Soneto sa charger

SONETO SA CHARGER

"Bumili ka ng sarili mong charger," ang payo ko
sa isang kasamang pulos panghihiram ang bisyo
sabagay, wala ring pera ang pultaym na tulad ko
pakikisama na lang, huwag lang maaabuso

kaysa manghiram, mabuti nang may sariling gamit
dahil may charger kang sarili'y di na mangungulit
kung may sariling charger, di ka na mangangalabit
sa mga tawag at text, ulo'y di na mag-iinit

sadyang kayhirap naman kung malolobat ang selpon
baka maraming kumokontak sa umaga't hapon
pag walang lod, pag lobat, di ka agad makatugon
kaya sa pambili ng charger, dapat kang mag-ipon

kung kailangan mo ng charger, bumili ka naman
huwag kang umasang lagi kang may mahihiraman

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tula sa rali

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Salitang ugat at panlapi