Pananaw ng tampalasan

PANANAW NG TAMPALASAN

ang pananaw nila'y talagang salanggapang
pagkat nais lagi'y pumaslang nang pumaslang
bakit buhay ng inosente'y isinalang
nagtilamsikan ang dugo sa lupang tigang

nahan ang hustisya para sa inosente
pinaslang ng walang awa ng mga bibe
nakita ng mga saksing di makasaksi
baka balikan sila, at sila'y magsisi

tokhang ay naging karaniwan  sa kalsada
habang ang mga bibe'y nag-aastang bida
salot sa lipunan ay nadurog daw nila
kaya payapa na raw ang bayan at masa

buhay ng mga salot ay dapat makitil
iyan ang pananaw ng tampalasang taksil
ginagawa ba nila'y kaya pang masupil
at hustisya'y magawad sa mga kinitil

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tula sa rali

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Salitang ugat at panlapi