Ang alak: noon, ngayon at bukas

noon, pulos pag-iinom ng alak ang prodigal son
ngayon, pag-iinom pa rin ng alak ang kasiyahan
iyang pag-inom ng alak ay isa nang kasaysayan
mula noon, ngayon, marahil hanggang kinabukasan

iyang alak ay instrumento upang makalimot ka
sa mga nararanasan mong samutsaring problema
mayroon nito pag may piging bilang pakikisama
subalit dinudulot nitong saya'y pansamantala

ano nga bang mayroon sa alak upang masiyahan
ito ba'y sagisag na ng lubusang kaligayahan
di ba't sa mga piging lang ito dapat magsulputan
at di batayan upang lumigaya ka sa lipunan

sige, tumagay pa, sa kabila ng mga halakhak
upang makalimot habang gumagapang ka sa lusak
sana'y kwentuhan at tawanan lang ang dulot ng alak
at walang gulong mangyayari nang walang mapahamak

- gregbituinjr.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tula sa rali

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Salitang ugat at panlapi