Mga Post

Ano raw propesyon ko?

Imahe
ANO RAW PROPESYON KO? nag-fill up the form ako doon sa dentista subalit natigilan ako sa tanong na - profession: inhinyero, doktor, abogado empleyado, guro, hardinero, bumbero architect, baker, chief executive officer accountant, art director, chef, civil engineer tanong ni Leonidas,  "what is your profession?" "Ahu! Ahu!"  tatlong daang kawal tumugon nais ko lang namang magpapasta ng ngipin pagsagot sa form ay akin pang iisipin doon sa others, ang naisagot ko na lang ay writer, imbes na aktibistang Spartan ano nga bang propesyon ko?  full time activist di engineer, actor, chef, o data analyst pastahan kaya ako pag iyon ang sagot? o pag nagsabi ng totoo'y malalagot? - gregoriovbituinjr. 09.10.2024

Nasaan na ang kabika?

Imahe
NASAAN NA ANG KABIKA? hinahanap ko ang kabika ng tsinelas ngunit di mahagilap saan napapunta binti ko na'y namimitig at naninigas kabika ng tsinelas ay di pa makita naalala ko tuloy ang kwento ni Rizal nang kabika'y tinangay ng agos sa ilog isa pa'y hinagis sa ilog nang magtagal nang makakita'y may magkabikang masuot hanap ang nawawalang kabika o partner tulad ng asawa o sintang iniibig pag nagkatampuhan, nasa kaninong poder? tangan ang prinsipyo, kanino ba titindig? madalas, hanap agad natin ang kabika na kung saan-saan natin aapuhapin parang pagsintang wagas, prinsipyong dakila na ating kinakapa sa diwa't damdamin - gregoriovbituinjr. 09.10.2024

Pagpupugay kay Rubilen Amit, World 9-Ball Champion

Imahe
PAGPUPUGAY KAY RUBILEN AMIT, WORLD 9-BALL CHAMPION tila sinundan ang yapak ni  Efren "Bata" Reyes at naging  World 9-Ball Champion  din si  Rubilen Amit noon pa, sa kampyonatong ito'y nakipagtagis labimpitong taon ang nagdaan bago nakamit ilang beses na pala siyang sa pinal lumaban laging ikalawa man sa kampyon, siya'y nagsikap ang bawat niyang mga laro'y pinagbubutihan hanggang makamit ang tagumpay na pinapangarap noon, mga tumalo sa iyo'y mula sa Tsina ngayon, mula sa Tsina ang tinalo mo talaga kaya  R ubilen Amit,  pagpupugay, mabuhay ka! magpatuloy ka sa laro, kami'y sumusuporta noon ay world women's 10-ball title ang nakamit mo ngayon ay world women's 9-ball ang nakamtang totoo habang nag-world 10-ball champion din si Carlo Biado kayo'y nagbigay ng karangalan sa bansang ito - gregoriovbituinjr. 09.09.2024 * ulat at litrato mula sa pahayagang Tempo, Bulgar, at Pang-Masa, Setyembre 9, 2024

Paralegal at laban ng dukha

Imahe
PARALEGAL AT LABAN NG DUKHA oo, inaamin ko, di ako magaling halimbawa, sa paralegal na usapin kayraming batas at butas ang aaralin mga pasikot-sikot nito'y aalamin anong mga nanalo at natalong kaso? laban ng dukha'y paano maipanalo? sa pamamagitan lang ba ng dokumento? at nakapanghihikayat na argumento? kung mga dukha'y tinaboy ng demolisyon dahil walang dokumentong kanila iyon sa papel pa lang, talo na, paano ngayon? hahayaang parang dagang mataboy doon? pera pa ng burgesya kapag naglabasan pulis at hukuman ay baka masuhulan mga walang-wala'y paano pa lalaban? kundi kapitbisig ang tanging kasagutan dapat mga dukha'y organisahing lubos turuan bakit sistema'y dapat makalos bakit lipunang ito'y di kampi sa kapos at bigyang aral sa kolektibong pagkilos minsan, di makukuha sa usaping legal ang panalo laban sa burgesyang animal panalo ng Sitio Mendez ay isang aral sama-samang pagkilos, pagbawi ng dangal - gregoriovbituinjr. 09.09.2024

Nagpa-selfie sa pugante

Imahe
NAGPA-SELFIE SA PUGANTE animo'y sikat na artista ang pugante gayong doon pa sa ibang bansa nahuli pagdating sa bansa'y agad na nagpa-selfie ang mga opisyal sa puganteng nasabi walang masama kung sikat itong artista subalit pugante ang kanilang nakuha nahuli ng mga pulis ng Indonesia na di nahuli ng ating pulis talaga tulad ng ibang wanted na nalitratuhan pag sa midya'y pinahayag sa taumbayan ngunit ito'y iba, nahuli'y pakyut naman mga opisyal ay nakangiti, tila fan gayunman, paalala, siya'y isang takas na dapat managot sa ilalim ng batas - gregoriovbituinjr. 09.08.2024 * ulat mula sa SunStar Philippines at pahayagang Pang-Masa, Setyembre 7, 2024

Paglalaro ng block puzzle

Imahe
PAGLALARO NG BLOCK PUZZLE kaygaling ng app game na aking natagpuan dahil nagbibigay sadya ng kasiyahan paano ba ilagay sa wastong lagakan ang mga korteng sadya mong pag-iisipan kaygandang ehersisyo sa utak mong tunay mapapasok ang ilan ngunit isa'y sablay ang ipasok ang lahat ay isiping husay pampalipas-oras din matapos dumighay block puzzle ay palaisipang ninilayin kumbaga sa problema, paano lutasin habang nagpapahinga'y kaygandang laruin ngunit pag di nalutas, huwag didibdibin paano kotse'y iparada sa garahe o gamit ikamada sa iskaparate sa pagsalansan ay paano dumiskarte tingni, sa block puzzle ay iyan ang mensahe - gregoriovbituinjr. 09.08.2024 * litrato mula sa app game na BlockPuzzle

Kung ang buhay ay jigsaw puzzle

Imahe
KUNG ANG BUHAY AY JIGSAW PUZZLE kung buhay ay itutulad sa jigsaw puzzle patuloy sa pag-ikot at di tumitigil pagkat palaisipang walang makapigil anong palagay mo't sa diwa'y umukilkil kayraming salitang pinaikli't tinipil ikumpara sa jigsaw puzzle, lahat tayo ay binubuo rin ng maraming piraso na pag binuo, lilitaw ay buong tao na gumagawa, pinapakita'y talento lalo't mahalaga'y ang pagpapakatao kung nakikita lang sa piraso'y ang usli at ang bawat piraso'y nagkabali-bali ang ating sarili'y walang ibinahagi ay, bawat piraso'y may puso, diwa't gawi na pakikipagkapwa'y dapat manatili jigsaw puzzle ay palaisipang may layon tinutuklas natin ano ang tamang tugon kung paano ba walang-wala'y magkaroon habang nahaharap sa iba't ibang hamon makakamit din natin ang wastong solusyon - gregoriovbituinjr. 09.08.2024 * litrato mula sa app game na Zen Word

Nais ko'y kalayaan

Imahe
NAIS KO'Y KALAYAAN nais ko'y kalayaan ng bayan, uri't masa laban sa kaapihan at pagsasamantala ng kuhila, gahaman at tiwaling burgesya ang aming panawagan: baguhin ang sistema aming pinapangarap ang paglaya ng tao laban sa pagpapanggap ng dinastiya't trapo pinairal nang ganap negosyo, di serbisyo silang di nililingap ang dalita't obrero nais ko'y kalayaan ng uring manggagawa palayain ang bayan lalo ang mga dukha - gregoriovbituinjr. 09.07.2024

Pagbaka para sa alternatiba

Imahe
PAGBAKA PARA SA ALTERNATIBA tadtad na ng pagsasamantala at laksang kaapihan ang masa dahil din bulok na ang sistema marapat lang may alternatiba laksa-laksa ang nahihirapan habang may bilyonaryong iilan di lang ang kalaban ay dayuhan kundi mga tusong kababayan ugat ay pribadong pag-aari kaya mapang-api'y nagwawagi dapat ibagsak ang hari't pari nang paghahari'y di manatili dapat mayroong pagkakapantay ng kalagayan ng ating buhay walang mayaman o dukhang tunay kundi nililingap tayong sabay kaya sistema'y dapat baguhin pagpapakatao'y pagyamanin pakikipagkapwa'y pairalin alternatibang sistema'y kamtin - gregoriovbituinjr. 09.07.2024

Maligayang kaarawan, Inay

Imahe
MALIGAYANG KAARAWAN, INAY pagbati po ng maligayang kaarawan, Inay sa pagmamahal mo'y taospusong pasasalamat sa mga nagawa sa mga anak, pagpupugay dahil kami'y pinalaki at iningatang lahat mula sa sinapupunan, kami'y inalagaan pinakain, pinag-aral, at minahal nang lubos ginagabayan, pinapayuhan, pinangaralan nasa aming tabi hanggang kami'y makapagtapos salamat pong taos sa inyong pagpapakasakit upang kami'y mapanuto hanggang kami'y lumaki ikaw sa puso namin ay lalaging nakaukit ina po kayong tunay naming pinagmamalaki muli, Inay, Mommy, Mama, Nanay, Happy Birthday po binabati po namin kayo ng buong pagsuyo - junjun at libay 09.06.2024

8-anyos, wagi ng 9 na medalya sa swimming

Imahe
8-ANYOS, WAGI NG 9 NA MEDALYA SA SWIMMING isang magandang bukas yaong ating matatanaw sa napakabata pang si Ethan Joseph Parungao limang gold, tatlong silver, isang bronze, kanyang nakamtan sa isang paligsahan sa swimming sa Bangkok, Thailand aba'y nasa edad walo pa lang, siya'y nanalo karangalan sa bansa ang tagumpay niyang ito Grade 3 student ng Notre Dame of Greater Manila na naiuwi sa swimming ang siyam na medalya ang ating masasabi'y taasnoong pagpupugay kay Ethan Joseph Parungao , mabuhay ka! Mabuhay! pangalan niya'y mauukit na sa kasaysayan bilang bagong dugong atletang dapat alagaan ipagpatuloy mo, Ethan, ang magandang simula isa ka sa future sa Olympics ng ating bansa - gregoriovbituinjr. 09.05.2024 * ulat mula sa pahayagang Abante, Setyembre 4, 2024, pahina 8

Tula, tuli, tulo

Imahe
TULA, TULI, TULO tula ang tulay ko sa sambayanan upang sila'y aking mapaglingkuran tula'y tulay ng puso ko't isipan sa asam na makataong lipunan magpapatuli ang aking pamangkin tama lang at nagbibinata na rin boses niya'y nag-iba na pag dinggin tila makata rin pag pabigkasin nagbagyo, atip ay maraming tulo ang suportang kahoy na'y nagagato buti't kisame'y di pa gumuguho bumabaon sa dibdib ang siphayo minsan, salita'y nilalarong pilit buti't dila'y di nagkakapilipit - gregoriovbituinjr. 09.04.2024 * litrato mula sa app game na Zen word level 308 at level 522

Paglalakad sa ulan

Imahe
PAGLALAKAD SA ULAN naglakad kaming mag-asawa sa maulan, basang kalsada sinariwa ang alaala kung paano naging magsinta siya'y nakilala sa forum ng kalikasan at paglaon ay sinagot, bagyo pa noon na alaala ng kahapon maalab ang pagtitinginan hanggang kami'y magkatuluyan ngayon, naglalakad na naman matapos ang bagyong nagdaan hakbang-hakbang, kanan, kaliwa buti na lang, wala nang baha gaano mang katinding sigwa pagsasama'y matibay sadya - gregoriovbituinjr. 09.03.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/umUpBZneQd/  

Pananghaliang tira sa isda

Imahe
PANANGHALIANG TIRA SA ISDA pananghaliang tira sa isda ang kinain ng aming alaga tinik, buntot, ulo at hasang man ang mahalaga siya'y nabigyan alam niyang manghingi sa amin ngingiyaw lamang at maglalambing kaya pagkatapos kong kumain siya naman ang pakakainin ganyan sa alaga, kapamilya di nagpapabaya sa tuwina di kinukulong, malaya siya magtungo sa bahay o kalsada madalas ko rin siyang ibidyo kaya sa kanya'y maraming kwento na nasubaybayan kong totoo baka buhay niya'y masulat ko - gregoriovbituinjr. 09.03.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/umYxNJKA85/  

Edgar Jopson

Imahe
EDGAR JOPSON (Setyembre 1, 1948 - Setyembre 21, 1982) matanda si Dad ng pitong taon kay Edjop trese anyos ako nang mapatay si Edjop pareho kaming taga-Sampaloc, Maynila napakabata ko noong siya'y mawala anang ulat, siya'y binaril nang tumugis ang kasama niya'y nakawalang mabilis bata pa lang ay alam ko na iyang Jopson di si Edjop, kundi groserya nila noon minsan, sa Jopson supermarket sa Bustillos kami ni ama namimili pagkatapos naming magtungo sa simbahan ng Loreto panahong nasa elementarya pa ako tulad ni Edjop, ako'y naging aktibista na animo'y sumusunod sa yapak niya gawain ko'y magsulat, bumanat, magmulat makauring prinsipyo'y ikalat sa lahat Edgar Jopson, taaskamaong pagpupugay dapat pangarap nati'y maipagtagumpay asam na lipunang makatao'y matayo at sa ipinaglalaban ay di susuko - gregoriovbituinjr. 09.02.2024 * ang litrato ay selfie ng makatang gala sa loob ng Bantayog ng mga Bayani, ilang taon na ang nakararaan    

Ang natutunan ni Efren "Bata" Reyes kay Chiquito

Imahe
ANG NATUTUNAN NI EFREN "BATA" REYES KAY CHIQUITO magaling din palang magbilyar si Chiquito at sa panonood lang sa kanya ni Efren ng bilyar ay maraming natutunan ito kung kaya si Efren ay talagang gumaling sa panonood lang kung paano tumumbok, magpasunod ng bola, magpaatras, pektus hanggang marating ni Efren Reyes ang tuktok ng tagumpay, sa bilyar ay dakilang lubos obserbasyon lang, di aktwal na tinuruan ni Chiquito na magaling na komedyante sa panonood lang sa kanya natutunan ni Efren Reyes ang marami pang diskarte mabuhay ka, Chiquito; mabuhay ka, Efren sa kulturang Pinoy nga'y tunay kayong moog  salamat, Chiquito, kami'y pinatawa rin sa mga pelikula mo, tunay kang kalog salamat, Efren, taospusong pagpupugay mabuhay ka sa mga ambag mo sa bansa sa internasyunal, nakilala kang tunay kahit matanda na, ikaw pa rin si Bata - gregoriovbituinjr. 09.02.2024 * mula sa reel ng "looban billiards" facebook page na mapapanood sa kawing na:  https://www.facebook.com/reel...

Ang mithi

Imahe
ANG MITHI nais kong mamatay na pulahan, ginoo isa iyang adhikaing tinataglay ko tibak na nagsisilbi sa dukha't obrero tibak na nagtataguyod ng sosyalismo pinag-aralan ko't yakap ang simulain ng mga bayani sa kasaysayan natin patuloy kong tutuparin ang adhikain upang lipunang pangarap ay ating kamtin itanim natin sa matabang lupa'y binhi ng rebolusyon laban sa sistemang ngiwi na nagdulot ng pagkaapi't pagkasawi ng mga nakikibaka para sa uri ang buhay at panahon natin na'y ginugol laban sa sistemang kaybulok at masahol kaya sa pagsasamantala tayo'y tutol ating mga kauri'y dapat ipagtanggol - gregoriovbituinjr. 09.01.2024 * litrato mula sa app game na Zen Word

Hating kapatid

Imahe
HATING KAPATID  hating kapatid ang mga alaga sa natirang bangus, balat ng isda at pinagmasdan ko silang may tuwa  kaya may naihanda akong tula pusang alaga sa bahay na ito pagala-gala't natutulog dito kaya napagpasyahan kong totoo  katapon sila pag nagluto ako bagamat minsan, sila'y nag-aaway inaawat ko naman silang tunay awayan nila'y ikinalulumbay buti't sila'y nagiging mapagbigay mabuti't alaga'y hating kapatid  upang sa gutom sila'y di mabulid - gregoriovbituinjr. 08.31.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/uithLmOvd3/      

Buhay-kalye

Imahe
  BUHAY-KALYE kaytindi ng kahirapan sa buhay-kalye na upang makakain ay pulos diskarte nang sa pangangalakal sila'y maitaboy aba'y lalo silang nagmistulang palaboy dati'y nakakakain pa sila ng pagpag ngunit ngayon, gutom sila buong magdamag dukhang walang lamon, sikmura'y kumakalam habang ang mayamang aso'y busog sa ulam dapat pagbutihin ang pagkakawanggawa mulatin at organisahin silang dukha ipakitang sila'y may magagawa pa rin kung kikilos sila'y may ginhawang kakamtin bahaghari'y lilitaw matapos ang unos di lahat ng panaho'y panahong hikahos may araw ding sisilay matapos ang bagyo mabubusog din sa kangkong na inadobo - gregoriovbituinjr. 08.30.2024 * larawan mula sa magasing  Liwayway , Agosto 2024, pahina 29, kung saan nakasulat sa malalaking letra:  "Naisip ni Biboy, sana ay hindi na niya kailangang umasa sa mga itinapong pagkain ng iba. Iyong sana ay masaya ring kasama ang kaniyang ama't ina. At sana ay hindi na niya kinakailangang uma...

Pag-utos sa pagpaslang

Imahe
PAG-UTOS SA PAGPASLANG hinggil sa War on Drugs, nakakagimbal na pag-amin utos noon ng hepe ng pulisya na patayin ang umano'y mga suspek sa droga, at lipulin ang ilegal na droga't tuluyan itong durugin mga pagpaslang ay utos daw ni Senador Bato noong ito pa'y hepe ng pulis sa bansang ito iyon ang pahayag sa Kongreso ni Espenido na natalagang hepe ng pulis sa Leyte mismo habang kalaban sa drug war campaign ay tinutugis sa tanong kay Espenido'y sinagot nang mabilis pag sinabi raw na mawala, sa lenggwaheng pulis kasali raw ang pagpaslang upang droga'y mapalis maganda namang mawala ang droga at malipol ang mga sindikato ng drogang nakakaulol ngunit kayrami raw inosenteng dito'y nasapol pinaslang, walang proseso, krimen itong masahol ang mga kamag-anak ng inosenteng biktima ng pamamaslang ay nananawagan ng hustisya kung may kasalanan ay ikinulong na lang sana ang mga mahal nila sa buhay, sana'y buhay pa - gregoriovbituinjr. 08.29.2024 * ulat mula sa pahayagang Pan...