Bakas
BAKAS naiiwan iyang bakas sa nakaraan habang tinatahak pa ang kasalukuyan upang kamtin ang asam na kinabukasan ika nga sa isang sikat na kasabihan dapat nating lingunin ang pinanggalingan nang makarating tayo sa patutunguhan tulad din ng mga aktibistang Spartan na inaral ang mga nagdaang lipunan nang bulok na sistema'y baguhing tuluyan tulad kong laging nagmamakata pa naman na madalas likhain ay tulang pambayan tula sa kalikasan at kapaligiran kaya nga sa bawat bakas ng nakaraan pag ating nilingon ay may matututunan kunin natin upang sa pagtahak sa daan ay maalpasan na natin ang kahirapan sa sama-samang pagkilos ng sambayanan ay maitayo ang makataong lipunan - gregoriovbituinjr. 10.19.2024