Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2026

Nginatngat na takip ng bote

Imahe
NGINATNGAT NA TAKIP NG BOTE ‎ ‎nakita kong tanggal / ang takip ng bote ‎ng mantikà, at may / ngatngat na ang tapón ‎sino'ng sanhi? bakit / ganyan ay nangyari? ‎nginatngat ng dagâ / kayâ tumilapon? ‎ ‎nasarapan kayâ / ang dagâ sa takip ‎ng bote't malasa? / o kaya'y mantikà ‎ang kanyang puntirya? / anong naiisip ‎kundi kagutumang / dapat nang mawalâ? ‎ ‎bago bang mantika'y / akin nang bibilhin? ‎baka nalawayan / na ng dagâ ito? ‎subalit walâ pa / ngayong gigisahin ‎wala pang nabiling / isdang ipiprito ‎ ‎anong klaseng takip / ng mantikang dapat ‎kong bilhin? o kayâ / itagò talaga ‎upang di ngatngatin / ng dagang nagkalat? ‎o kaya pampatay / ng daga'y bilhin na? ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.08.2026

Salawahan

Imahe
SALAWAHAN ‎ ‎wala akong silbing makatâ ‎kung pag-ibig ko'y salawahan ‎anong aking magiging mukhâ ‎sa harap ng giliw at tanan ‎ ‎ako'y talagang palamara, taksil, ahas, lilo, at sukab ‎pagkat nangaliwâ sa sinta ‎pag-ibig pala'y di mag-alab ‎ ‎di ba't makata'y dapat tapat ‎sa pag-ibig ng kanyang pusò ‎at kung pagsasama'y maluwat ‎tutupad sa kanyang pangakò ‎ ‎iyan ang nais kong manaig ‎sa sarili't búhay kong iwí ‎makata'y tapat kung umibig ‎maging búhay man ay mapútí ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.07.2026

HEART at EARTH

Imahe
HEART AT EARTH ‎ ‎pag nirambol ang mga salitâ ‎tulad ng  EARTH  ay  HEART  ang katagâ ‎may pusò kang mahalin ang lupà ‎o daigdig nating lumuluhà ‎ ‎kayganda ng gayong parikalâ ‎ HEART  at  EARTH  ay magkaisang sadyâ ‎tilà iisa ang nasa diwà ‎tilà iisa ang nasa't diwà ‎ ‎tao ang dapat nangangalaga ‎sa natatanging mundo at lupà ‎ang mundo'y sinisirà ng digmâ ‎habang hanap ay mundong payapà ‎ ‎ EARTH  at  HEART , sabay na lumuluhà ‎kung tayong tao'y walang ginawâ ‎upang sistemang bulok mawalâ ‎paano giginháwa ang dukhâ ‎ ‎pagkakaisa ng mga bansâ ‎ay dapat nang di mapariwarâ ‎ang mundong ang puso'y lumulubha ‎dahil tayong tao'y nagpabayâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.07.2026 ‎ ‎* larawan mulâ sa google, titik sa larawan ay gawâ ng makatâ

Una Pahalang: Binibigkas ng makatâ

Imahe
UNA PAHALANG: BINIBIGKAS NG MAKAT ‎ ‎salamat sa unang tanong, nakatutuwâ ‎dahil aking pagkatao ang binabadyâ ‎una pahalang pa lang, sagot ko na'y  TUL  ‎kayâ tula'y agad kinathâ ng makatâ ‎ ‎nakabibigkas lang ng tulâ pag may rali ‎pag nabatid ang isyu, doon sinasabi ‎ng patulâ, madalas tula'y hinahabi ‎sa rali lalo na't sa masa nagsisilbi ‎ ‎bihirang bumigkas, kapag may okasyon lang ‎bagamat araw-gabi'y nasa pasulatan ‎kathâ ng kathâ ng tulâ para sa bayan ‎gagawing libro upang basahin ng tanan ‎ ‎salita'y balaraw na aking inuulos ‎sa bulok na sistemang ipinagpupuyos ‎niring loob, sistemang dapat kinakalos; ‎salamat sa krosword na aking tinatapos ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa pahayagang Bulgar, Abril 6, 2026

Kaya ko pa bang maging makina?

Imahe
KAYA KO PA BANG MAGING MAKINA? ‎ ‎i ‎ ‎humihina na ang aking mga piyesa ‎nagmahal kasi ang presyo ng gasolina subalit kaya ko pa bang maging makina ‎lalo't mga bakal ko'y kinakalawang na ‎ ‎lalong pupurol pag di na ako nagamit ‎ang kasuluk-sulukan ko'y lagyan ng fluid ‎sa mga kinakalawang, grasa'y ipahid ‎pihitan ko'y dapat magaan pag pinihit ‎ ‎ii ‎ ‎nag-operator noon ng  AIDA Press Machine ‎ang karanasang iyon ay tatlong taon din ‎sa pabrikang Hapon ay iyon ang gawain ‎talubatâ pa noon nang doon hasain ‎ ‎ngunit walâ na ang pinagtrabahuhan ko ‎isang gunitâ na lang ang pabrikang  PECCO ‎tatlong dekada na'y nagdaan, naisip ko ‎ngayon, matandâ na ako't di na obrero iii dapat palitan ang nanginginig na kamay makina'y bubulok pag hinayaang tunay na pag di nalilinis, ito'y nalulumbay kahit makina, dapat malusog ang lagay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 * PECCO - Precision Engineered Components Corporation

Pagtaguyod sa kapwa makata't tulâ

Imahe
PAGTAGUYOD SA KAPWA MAKATA'T TULÂ ‎ ‎itinataguyod ko ang kapwa makatâ ‎pati mga pinaghirapan nilang tulâ ‎ganyan ang adhikain ko't nasasadiwà ‎kapara'y  Batute't Balagtas  na dakilà ‎ ‎pag sa iwing haraya'y mayroong makatas ‎paglalambing ng dila'y nagiging madulas ‎ang pananalinghaga'y agad mawawatas ‎parang walang kupas na  Batute't Balagtas ‎ ‎itutulâ ko sa pusikit na karimlan ‎ang diwà ng mga makatang kaibigan ‎kaisa sa kanilang ipinaglalaban, ‎pananaw, akala, isinasalarawan ‎ bagamat wala man kami sa toreng garing ‎kami'y magkasangga gaano man kadilim ‎ang bukas dahil sa digma't pagkagupiling ‎may bagong umaga't rosas na masisimsim ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.04.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Sa mga kurakot ngayong Biyernes Santo (14th Black Friday Protest ng 2026)

Imahe
‎SA MGA KURAKOT NGAYONG BIYERNES SANTO ‎ ‎sa mga kurakot, tuso, ‎buwitre't buwayang trapo: ‎kayong kawatan sa pondo ‎ng bayan, magsisi kayo! ‎ ‎ang inyong pangungurakot ‎ay dusa't hirap ang dulot ‎sa masa, kayo'y managot ‎at di dapat makalusot ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026 ‎14th Black Friday Protest ng 2026

Coda Lines

Imahe
CODA LINES ‎ ‎kailangan ko nang umuwi ng  Barlig ‎para sa huling ritwal sa namayapà ‎kong asawa, yaring puso'y nasasabik ‎buti't may pamasaheng bahid ay luhà ‎ ‎dinaluhan muna'y taunang Kalbaryo ‎ng desaparesido, at nang matapos, tinungo'y  Coda Lines , wala pa umano ‎gabi pa ang biyahe ng anim na bus ‎ ‎bumalik ng bahay, nag-ayos ng gamit ‎nasa terminal alas-singko ng hapon ‎inagahan ko at baka makasingit ‎fully-booked na, chance passenger na lang doon ‎ ‎nagpalista, bakasakaling tawagin ‎dumating ang unang bus, di nakasakay ‎sa pangalawa't pangatlong bus, di pa rin ‎at sa pang-apat na bus na nakasakay ‎ ‎salamat,  Coda Lines , nakabiyahe na ‎sampung oras ding doon ay nakaupô ‎umalis ng alas-nuwebe y medya ‎alas-siyete y medya nang tumayô ‎ ‎doon sa  Bontoc  na ako nag-agahan ‎isang kanin, isang karne, isang gulay ‎kaymahal na rin, presyo'y dalawang daan ‎matapos, sa dyip puntang Barlig sumakay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.02.2026

Pagdalo sa 'Kalbaryo ng Kawalan ng Katarungan' ng FIND

Imahe
PAGDALO SA 'KALBARYO NG KAWALAN NG KATARUNGAN' NG FIND ‎Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Umaga ng unang araw ng Abril, dumalo muna ako sa  Kalbaryo ng Kawalang Katarungan,  isang aktibidad ng  FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearance)  sa  Bantayog ng mga Bayani . ‎ ‎Nagsimula ang programa ng ikasampu ng umaga, kung saan binasa ang walong pahinang pampleto, na binasa sa harap ng apat na estatwa ng desaparesido na nilikhâ ni National Artist Toym Imao. ‎ ‎Matapos ang programa, nagbigay kami ng repleksyon. Doon ay binigkas ko ang isang tulang kinathâ ko, na pinamagatang  "Hustisya sa mga Desaparesidos" : ‎ ‎wala kaming puntod na titirikan ng kandila ‎hanggang ngayon, sa mahal namin ay nangungulila ‎sila'y aktibistang nagsikilos upang lumaya ‎mula sa pagsasamantala ang bayan at dukha ‎ ‎inorganisa ang kababaihan, manggagawa ‎magsasaka, kabataang estudyante, ang madla ‎ang guro, manininda, abugado, mangingisda  ‎subalit s...