Mababasa sa plakard ang tindig nila't damdamin

Mababasa sa plakard ang tindig nila't damdamin nagso-social distancing din ng tag-iisang metro ang mga nagraraling talagang disiplinado nananawagang "Kalusugan, Pagkain, Trabaho! Hindi Panunupil, Pandarambong, Pang-aabuso!" tulad ng hawak na plakard ng isang maralita makatarungang panawagan, layon at adhika kahit may pandemya, mayroon silang ginagawa sa ngalan ng hustisya para sa bayan at madla kumukulo ang dugo bagamat tahimik sila seryoso sa pakikibaka para sa hustisya makahulugang mensahe kapag iyong nabasa ang tangan nilang plakard na laban sa inhustisya maraming salamat sa kanilang mga pagkilos pagkat bawat hakbang nila sa puso'y tumatagos - gregoriovbituinjr. * Kuha ng makatang gala sa pagkilos sa UP Diliman noong Enero 29, 2021.