Pagtitig sa kalangitan

PAGTITIG SA KALANGITAN nais ko pa ring pagmasdan ang kalangitan pag gabi na'y ang mga bituin at buwan ulap sa kanyang pag-usad pag araw naman o kaya'y ang mga ibong nagliliparan ah, nais kong abutin ang mga bituin upang itirintas sa iniibig man din o sa ulap isakay siya't liliparin namin ang buong daigdig at lilibutin kadalasang inaabangan ko ang gabi nasaan kaya roon ang Alpha Centauri ? astronomiya'y aralin, nahan ang Milky Way o Balatas , pati ang Tatlong Babae ? alin doon ang Super Nova o ang b lack hole ? mga bituin ba'y nagkakabuhol-buhol? sa teleskopyo'y magkano ang magugugol? upang sa langit ang panahon ko'y iukol nasaan ang Pleiades na konstelasyon? ng pitong bituin, saan nakaposisyon yaong pitong babaeng anak ni Apolon ? sa gabi'y hanap ko rin pati ang Orion ! - gregoriovbituinjr. 05.16.2023