Mga Post

Tumbong

Imahe
TUMBONG ‎ ‎nais nang lumabas / ng tae sa puwet ‎iri na ng iri / nang paulit-ulit ‎sana'y dudukutin / ko na iyong pilit ‎buti't nalunasan, / nawalâ ang sakit ‎ ‎ininom ko agad / ang nakahandang dyus ‎galing ref, malamig, / guminhawang lubos ‎una, isang pitsel / nitong malunggay dyus ‎sunod ay bawang dyus / at ang turmeric dyus ‎ ‎at maya-maya lang, / agad naglabasan ‎yaong nasa puwet, / anong kainaman ‎guminhawa agad / itong pakiramdam ‎gayong sa ta-kubets, / isang oras naman ‎ ‎ang mga herbal dyus / ay kaylaking tulong ‎at di na masakit / itong aking tumbong ‎salamat, salamat / at ito'y humantong ‎sa damang ginhawa, / búhay ko'y sumulong ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.13.2026

Gender equality

Imahe
GENDER EQUALITY ‎ ‎galing ka raw sa tadyang ko, ngunit ‎iba yaong nais kong igiit ‎pantay tayo, anang kwentong bayan ‎nang sabay lumabas sa kawayan ‎ ‎karapatan nati'y magkapantay ‎pagkat minulan ay magkasabay ‎noon pa'y may  gender equality ‎pantay ang babae at lalaki ‎ ‎mulâ sa katutubong alamat ‎ngalan ay  Maganda  at  Malakas ‎tulad ko, katutubò rin sila ‎pagkapantay ay kinikilala ‎ ‎salamat sa alamat na ito ‎na pinanghawakan kong totoo ‎para sa pantay na karapatan ‎patungo sa patas na lipunan ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.12.2026 ‎ ‎* litrato nina Maganda at Malakas sa UP Vargas Museum sa Diliman, QC

Sa ika-2ng taon ng kamatayan ni Dad

Imahe
SA IKA-2NG TAON NG KAMATAYAN NI DAD ‎ ‎sa ikalawang taon / ng kamatayan ni Dad ‎amin siyang dinalaw / doon sa sementeryo ‎nagnilay at nagdasal, / nami-miss ka namin, Dad ‎kasama'y inang mahal, / kaming mga anak n'yo ‎ ‎at ginunita namin / ang inyong kabutihan ‎upang kami'y lumaki / at maging matagumpay ‎sa karera, pamilya't / niyakap na larangan ‎kaybuti n'yo po't kami'y / di hinayaang tunay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.12.2026

Pagpupugay, Letran Lady Knights!

Imahe
PAGPUPUGAY, LETRAN LADY KNIGHTS! ‎ ‎ako'y taospusong nagpupugay ‎sa  Letran Lady Knights  sa tagumpay ‎ninyo sa larangan ng volleyball ‎sa NCAA, talagang idol ‎ ‎malaking karangalan sa  Letran ‎ang ipinakitang katatagan ‎kayâ ang pangsiyam na korona ‎ay pinaghirapan n'yong nakuha ‎ ‎Arriba Letran ! ang ating sigaw ‎sa arena umaalingawngaw ‎mga  Lady Knights , mabuhay kayo! ‎kami sa inyo'y sumasaludo! ‎ ‎paghandaan ang sunod na taon ‎back-to-back na titulo ang misyon ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.11.2026 ‎ ‎* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar, Abril 11, 2026, pahina 12 ‎* NCAA - National Collegiate Athletic Association

Sa totoo lang

Imahe
SA TOTOO LANG ‎ ‎ako'y makatang taring na may tungkuling mabuti ‎para sa bayan, hindi sa dinastiya't salbahe ‎hindi ako parang bubuyog na kinukumbinsi ‎ang langaw na mas masarap ang pulot kaysa tae ‎ ‎bawat usad ng pluma'y para sa katotohanan ‎ng mga nakikita't nangyayari sa lipunan ‎sinumang salbahe'y hindi ako mapipigilan ‎sa pagkathâ ng mga tulang may silbi sa bayan ‎ ako'y manunulat para sa uring manggagawà ‎adhikain ay sistemang giginhawa ang dukhâ ‎stage 4 na kanser ng lipunan ay lumalalâ ‎iyan ang kanser stage 4 na di mawalâ-walâ ‎ ‎mga isyu ng bayan ay arálin ding talaga ‎bakit dukha'y laksâ habang iilan ay sagana ‎ang katotohanang ito'y sa ngalan ng hustisya ‎kayâ kasamang tunay ng mga nakikibaka ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.11.2026

Sa ika-10 death monthsary ni misis

Imahe
‎SA IKA-10 DEATH MONTHSARY NI MISIS ‎ ‎di ko maiwasang lumuhà ‎lagi pa ring natutulalâ ‎sampung buwan ka nang nawalâ ‎ang loob ko'y di pa rin handâ ‎ ‎O, diwatà kong nililiyag ‎akala ko, ako'y matatag ‎ngunit iwing búhay ay hungkag ‎aandap-andap, nangangarag ‎ ‎tuwina'y nasa panaginip ‎ang larawan mo sa pag-idlip ‎pagsintang walang kahulilip ‎ay lalaging kahalukipkip ‎ ‎matagal pa bago magsama ‎kitang dalawa, aking sinta ‎tinatapos ko pa'y nobela ‎sa masa, hustisya, pag-asa ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.11.2026

Managot kayong mga kurakot

Imahe
MANAGOT KAYONG MGA KURAKOT ‎ ‎O, kayong mga pulitiko ‎na aming mga ibinoto ‎nagkamali kami sa inyo ‎kung kayo'y kurakot sa pondo ‎ng bayan, bumabâ na kayo ‎sa inyong pwesto sa gobyerno ‎at talagang managot kayo ‎sa ginawâ n'yong krimeng ito ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.10.2026 ‎(15th Black Friday Protest ng 2026) * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/share/v/16dahaQ5HM/  

Tuwing Biyernes

Imahe
TUWING BIYERNES ‎ ‎sadyang di ko kinaliligtaan ‎tuwing Biyernes yaong usapan ‎ang ilunsad ang  Black Friday Protest ‎saanman tayo tuwing Biyernes ‎ ‎na adhikain ay mapanagot ‎ang mga pulitikong kurakot ‎na sa kulungan sila'y magdusa ‎na ang nag-uudyok ay hustisya ‎ ‎hustisya'y lagi nating igiit ‎dahil krimen nila'y anong lupit ‎pondo ng bayan yaong dinambong ‎di lang milyong piso kundi Bilyon ‎ ‎giyera'y kailan matatapos? ‎itanong kay Trump, tanong kong kapos ‎giyera'y wakasan, di lang ceasefire ‎kapayapaan na ay ilugar ‎ ‎mga paalaalang totoo ‎tuwing Biyernes ay gawin ito ‎Black Friday Protest  ay di titigil ‎masa'y makialam na't maningil ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.10.2026 ‎(15th Black Friday Protest ng 2026)

Kwentong bayan

Imahe
KWENTONG BAYAN ‎ ‎kayraming kaysarap basahing kwentong bayan ‎tulad ng  One Thousand and One Nights , kainaman ‎sa atin,  Juan Tamad, Ibalon, Pilandok ‎kwentong katutubò, mulâ patag at bundok ‎ ‎ninais kong makapagsulat ng ganito ‎tulâ, pabulâ, dulâ, sanaysay, at kwento ‎batay sa mga katutubò, mandirigmâ, ‎kalinangan, kasaysayan ng ating bansâ ‎ ‎sinalaysay ng samutsaring salinlahi ‎mula sa panahong sinauna ng lipi ‎ang sinalaysay ng makatang umiibig ‎at ng mga mandirigmang di nagpalupig ‎ ‎ilan iyan sa aking mga nilalayon ‎misyong isinasabuhay noon at ngayon ‎kumathâ ng maraming akdâ yaring pakay ‎at kwentong bayan ay panatilihing buháy ‎ ‎- gregoriovbituinjr ‎04.10.2026 ‎ ‎* larawan mulâ sa larong Word Shatter sa selpon

Tulawit sa Araw ng Kagitingan

Imahe
TULAWIT SA ARAW NG KAGITINGAN ‎ ‎ang mga bayani ng bayan ‎ay atin pong alalahanin ‎ngayong Araw ng Kagitingan ‎upang kalayaan ay kamtin ‎ ‎sa mga bayaning Pilipino ‎kami'y taospusong nagpupugay ‎pagkat bansa'y pinalaya ninyo ‎mula sa mga imbi't kaaway ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.09.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1B4b5FNBCc/

Pagtuntong sa sapatos ng api

Imahe
PAGTUNTONG SA SAPATOS NG API ‎ ‎piniling tumuntong sa sapatos ‎ng api't mga naghihikahos ‎pasya ko iyong walang nag-utos ‎kundi budhi, inatas na lubos ‎ ‎kayâ pinili kong maging tibak gapangin ma'y malalim na lusak ‎at paglingkuran ang hinahamak ‎ng tuso't sistemang mapanyurak ‎ ‎oo, ganyan, ganyan yaring búhay ‎na buong pusò ko nang inalay ‎sa pakikibakang tanging pakay upang dukha'y guminhawang tunay ‎ ‎subukan mo, katoto, kumpare ‎tumuntong sa sapatos ng api ‎at huwag maging makasarili ‎ganito ang búhay na may silbi ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.09.2026 (Araw ng Kagitingan) * litratong kuha ng makatang galâ sa rali noong ika-40 anibersaryo ng Pag-aalsang Edsa, 02.25.2026

May umagang parating

Imahe
MAY UMAGANG PARATING ‎ ‎“Even the darkest night will end and the sun will rise.” ~ Victor Hugo, Les Misérables ‎ ‎gabi'y gaano man kapusikit ‎danas man ay gaano kapait ‎sistema man ay napakalupit ‎ay may bagong umagang sasapit ‎ ‎iyan ang madalas sinasabi ‎ng mga matatandang pineste ‎ng mga banyagang mapang-api ‎kaya pumanglaw ang mga gabi ‎ ‎kasaysayan na ang nagtuturò ‎na bayan natin ay mahahangò ‎mulâ kaapihang nakatagpô ‎kung kikilos lang, kahit madugô ‎ ‎sina Bonifacio't Dr. Rizal ‎ay inangat natin sa pedestal ‎na ginawa'y ikinararangal ‎ng bansâ, sila'y mga imortal ‎ ‎may bagong umaga pang parating ‎kahit sambayanan pa'y nahimbing ‎sa mga kurakot ay nagising ‎kumikilos na ang magigiting ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.09.2026 (Araw ng Kagitingan)

Nginatngat na takip ng bote

Imahe
NGINATNGAT NA TAKIP NG BOTE ‎ ‎nakita kong tanggal / ang takip ng bote ‎ng mantikà, at may / ngatngat na ang tapón ‎sino'ng sanhi? bakit / ganyan ay nangyari? ‎nginatngat ng dagâ / kayâ tumilapon? ‎ ‎nasarapan kayâ / ang dagâ sa takip ‎ng bote't malasa? / o kaya'y mantikà ‎ang kanyang puntirya? / anong naiisip ‎kundi kagutumang / dapat nang mawalâ? ‎ ‎bago bang mantika'y / akin nang bibilhin? ‎baka nalawayan / na ng dagâ ito? ‎subalit walâ pa / ngayong gigisahin ‎wala pang nabiling / isdang ipiprito ‎ ‎anong klaseng takip / ng mantikang dapat ‎kong bilhin? o kayâ / itagò talaga ‎upang di ngatngatin / ng dagang nagkalat? ‎o kaya pampatay / ng daga'y bilhin na? ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.08.2026

Salawahan

Imahe
SALAWAHAN ‎ ‎wala akong silbing makatâ ‎kung pag-ibig ko'y salawahan ‎anong aking magiging mukhâ ‎sa harap ng giliw at tanan ‎ ‎ako'y talagang palamara, taksil, ahas, lilo, at sukab ‎pagkat nangaliwâ sa sinta ‎pag-ibig pala'y di mag-alab ‎ ‎di ba't makata'y dapat tapat ‎sa pag-ibig ng kanyang pusò ‎at kung pagsasama'y maluwat ‎tutupad sa kanyang pangakò ‎ ‎iyan ang nais kong manaig ‎sa sarili't búhay kong iwí ‎makata'y tapat kung umibig ‎maging búhay man ay mapútí ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.07.2026

HEART at EARTH

Imahe
HEART AT EARTH ‎ ‎pag nirambol ang mga salitâ ‎tulad ng  EARTH  ay  HEART  ang katagâ ‎may pusò kang mahalin ang lupà ‎o daigdig nating lumuluhà ‎ ‎kayganda ng gayong parikalâ ‎ HEART  at  EARTH  ay magkaisang sadyâ ‎tilà iisa ang nasa diwà ‎tilà iisa ang nasa't diwà ‎ ‎tao ang dapat nangangalaga ‎sa natatanging mundo at lupà ‎ang mundo'y sinisirà ng digmâ ‎habang hanap ay mundong payapà ‎ ‎ EARTH  at  HEART , sabay na lumuluhà ‎kung tayong tao'y walang ginawâ ‎upang sistemang bulok mawalâ ‎paano giginháwa ang dukhâ ‎ ‎pagkakaisa ng mga bansâ ‎ay dapat nang di mapariwarâ ‎ang mundong ang puso'y lumulubha ‎dahil tayong tao'y nagpabayâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.07.2026 ‎ ‎* larawan mulâ sa google, titik sa larawan ay gawâ ng makatâ

Una Pahalang: Binibigkas ng makatâ

Imahe
UNA PAHALANG: BINIBIGKAS NG MAKAT ‎ ‎salamat sa unang tanong, nakatutuwâ ‎dahil aking pagkatao ang binabadyâ ‎una pahalang pa lang, sagot ko na'y  TUL  ‎kayâ tula'y agad kinathâ ng makatâ ‎ ‎nakabibigkas lang ng tulâ pag may rali ‎pag nabatid ang isyu, doon sinasabi ‎ng patulâ, madalas tula'y hinahabi ‎sa rali lalo na't sa masa nagsisilbi ‎ ‎bihirang bumigkas, kapag may okasyon lang ‎bagamat araw-gabi'y nasa pasulatan ‎kathâ ng kathâ ng tulâ para sa bayan ‎gagawing libro upang basahin ng tanan ‎ ‎salita'y balaraw na aking inuulos ‎sa bulok na sistemang ipinagpupuyos ‎niring loob, sistemang dapat kinakalos; ‎salamat sa krosword na aking tinatapos ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa pahayagang Bulgar, Abril 6, 2026

Kaya ko pa bang maging makina?

Imahe
KAYA KO PA BANG MAGING MAKINA? ‎ ‎i ‎ ‎humihina na ang aking mga piyesa ‎nagmahal kasi ang presyo ng gasolina subalit kaya ko pa bang maging makina ‎lalo't mga bakal ko'y kinakalawang na ‎ ‎lalong pupurol pag di na ako nagamit ‎ang kasuluk-sulukan ko'y lagyan ng fluid ‎sa mga kinakalawang, grasa'y ipahid ‎pihitan ko'y dapat magaan pag pinihit ‎ ‎ii ‎ ‎nag-operator noon ng  AIDA Press Machine ‎ang karanasang iyon ay tatlong taon din ‎sa pabrikang Hapon ay iyon ang gawain ‎talubatâ pa noon nang doon hasain ‎ ‎ngunit walâ na ang pinagtrabahuhan ko ‎isang gunitâ na lang ang pabrikang  PECCO ‎tatlong dekada na'y nagdaan, naisip ko ‎ngayon, matandâ na ako't di na obrero iii dapat palitan ang nanginginig na kamay makina'y bubulok pag hinayaang tunay na pag di nalilinis, ito'y nalulumbay kahit makina, dapat malusog ang lagay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 * PECCO - Precision Engineered Components Corporation

Pagtaguyod sa kapwa makata't tulâ

Imahe
PAGTAGUYOD SA KAPWA MAKATA'T TULÂ ‎ ‎itinataguyod ko ang kapwa makatâ ‎pati mga pinaghirapan nilang tulâ ‎ganyan ang adhikain ko't nasasadiwà ‎kapara'y  Batute't Balagtas  na dakilà ‎ ‎pag sa iwing haraya'y mayroong makatas ‎paglalambing ng dila'y nagiging madulas ‎ang pananalinghaga'y agad mawawatas ‎parang walang kupas na  Batute't Balagtas ‎ ‎itutulâ ko sa pusikit na karimlan ‎ang diwà ng mga makatang kaibigan ‎kaisa sa kanilang ipinaglalaban, ‎pananaw, akala, isinasalarawan ‎ bagamat wala man kami sa toreng garing ‎kami'y magkasangga gaano man kadilim ‎ang bukas dahil sa digma't pagkagupiling ‎may bagong umaga't rosas na masisimsim ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.04.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Nagsasayaw nang mag-isa

Imahe
NAGSASAYAW NANG MAG-ISA ‎ ‎ako'y nagsasayaw nang mag-isa ‎sa musika ng mga harana ‎kunwa'y hawak ang kamay ng sinta ‎nakapikit, naririto siya ‎ ‎para akong baliw, umiiyak ‎hanap ang kanyang mga halakhak ‎kahapon namin pa'y nag-aantak ‎sa puso't diwà na'y nakatatak ‎ ‎tila ba ayoko nang magising ‎sa pag-idlip at pagkagupiling ‎nais kong magpatuloy na himbing ‎magkahawak yaong kamay namin ‎ ‎paumanhin sa patak ng luhà ‎na tilà lansangan ay binahâ ‎ganito lang ang abang makatâ na di ko naman mapagkailâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Luhà ko'y tila patak ng ulan

Imahe
‎LUHÀ KO'Y TILA PATAK NG ULAN ‎ ‎luhà ko'y tila patak ng ulan ‎luhang payak lang kung iyong tingnan ‎subalit wasak ang kalooban ‎nang aking sinisinta'y lumisan ‎ ‎nakangiti sa harap ng iba ngunit puso ko'y hirap talaga ‎ang pinangarap namin ng sinta ‎ay bulang tuluyang naglaho na ‎ may pamilyang itinataguyod ‎ang pagsasama'y nakalulugod ‎subalit para akong nalunod ‎sa dagat ng kawalan, sumudsod ‎ ‎saan pa susuot ang tulad ko? ‎buti't inaalalayan ako ‎nitong panitikan, tula't kwento ‎na binubúhay akong totoo ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026