Pagngiyaw ni alaga
PAGNGIYAW NI ALAGA (Alay ngayong World Poetry Day) aba'y nakatutuwa tila ba tumutula ang aming si alaga sa Araw ng Pagtula animo'y entablado ang inapakan nito adhika niya't gusto binigkas na totoo panay ang kanyang ngiyaw na di nakabulahaw di naman nagtungayaw hay, kayganda ng araw anya, ang tingin ko lang: "nais ko nang maibsan ang damang kagutuman isda ako po'y bigyan" mamaya, isda'y alay ngiyaw ay tula't tulay na nagbibigay kulay sa aming iwing buhay - gregoriovbituinjr. 03.21.2025 * mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/share/v/1FL21cEdmD/