumakapal ginhawa'y dama matapos ang pagpapagal sana'y di magkasakit, buhay pa'y tumagal - gregoriovbituinjr. 11.15.2025

Bumerang

Imahe
BUMERANG matapos raw ang kaytinding bagyo matapos humupà ang delubyo mababakas ang gawa ng tao basura'y nagbalikang totoo tinapon nila'y parang bumerang tulad ng plastik sa basurahan mga binasura'y nagbumerang tinapon sa kanal naglabasan parang mga botanteng nasukol na binoto pala nila'y ulol binotong sangkot sa ghost flood control na buwis sa sarili ginugol binoto'y mga trapong basura na nagsisibalikan talaga upang sa masa'y muling mambola mga trapong dapat ibasura at kung káya'y huwag pabalikin ang dapat sa kanila'y sunugin upang di na makabalik man din basura silang dapat ubusin - gregoriovbituinjr. 11.14.2025 * komiks mula sa pahayagang Bulgar, 11.13.2025, p.5    

DPWH ba'y paniniwalaan pa?

Imahe
DPWH BA'Y PANINIWALAAN PA? mukhang DPWH nagpapabango nasa headline sila ng isang pahayagan nagsalitâ sa pananalasa ng bagyo mga pambansang daan ay di madaanan di mo na tuloy alam kung anong totoo pag DPWH na ang nagsalitâ silang pangunahing sa kurakot nabisto ay mag-uulat sa bayan hinggil sa sigwâ maniniwala ba o ito'y guniguni tulad ng pinag-uusapang ghost flood control aasahan ba ang kanilang sinasabi? e, kawatan at sinungaling nga'y mag-utol flood control project ba'y sasabihing maayos? at di substandard ang gamit na materyales? matitibay daw ang gawa kahit mag-unos e, maraming binaha, duda'y di naalis DPWH ba'y paniniwalaan ng bayang galit sa mga trapong kurakot ahensyang pangunahin nga sa kurakutan! O, DPWH, dapat kang managot - gregoriovbituinjr. 11.13.2025 * litrato mulâ sa headline ng pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 11, 2025

Mababaw man ang kaligayahan ko

Imahe
MABABAW MAN ANG KALIGAYAHAN KO mababaw lang daw ang kaligayahan ko kaya natatawa sa mumunting bagay dahil diyan, napaisip tuloy ako: ano ang malalim na kaligayahan? mababaw lang ako, makakain lamang ng tatlong beses isang araw, ayos na di ko kaylangan ng kotse't kaharian na sa kamatayan, di ko madadala mababaw ako ngunit kayang sumisid nakakangiti pa rin kahit na pagod kasama'y dukhang nabubuhay sa gilid kaysa korap na nabundat sa kurakot oo, inaamin ko, mababaw ako kaysa malalim nga, di naman masaya ay, ako'y isa lang karaniwang tao maglulupâ, makatang lingkod ng masa - gregoriovbituinjr. 11.13.2025

Korapsyon: Kung anong bigkas, siyang baybay

Imahe
KORAPSYON: KUNG ANONG BIGKAS, SIYANG BAYBAY ni Gregorio V. Bituin Jr. Nabasa ko ang sinulat ni  National Artist Virgilio S. Almario  sa kanyang kolum na Filipino Ngayon sa pesbuk hinggil sa baybay ng salin sa wikang Filipino ng corruption. Tinalakay nga niya kung korupsiyon ba o korapsiyon ang tamang salin. Basahin ang kanyang sanaysay na may pamagat na  KORUPSIYON O KORAPSIYON?  sa kawing na:   https://web.facebook.com/photo?fbid=1403137705151190&set=a.503294381802198 Pansinin. Sa dalawang nabanggit na salitâ ay kapwa may titik i sa pagitan ng titik s at y. Hindi niya binanggit ang salitang korapsyon. Palagay ko'y dahil mas akademiko ang kanyang talakay. Sa karaniwang manunulat tulad ko, natutunan ko ang isang batas sa balarila na nagsasabing kung anong bigkas ay siyang baybay. O kung paano sinabi ay iyon ang ispeling. Kaya sa wari ko ay walang mali sa salitang korapsyon o kaya'y kurapsyon. Di tayo tulad ng mga Inglesero na talagang mahigpit sa ispeling. An...

Ang payò nila hinggil sa pag-inom

Imahe
ANG PAYÒ NILA HINGGIL SA PAG-INOM birthday ni Dad sa Disisyete ng Nobyembre pamangkin ko sa Disiotso ng Nobyembre Disinwebe naman ang utol kong babae habang utol kong lalaki'y sa Bentesyete ngayong a-Onse, ikalimang death monthsary ng aking butihing asawang si Liberty ano't kayraming kaganapan ng Nobyembre sa araw ni Bonifacio pa'y magrarali may payò nga ang ama kong namayapa na na hanggang ngayon ay akin pang dala-dala: "Huwag kang mag-iinom pag nalulungkot ka. Mag-inom lang kung may okasyon o masaya." tiyak, iyan din ang nanaisin ng sinta huwag kong lunurin sa alak ang problema oo, sa payò sa akin ay tama sila Dad, Libay, salamat sa inyong paalala - gregoriovbituinjr. 11.11.2025 * litrato kuha sa kalapit na bar habang isang oras na naghihintay na magawâ ang tarp

Sana, Bagyo, tinangay mo na ang mga kurakot!

Imahe
SANA, BAGYO, TINANGAY MO NA ANG MGA KURAKOT! kayrami nang namatay sa bagyong Tino sa Cebu si bagyong Uwan, nanalasa sa bansa ni Juan sana ang tinangay nila'y korap na pulitiko na nagpakasasa't nandambong sa pondo ng bayan sana, namatay sa bagyo'y yaong mga kurakot na birthday wish ng broadcaster na si Ms. Kara David sana, inanod sa baha'y mga trapong balakyot at di yaong mga mahihirap nating kapatid bagyuhin sana'y mga kurakot sa ghost flood control na nagsibukol ang bulsa sa nakaw nilang pondo; salamat po, Sierra Madre, sa iyong pagtatanggol sa maraming kababayan, lungsod at munisipyo subalit kayrami mang SANA, baka di matupad kung tao'y di kikilos upang ibagsak ang bulok kung ang gulong ng katarungan ay sadyang kaykupad at nanunungkulan pa rin ang mga trapong bugok - gregoriovbituinjr. 11.11.2025 * litrato mula sa pahayagang Remate, 11.08.2025

Lagot sila kay Agot

Imahe
LAGOT SILA KAY AGOT artistang si Agot Isidro, may tanong sa atin di palaisipan ngunit ating pakaisipin: "Kung kayo si Sierra Madre, sinong iboboto n'yo?" na sinundan pa,  "Yung papayag na kalbuhin kayo?" may pasaring pa,  "Panay ang Salamat Sierra Madre, pero iboboto, yung mga pro-mining."  mensahe n'ya'y tagos, anya pa,  "So alam na next election ha." simpleng pahayag, sa puso'y kumukurot talaga sa ulat ay nagawa raw ng mga kabundukan ng Sierra Madre puksain, mata ng bagyong Uwan kaya maraming sa Sierra Madre nagpasalamat tila isa itong paanyayang gawin ng lahat maraming salamat sa mga pasaring mo, Agot sa mga minahang naninira ng mga bundok lalo sa mga pulitikong kurakot at buktot na nararapat lang na mapiit at mapanagot - gregoriovbituinjr. 11.11.2025 * ulat mula pahayagang Abante, 11.11.2025, p.5

Sa panlimang death monthsary ni misis

Imahe
SA PANLIMANG DEATH MONTHSARY NI MISIS ginunita ngayong a-Onse ng Nobyembre muli'y pagsinta ang padala kong mensahe sa panglimang death monthsary ng aking misis nagpapakatatag kahit naghihinagpis di pangkaraniwang araw bawat a-Onse ng buwan, inaalala ang kinakasi marami mang trabaho ay gugunitain bawat a-Onse ay may tulang kakathain napakapayak man ng aking nagagawâ nagninilay bilang tanda ng paggunitâ sa tahanan ay may kandilang itinirik habang sa iwing puso'y may sinasatitik tititigan kong muli ang iyong larawan na tanging magagawâ sa kasalukuyan bagamat maraming pagtutuunang pansin saliksik, pagsasalin, pagkilos, sulatin - gregoriovbituinjr. 11.11.2025

Ang demokrasyang batid ng dinastiya

Imahe
ANG DEMOKRASYANG BATID NG DINASTIYA Ang demokrasya raw ay OF the prople, FOR the people, and BY the people na mababasa sa Gettysburg Speech ni Abraham Lincoln subalit iba ang pagkaunawa ng dinastiya sa demokrasya, o marahil nga'y iniba nila: Sa kanila ang demokrasya ay OFF the people, POOR the people, and BUY the people. hindi kasama ang tao pahirapan ang tao at bilhin ang tao o marahil ang POOR the people ay POUR the people ng mga ayuda upang iboto muli ang trapo - gregoriovbituinjr. 11.10.2025 * mga litrato mula sa pahina ng Partido Lakas ng Masa (PLM)