Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2021

Sa pakikipagkita sa sinta

Imahe
Sa pakikipagkita sa sinta baka mautal lang ako pag kita'y muling magkita tulad ng dati noong una tayong nagkakilala - gregoriovbituinjr.

Minsan, sa palengke

Imahe
Minsan, sa palengke sa mga tinda mo ba'y pwede ba akong tumawad kahit wala akong kasalanan, ang aking bungad bibilhin lang ay kaunti, ito ang aking bayad muli, tanong ko'y maaari ba akong tumawad tugon niya: "Piso na nga lang ang tutubuin ko hihingi ka pa ng tawad, anong kasalanan mo? bilhin mo lang anong gusto mo nang batay sa presyo at di na ako gaanong lugi, mura na ito." kinuha ko'y kamatis, bawang, sibuyas at sili  kumuha ng okra, talbos ng kangkong at kamote at binayaran ko nang buo ang aking binili walang tawad, isang karanasan ko sa palengke natawa sa sarili, ako pala'y patawa rin yaong nagtitinda'y di man lang ako patawarin - gregoriovbituinjr.

Ang pagiging vegetarian at budgetarian

Imahe
Ang pagiging vegetarian at budgetarian panibagong tatak sa tshirt ang aking nagawan pagkat nasusulat ay tunay ngang makabuluhan kakaibang prinsipyo para sa pangangatawan sabi'y "I am a vegetarian and a budgetarian." ayoko nga sa tokhang, ayoko rin sa pagpaslang di lang ng tao kundi ng hayop sa daigdigan kung ayaw mong kapwa'y parang hayop na tumimbuwang bakit pinaslang na hayop ay kinain mo naman kinakatay nilang manok, baboy, o baka man din na ang pakinabang sa tao't mundo'y ang kainin ngunit dinggin mo ang atungal nila pag katayin umiiyak pag kinulong, ano pa't papatayin iba ang tingin ko't pagpapahalaga sa buhay hayop para sa tubo't pagkain ay kinakatay ngayon, pinili kong kumain ng prutas at gulay ngunit iba pa kung paano ko isasabuhay - gregoriovbituinjr.

Muni sa gakgakan

Imahe
Muni sa gakgakan sayang lamang ang buhay mo kung wala kang layunin sa buhay kundi magtrabaho, matulog, kumain sayang lang ang buhay mo kung wala kang adhikain kundi magpasarap, lumaklak, lumamon, wala rin sabagay, ano nga bang pakialam ko sa iyo kung iyan na ang landas na piniling tahakin mo subalit huwag mong punahin kung anong pinili ko lalo't minsan lang tayong mabuhay sa mundong ito tinahak ko'y aktibismo, may layuning marangal para sa bayan, masa, manggagawang nagpapagal sinapuso't sinaisip, prinsipyo'y ikinintal ipaglaban ang karapatan, katarungan, dangal iba ako, iba ka, ako'y isang aktibista huwag mong hanapin sa akin ang di mo makita huwag mo akong itulad sa iyo, manalig ka mamamatay akong sa kapwa'y di nanamantala - gregoriovbituinjr. * gakgakan - daldalan ng dalawang tao, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 380 * Litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Makiisa sa laban ng manggagawang pangkalusugan

Imahe
Makiisa sa laban ng manggagawang pangkalusugan manggagawang pangkalusugan ay taas-kamao sama-samang kumilos sa adhikang pagbabago hangarin nila'y proteksyon bilang mga obrero sa kabuhayan nila't karapatang demokratiko pagkat may banta ng tanggalan sa kanilang hanay papalitan ng kontraktwal sa kanila ba'y pakay ng mga may-ari ng ospital na nabubuhay sa pagod ng manggagawang nagpapagal na tunay ngayong may pandemya, saka pa ito nagaganap silang mga frontliner na sa bayan lumilingap subalit tatanggalin sila? aba'y anong saklap di dapat masayang lang ang kanilang pagsisikap samahan natin ang manggagawang pangkalusugan taas-kamaong makiisa sa kanilang laban tulad din nating hangad ay hustisyang panlipunan samahan sila sa laban hanggang pagtagumpayan - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Ipanawagan natin ang Labor Power!

Imahe
Ipanawagan natin ang Labor Power! Labor Power!  yaong panawagan nila't adhika laban sa krisis at panunupil sa masa't dukha Labor Power!  itayo'y sistemang pangmasang sadya para sa gobyerno ng manggagawa't maralita halina't panawagang ito'y ating itaguyod na kasama ang manggagawa't maralitang lungsod halina't kumilos dahil ang bansa'y nalulunod sa bulok na sistema't tayo'y di dapat maanod - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Ituloy ang laban ng masa

Imahe
Ituloy ang laban ng masa di pa rin nagbabago itong bulok na sistema kumilos na noon ang manggagawa't aktibista mula Haymarket Square at welga sa La Tondeña mula diktadura hanggang pag-aalsa sa Edsa inaral ang takbo ng pulitika't ng lipunan bakit laksa'y naghihirap, nagpapasasa'y ilan bakit pribadong pag-aari'y kamkam ng mayaman bakit kayraming lupang pag-aari ng Simbahan kayraming katanungan sa mundo'y dapat masagot sa mga mapagsamantala'y di dapat matakot lalaban tayo't maniningil, may dapat managot tanikalang nakapulupot ay dapat malagot sistemang bulok ba'y pamana sa kinabukasan o kikilos tayo upang mapang-api'y hubaran ng gintong baluting pribilehiyo ng iilan baguhin na natin ang sistema't tayo'y lumaban ituloy ang pakikibaka, ang laban ng masa upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya wakasan lahat ng tipo ng pagsasamantala at wakasan na rin ang paghahari ng burgesya - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagk

Soneto sa manggagawa

Imahe
Soneto sa manggagawa kahit delikado ang trabaho ng manggagawa na paminsan-minsan sila'y ating tinitingala dahil nasa taas ng pader o sa tuktok kaya ng gusali, trabaho'y gagawin kahit malula sapagkat manggagawa, tagaugit ng lipunan pangunahing nag-aambag sa ekonomya't bayan silang manggagawa'y tagatimon ng kasaysayan ngunit tinuturing na mga aliping sahuran upang makabalik kinabukasan sa trabaho living wage sa batas, minimum wage ang sinusweldo ganyan tinatrato ang mga bayaning obrero dito sa ilalim ng sistemang kapitalismo uring manggagawa, magkaisa upang lumaya sa lipunang itong kayo rin mismo ang lumikha - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Ang ating panawagang pampublikong pabahay

Imahe
Ang ating panawagang pampublikong pabahay libre, ligtas, sustenableng pampublikong pabahay panawagan ng maralita't prinsipyadong pakay itinanim nila ang binhi't tutubo ang uhay upang mamunga ng inaasam na gintong palay pampublikong pabahay ang sa dibdib halukipkip konseptong nagsimula sa pangarap na masagip sa hirap ang pamilya ng dukhang bugbog ang isip kung paano kakamtin ang ginhawang nalilirip di pribadong pag-aari, at di rin namamana gobyerno'y bahalang may matitirhan ang pamilya di gaya ngayon, sa paninirahan, bahala ka mamulubi man sa taas ng bayarin at upa iba'y patirahin kung di mo gagamitin ito lalo't lumipat ng tirahan dahil sa trabaho nagkapamilya ang anak, hihiwalay sa iyo may laan ding pabahay sa kanila ang gobyerno iyan ang magandang konseptong dapat ipaglaban pampublikong pabahay ang ating paninindigan pag namatay ka, may iba namang gagamit niyan prinsipyo't tindig para sa makataong lipunan - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala s

Soneto sa dukha

Imahe
Soneto sa dukha kami man ay dukha o nagdaralita di pakakawawa sa tuso't kuhila kahit mahirap man may paninindigan makikipaglaban ng may karangalan kami'y di susuko sa burgesyang lilo dugo ma'y kumulo kami'y di yuyuko kung dukha man kami sa bayan may silbi - gregoriovbituinjr. - nag-selfie sa People Power monument, 02.25.21

Pasubali

Imahe
Pasubali huwag kang basta sumunod sa mga matatanda akala'y nakakatulong sila't ngawa ng ngawa kaya ka pinag-aral dahil may sariling isip na matanto ang mga bagay-bagay sa paligid ngunit matuto ka sa karanasan nila't kwento baka may makatas kang magagamit sa buhay mo magkakaiba ang kalagayan noon at ngayon tulad sa larong chess, aralin mo rin ang sitwasyon di pwedeng pulos Ruy Lopez ang opening mong batid pag nag-Sicilian o Pirc defense na siya'y tagilid isipin mo ang dapat gawin sa kasalukuyan kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan alamin mo na rin ang samutsaring pasubali buhay na ito'y tadtad ng pagbabakasakali - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad sa Taft Ave., malapit sa P. Faura St. * (PATV) - PASSABLE ALL TYPES VEHICLES, (NPLV) - NOT PASSABLE LIGHT VEHICLES, (NPATV) - NOT PASSABLE ALL TYPES VEHICLES

Mga kwento ng nakaraan

Imahe
Mga kwento ng nakaraan kwento ng lola ko, noon daw panahon ng Hapon dinanas nila'y hirap ngunit sila'y nakaahon dagdag pa, pag nagluto ng sinaing na tulingan baga ay bao sa tungko, di sa modernong kalan huwag magwalis sa gabi, mawawala ang swerte may pera na sa basura, swerte'y galing sa dumi may narinig daw silang aswang kaya nagtalukbong may magnanakaw na pala't nanakaw ang panabong kwento ni ama, noon daw panahon ng martial law tahimik ngunit kumukulo ang dugo ng tao subalit nang pumutok ang welga sa La Tondeña naunawa ng tao ang panlipunang hustisya "Makibaka, Huwag Matakot" ang kanilang hiyaw subalit ibatay sa sitwasyon pag isinigaw bumagsak si Marcos, anong aral na makukuha ngayon kay Duterte, People Power pa ba'y uubra kapag magluluto ka raw ng sinaing sa tungko tingnan-tingnan, baka malata, di ayos ang luto ating aralin ang mga kwento ng nakaraan baka may magagamit para sa kasalukuyan - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang na

Ang tatak sa tshirt

Imahe
Ang tatak sa tshirt tatak sa tshirt ng makatang mapagtiis ay  "Social Progress should be based on Social Justice" paninindigan at prinsipyong ninanais kamtin ng masa laban sa pagmamalabis payak na panawagan at inaadhika upang ang bawat isa'y tuluyang sumigla sa pagkilos laban sa inhustisya't sigwa na gawa ng mga kuhilang anong sama - gregoriovbituinjr. 02.25.2021saPeoplePowermonument

Nawalan ng trabaho, pinalayas sa tirahan

Imahe
Nawalan ng trabaho, pinalayas sa tirahan O, kayraming manggagawang nawalan ng tirahan sapagkat sila'y pinalayas sa inuupahan dahil sa pandemya'y nagsara ang pinapasukan nawalan na ng trabaho ang obrerong sahuran nawalan ng pambayad sa kaserang negosyante kaya pinalayas na sila't di na mapakali tapos na ang pagtitig sa maagiw na kisame at naging bubong na nila'y kalangitan sa gabi kaysakit na pangyayari sa panahong pandemya walang trabaho't nagsarahan ang mga pabrika laksa ang apektado nang pandemya'y manalasa kalunos-lunos na sitwasyong nagsadlak sa dusa mga manggagawang ito'y dapat alalahanin tagapalikha upang ekonomya'y payabungin sa kalsada na tumira, sila'y pagkaisahin upang malutas ang kaharap nilang suliranin - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Dinggin ang sigaw ng mga manggagawa

Imahe
Dinggin ang sigaw ng mga manggagawa "Laganap na tanggalan sa trabaho, ipagbawal!" at  "Likhain ang industriyang akma sa new normal!" dalawang panawagang ano't tila magkakambal mensaheng sa kapitalista'y baka makagimbal subalit iyan ang wastong panawagan, ang tama sa panahon ang pandemya sa masa'y kumawawa upang maiwasan ang sigwang nagdulot ng luha habang panlipunang hustisya ang inaadhika ito ang tugon nila sa kongkretong pagsusuri sa sitwasyong ang kapitalismo'y kamuhi-muhi makatarungang panawagan, prinsipyadong mithi na dapat mapagtagumpayan, dapat ipagwagi halina't makiisa sa hiling ng manggagawa at samahan natin sila sa nagbabadyang sigwa - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Ang talumpati

Imahe
Ang talumpati mahalagang ating narinig yaong talumpati ng isang lider-masa, mensahe'y apoy, masidhi mga datos at tindig na kanyang ibinahagi ay tagos sa dibdib, katotohanang anong hapdi pagkat kayrami nang sakripisyo ng mga dukha sa pakikipaglaban upang hustisya'y mapala subalit karapatan nila'y binabalewala sitwasyon nila'y kalunos-lunos, kasumpa-sumpa kailan matatamo ang ginhawang asam nila kailan makakamtan ang panlipunang hustisya naglalagablab ang talumpati ng lider nila patuloy ang ningas ng apoy ng pakikibaka marubdob na talumpating talagang tumatagos upang mapagkaisa ang dukhang binubusabos ng sistemang kapital, mapagsamantalang lubos ah, bulok na sistema'y dapat tuluyang matapos - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Panawagan nila'y "No To Jeepney Phaseout!"

Imahe
Panawagan nila'y "No To Jeepney Phaseout!" bakit walang habag ang mga kinauukulan at babalewalain ang kanilang kagamitan sa pagtatrabaho, paano na ang kabuhayan kung tuluyang ipi-phase out ang kanilang sasakyan tatak ng pagka-Pinoy ang mga dyip sa kalsada isa nang klasikong kilalang-kilala ng masa makasaysayan ang disenyo't lapat sa kultura natatangi sa mundo't tinitingnang kakaiba ipapalit daw sa kanila'y mga modernong dyip modernisasyon daw ang sa gobyerno'y halukipkip subalit mini-bus ang ipapalit sa mga dyip buhay ng kanlang pamilya kaya'y masasagip paano ang kabuhayan ng ating mga tsuper ah, dinggin ang panawagan nila sa nasa poder sigaw nila sa anibersaryo ng People Power ay  "No to jeepney phaseout! Yes to reform! Labor Power!" - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Ang makatao nilang prinsipyo

Imahe
Ang makatao nilang prinsipyo nilabanan na nila ang anumang demolisyon hanggang matanggap nila'y walang taong relokasyon di makatao ang demolisyong naganap noon at dinudugo sila sa mga bayarin ngayon sa malayong sukal ay tila dagang pinerwisyo kaya nabuo ang makatao nilang prinsipyo: pabahay ay karapatan, pabahay ay serbisyo huwag itong pagtubuan, huwag gawing negosyo pilit nilang nilabanan ang pagsasamantala ng mga burgis na elitista't kapitalista na ang tingin sa maralita'y masakit sa mata ng negosyo kaya tinataboy, etsa-puwera panawagan nila sa plakard ay ating pakinggan dahil may bahid ng dugo ng pakikipaglaban - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Ang ating panawagan: Labor Power

Imahe
Ang ating panawagan: Labor Power tatlong dekadang higit naganap ang People Power nang pinatalsik ng buong bayan ang isang Hitler; ngayon, obrero'y nananawagan ng Labor Power na mensahe ng bayan sa nakaupo sa poder noong diktadurang Marcos, manggagawa'y nagwelga na ang isyu'y kontraktwalisasyon sa La Tondeña; ang aral na iyon, ngayon ay itinutuloy pa para sa kabuhayan, karapatan, demokrasya ang nilalayon ng diktadura'y katahimikan upang walang marinig na gulo't katiwalian; ang nais ng masang manggagawa'y kapayapaan na tumatagos sa dangal, puso nila't isipan saanman, ang Labor Power ay paalingawngawin upang ang bulok na sistema'y ganap nang malupig lipunang makatao'y itayo para sa atin at sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Karapatan, hindi karahasan!

Imahe
Karapatan, hindi karahasan! maliwanag ang panawagan ng matandang iyon "Karapatan, Hindi Karahasan!"  ang kanyang hamon sa pamahalaan, sa mamamayan, kanyang layon at paninindigan sa tangan niyang plakard doon aba'y ilang beses na nga bang winawalanghiya ang karapatan ng mamamayan, lalo na't dukha ilang beses na bang masa'y inapi't kinawawa pati proseso ng batas ay binabalewala sakit sa kalusugan, idadaan sa pagpatay kaya maraming ina ang lumuha't naglupasay bakit dahas ang sagot sa inakalang pasaway pinaslang agad imbes kausaping malumanay kaya mensahe ng matanda'y sinasang-ayunan pagkat iyon sa paniwala ko'y makatarungan ating isigaw:  "Karapatan, Hindi Karahasan!" na ating iparinig sa namumuno sa bayan - gregoriovbituinjr. * litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos sa ika-35 anibersaryo ng People Power, 02.25.21

Madalas, natatawa lang tayo sa ating mali

Imahe
Madalas, natatawa lang tayo sa ating mali madalas, natatawa lang tayo sa ating mali ngunit mabuti na iyon kaysa tayo'y mamuhi sa sarili't magwawasto rin anumang sandali ang pagwawasto ng mali'y pagbabakasakali pawang bakasakaling di na natin uulitin ang mga kamaliang dapat na pakasuriin dapat matanto't matanggap ang kamaliang angkin upang sa susunod, ginagawa na'y pagbutihin ani Ka Freddie, tawanan mo ang iyong problema ngunit payo niya sa awit ba'y nakakatawa mahalaga'y nagwawasto tayo't huwag padala sa kamaliang nagawa't baka pa madisgrasya may panahon namang itama bawat kamalian at sana pagwawasto'y ating mapagtagumpayan - gregoriovbituinjr. * ang litrato'y kuha ng makatang gala habang naglalakad-lakad kung saan-saan

Di sarili ang aking inuuna

Imahe
di ko na inisip saan makikinabang ako o kung pagyaman ay isipin ko pang papaano basta't madamang may silbi ako sa bayang ito iyon ay sapat na't payapa ang puso't diwa ko sariling bukas din naman ay minsang iniisip subalit ayoko namang laging nananaginip inalay na ang panahon upang kapwa'y mahagip nang magkasamang kumilos upang iba'y masagip laban sa pinunong uhaw sa dugo't magpaputok laban sa kapitalismong sa tubo nga'y dayukdok laban sa sistemang bulok na sadyang umuuk-ok sa bayan kaya maging handa sa pakikihamok may nagsabi, sarili ko raw ang aking unahin salamat po, ngunit di iyan ang aking layunin pagkat nabubuhay ako dahil sa adhikain upang lipunang makatao'y maitayo man din - gregoriovbituinjr. * ang litrato'y kuha ng makatang gala habang naglalakad-lakad kung saan-saan

The YosiBrick Project: Isang munting pagninilay

Imahe
The YosiBrick Project: Isang munting pagninilay Matindi na ang pananalasa ng mga upos ng sigarilyong naglulutangan sa ating mga katubigan - sa sapa, ilog, lawa, at laot ng karagatan. Isa ang upos sa pinakamaraming basura sa buong daigdig. Anong dapat nating gawin? Napagtanto ko ito habang nagbabasa-basa ng mga usapin hinggil sa basura, at ako'y nage-ecobrick sa panahon ng pandemya at nasa bahay lamang. Naisip kong ilagay din sa bote ng plastik, tulad ng ecobrick, ang mga upos ng yosi. Pagbabakasakaling may maitulong upang mabawasan ang upos sa basurahan, lalo na sa karagatan. Dito nagsimula ang proyektong yosibrick. Maraming naiisip. Mareresiklo ba ang upos? Anong magagawa sa hibla ng yosi? May maimbento kayang makina upang gawing produkto ang upos, tulad ng gawin itong sinturon, pitaka, sapatos o anupaman? Kung ang hibla ng abaka ay nagagawang lubid, at ang hibla ng pinya ay nagagawang barong, ano namang maaaring gawin sa hibla ng upos? Nais kong gawing parang NGO o kaya'y cam

Dalawang metrong social distancing

Imahe
Dalawang metrong social distancing sinunod natin ang isang metrong social distancing pagkat pandemya, walang beso-beso, kissing-kissing di na uubra ang diskarte mong patsansing-tsansing ngayon, dalawang metro na ang nais iparating aba, aba, aba, sadyang kaylayo na ng agwat palayo ng palayo, walang usap, pwede kindat pagbaka sa terorismo'y ito na ba ang hudyat pinapraktis na ang layo-layo, di na maawat tumitindi na rin kasi ang lagalag na virus may bagong baryant daw na nakikita nilang lubos mahal na ang mga bilihin, kaylaki ng gastos ingat-ingat, layo-layo, bagamat kinakapos laganap na ang teorya ng walang pakialam o walang pakialaman kahit ka pa magdamdam sa paraan bang ito, ligalig ay mapaparam? o mag-aalsa pa rin ang masang may pakialam? - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Isipin mo ang iyong distanya

Imahe
ISIPIN MO ANG IYONG DISTANSYA "Mind your distance."  Bilin sa naglalakad sa Tutuban isipin ang distansya sa bawat nilalakaran kung gaano kalapit o kalayo sa sinuman pagbabakasakaling di kayo magkahawaan sabi ng isang patalastas: Bawal magkasakit dapat may isang metrong agwat ang layo o lapit kahit kasama'y sinta, layo-layo kayo saglit mahirap namang para kayong kolang nakapagkit bakit pinagsusuot ng face mask at face shield kayo bakit dapat may agwat, mag-social distancing tayo "Mind your distance,"  matalino ka, unawa mo ito di man saktong isang metro, ito'y pag-isipan mo parang ketong noong unang panahon ang pandemya dapat lumayo sa katabi baka mahawa ka pag nasa labas ka, tantyahin ang iyong distansya huwag balewalain nang makaiwas sa dusa - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Huwag mahihiyang magtanong

Imahe
Huwag mahihiyang magtanong ayon nga sa RiteMed,  "Huwag mahihiyang magtanong" kahit sa pandemya, ito'y kanilang sinusulong payo ring mag-social distancing saanman sumuong kung katabi'y di ito alam, atin nang ibulong "social distancing saves lives" , payo sa atin ng RiteMed simpleng bilin upang buhay nati'y di tumagilid at kung nauunawa mo, sa kapwa'y ipabatid upang di bara-bara, baka sa kanila'y lingid di na lamang sa karatulang kapantay ng mata ang tagubiling ito upang mabasa ng masa ipininta sa sahig, kakaibang karatula tila isang biyaya ang kanilang paalala kung di mo alam kung bakit nagso-social distancing huwag mahiyang magtanong, ikaw ay sasagutin - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Para lahat, ligtas

Imahe
PARA LAHAT, LIGTAS nakapinta sa daang baka iyo ring nilandas ang bilin kung sa trabaho'y papasok o lalabas kung sa palengke patungo upang bilhin ay prutas o kung pupunta sa botika para sa panlunas payo upang mapalayo ang anak sa disgrasya at tirintas ng pag-ibig para sa sinisinta payo upang di magkahawaan sa opisina pagbabakasakali upang malayo sa dusa layong isang metro lagi para lahat ay ligtas simpleng bilin sa bayan pagkat buhay ang katumbas unawain natin ng ganap at maging parehas upang di magkasakit, may problemang malulutas naliligalig tayo't may pandemyang sinusumpong iligtas ang kapwa't iba ang ating sinusuong - gregoriovbituinjr. * kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Maghinaw ng mabuti

Imahe
Maghinaw ng mabuti I have two hands , anang awit the left and the right  pa'y sambit ngunit binago kong pilit hold them down, into the faucet maghinaw,  clean the germs to beat wash them softly,  aking hirit one, two, three,  wala pang saglit clean little hands, good,  kaybait - gregoriovbituinjr.

Pangwawasak ng kapitalismo sa kalikasan

Imahe
Pangwawasak ng kapitalismo sa kalikasan natanto mo bang sa ilalim ng kapitalismo puno'y walang anumang halaga sa ating mundo maliban na lang kung tuluyang puputulin ito upang pagtubuan lalo't nilagyan na ng presyo saka mo lang mauunawa kung anong dahilan ng pagkasira nitong daigdig nating tahanan at ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan at pagkabalahura ng ating kapaligiran walang pakialam ang kapitalista sa atin maliban lang kung sa iyo siya'y may kikitain kahit na ang kalikasan ay kanyang wawasakin kumita lang ng limpak at malaking tutubuin kapitalismo'y dahilan ng ating pagkawasak sistemang ito'y palitan na't tuluyang ibagsak - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Magtanim ng mabuti

Imahe
Magtanim ng mabuti sa kapwa'y itinatanim natin ang kabutihan upang walang kaguluhan kundi kapayapaan sa puso'y tinatanim ang bugtong na karangalan upang masawata rin ang anumang kahangalan nasa ugat naroroon ang bisa ng pagsinta sa ating kapwa't sa bayan, maging sino man sila sa mabuting puso't matinong diwa'y nagkakasya upang tiyaking lumago ng maganda't magbunga susumbatan mo ba ang tulad ko pag di ginawa ang tungkuling itinalaga sa akin ng madla sa Kartilya ng Katipunan, nasasaad sadya sabi, sa taong may hiya, salita'y panunumpa kaya itanim natin yaong binhing mabubuti upang mamunga ng mabuti't sa bayan may silbi - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Maging ligtas

Imahe
Maging ligtas munting abiso sa apakan saanman mapunta upang matiyak ang kaligtasan ng kapwa masa na dapat nating unawain sa tuwi-tuwina pagkat nasa panahong kakaiba't may pandemya maging ligtas di lamang para sa iba, sa iyo ang isang metrong agwat ay personal mong espasyo matsing ma'y lumambi-lambitin sa kabilang dulo pagong na mautak ay ngingisi-ngisi lang dito nang iniligtas ng langgam ang tipaklong sa baha kaligtasan sa pandemya'y iyong mauunawa at nang inihulog ng buwan ang sundang sa lupa mga traydor na sakit ay dapat iwasang lubha mga bilin ng kaligtasan ay ipamahagi upang ang tinatawag mong kapwa'y di mapalungi - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Sa bawat pintig ng orasan

Imahe
Sa bawat pintig ng orasan bawat oras, minuto, segundo nga'y humihinga sa ibinigay na panahon, tayo ba'y masaya? nakikipagkapwa-tao, di nagsasamantala? at di iniisahan para sa tubo ang masa? paano ba natin sinusulit ang bawat oras natin sa mundong samutsari ang danas at dahas? asam na pag-asa ba'y lumalapat ng madulas? pakikitungo ba sa kapwa'y parehas at patas? sa Kartilya ng Katipunan ay may ibinilin pati na rin sa awiting Usok ng grupong Asin sabi nila: "Ang panahon ay huwag mong sayangin" mahalagang diwang dapat nating pakaisipin may awit pang "Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon? - Noel Cabangon isagawa nang wasto ang ating layon at misyon tuparin ng tapat habang tayo pa'y may panahon * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Panawagan sa World Day of Social Justice

Imahe
Panawagan sa World Day of Social Justice ngayong Pebrero a-beynte,  World Day of Social Justice ating alalahanin ang mga nangagtitiis sa kawalang hustisya, ligalig, danas na amis asam na anumang siphayo'y mawala't mapalis hustisya nawa'y kamtin ng buhay na iwinala sapagkat walang pusong halimaw yaong nanudla parak ay ginawang berdugo ng puno ng bansa habang mga kuhila'y ngising aso't tuwang-tuwa "End the assault! Stop the killings!"  itong aming hiyaw "Justice for all victims of E.J.K."  pa'y aming sigaw yaong mga inosenteng biktima'y binalaraw mga ina'y lumuha't walang hustisyang matanaw may bahid ng dugo ang katarungang nilalayon dahil may pakana'y asong ulol o tigreng buhong naglalaway makakita ng nagpilang kabaong utak nito'y panagutin, parusahan, ikulong Pandaigdigang Araw ng Hustisyang Panlipunan isang araw na oportunidad sa sambayanan nang sama-samang kumilos para sa katarungan na sana'y kamtin ng mga mahal nila

Ang nagwawalis sa lansangan

Imahe
Ang nagwawalis sa lansangan mabuhay ang masang tagapaglinis ng kalsada mabuhay ang manggawang nag-ayos ng basura kaysipag sa trabaho kahit umagang-umaga kapuri-puri matanaw mo lang ang tulad niya kaya di na madawag ang kagubatan ng lungsod na sa iyong paglalakad ay di matatalisod pagkat sila ang dahil ng linis na tinaguyod tinatahak ang daang sa mata'y kalugod-lugod kalat mo, kalat ko, kalat ng masa'y winawalis tinitiyak na kapaligiran ay anong linis nawawala sa puso ang danas na dusa't amis lalo't may pandemya pa't maraming di makaalis maraming salamat sa nagwawalis ng lansangan tinatanggap mong sahod sana'y maayos din naman salamat sa pangangalaga ng kapaligiran at sa tapat mong tungkuling paglingkuran ang bayan - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Kagamitan sa pagpipinta mula sa upos

Imahe
Kagamitan sa pagpipinta mula sa upos istik ng barbekyu't upos ng yosing natipon ko yaong nasa bungang tulog habang mahimbing ako kara-karakang gumising, naghilamos ng todo pampahid ng pintura sa kambas yaong produkto papel sa upos ay papungas-pungas kong tinanggal maingat, marahan, may guwantes, para bagang hangal at nilinis ang mga istik na animo'y punyal walang kain sa umaga'y ito ang inalmusal marahang-marahang tinusok ang istik sa upos upang di mabigla baka sa kabila'y tumagos at tinali ng goma mula sa gulay at talbos iyon na, pampahid ng pintura'y produktong lubos ito'y pagbabakasakaling may magawa naman bilang munti nating ambag kay Inang Kalikasan kayraming naglipanang upos sa kapaligiran malaking suliraning dapat bigyang kalutasan - gregoriovbituinjr.

Produkto mula sa upos at istik ng barbekyu

Imahe
Produkto mula sa upos at istik ng barbekyu upos ng yosi't istik ng barbekyu'y tinipon ko bakasakaling makagawa ng bagong produkto aba'y pampinta sa kambas ang nagawa kong ito mula sa binasurang upos, may bagong proyekto nakakadiri sa una, ngunit may dapat gawin sa nagkalat na upos sa kapaligiran natin napanaginipan ito minsang gabing mahimbing at sinimulan ko na agad nang ako'y magising ano bang pakinabang ko rito, marahil wala wala, wala, wala, mabuti pa ang tumunganga subalit ang kalikasan ay labis nang kawawa pagkat upos ng sigarilyo'y naglipanang sadya ngayon, nagpasya akong gawin ang nasasaisip lalo't mula sa bungang-tulog o sa panaginip - gregoriovbituinjr.

Ang orasan sa puno

Imahe
Ang orasan sa puno animo'y sining ni Salvador Dali ang litrato ito'y agad kong napagtanto kaya kinunan ko umiindayog sa reyalidad ang suryalismo na animo'y ibang daigdig ang pinapasok mo anong ginagawa ng orasan sa punong iyon na dapat nakasabit sa bahay ang tulad niyon nilagay sa puno, di naman talaga tinapon kakaiba ang katotohanang naglilimayon tila pinta ni Salvador Dali ang reyalidad ayon sa kanyang naisip at sa atin bumungad sali-saliwa man ang bulaklak na bumukadkad na di madalumat ano ba talaga ang hangad sinipat at sinuri ang di basta napapansin baka sa bawat oras na ginugol ay may bilin mahalaga ang panahong dapat wastong gamitin upang tadhana'y matutuksong pumanig sa atin - gregoriovbituinjr. * Kuhang litrato ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Labis-labis na inhustisya

Imahe
Labis-labis na inhustisya Disyembre Diyes - araw ng pantaong karapatan Pebrero Beynte - araw ng hustisyang panlipunan pawang mahahalagang araw na pandaigdigan at dapat laging ginugunita ng sambayanan mula sa pantaong karapatan, alalahanin ang katarungang panlipunang dapat pairalin labis-labis na ang inhustisya sa bayan natin tokhang, pagpaslang ng mga inosenteng bata rin pulos preemptive strike sa mga wala pang sala upang bantang krimen ay di na raw nila magawa hustisya sa mga buhay na kanilang winala katarungan sa mga pangarap na pininsala may oras tayo para sa panawagang HUSTISYA! may oras pa tayo upang maysala'y isakdal na karapatang pantao at panlipunang hustisya ay tila magkapatid na kailangan ng masa sa mga araw na ito'y dapat tayong kumilos laban sa inhustisya'y magpahayag tayong lubos World Day of Social Justice ay araw ng pagtutuos singilin ang maysala sa buhay nilang tinapos - gregoriovbituinjr.

Soneto sa Hustisyang Panlipunan

Imahe
Soneto sa Hustisyang Panlipunan salamat sa mga kasamang nakiisa at  World Day of Social Justice  ay naalala "End the Assault!"  ay nasulat sa plakard nila "Stop the Killings!" , pagpatay ay itigil na "Justice for all victims of E.J.K.!" , sabi pa labis-labis na ang inhustisya sa bansa pagpaslang na ikinatakot na ng madla idinamay pa'y mga inosenteng bata walang proseso, binabaril, parang daga "Trabaho para sa lahat!"  ang panawagan nitong manggagawa:  "Itigil ang tanggalan!" lalo't pandemya'y dinanas ng mamamayan dapat umiral ang hustisyang panlipunan dapat ding isigaw:  Hustisya! Katarungan! - gregoriovbituinjr. * Tuwing Pebrero 20 ay  World Day of Social Justice , idineklara ito ng UN General Assembly noong 2007

Mga basura sa bangketa

Imahe
Mga basura sa bangketa kayraming basura doon sa bangketa sino bang kukuha? hahayaan lang ba? walang pumapansin kahit napapansin anong dapat gawin pabayaan lang din? sinong may pakana ng ganitong gawa tingin ba ng madla gobyerno'y pabaya? sinong magtatapon ng basurang iyon? huwag magmarunong mabuti'y tumulong - gregoriovbituinjr. - litratong kuha ng makatang gala sa isang bangketa niyang dinaanan

Samutsaring muni

Imahe
Samutsaring muni minsan, di ko na madalumat bakit ako nagkakasugat di lang sa katawan o balat kundi ang pusong nagkapilat pinapasok ko man ang lungga nitong mababangis na daga dahil ang kapara ko'y pusa na dadalaw sa minumutya isasargo ko na ang bola upang maipasok ang pula bakasakaling makapasa sa pagsusulit at balasa kaharapin man ang pighati sa pakikibaka'y lalagi suliraning malaki't munti malulutas di't di hihindi pipitikin kita sa ilong pag di mo nasagot ang tanong kung pipitas ka man ng labong ilutong kasama'y bagoong - gregoriovbituinjr. - litratong kuha ng makatang gala sa isang bangketa niyang dinaanan

Pag-ako, Pangako, Pagpako

Imahe
Pag-ako, Pangako, Pagpako laman ng dibdib ng pagsuyo na huwag sanang masiphayo upang puso'y di magdurugo sakaling makata'y mabigo mga hugis ay nakikita animo'y namamalikmata pagsasama'y tumagal sana magsinta'y maging maligaya bawat pangako'y inaako upang tupdin ng buong puso inaako bawat pangako upang di tuluyang mapako ako ba'y hangal sa pag-ibig? dahil sa mutya'y kinikilig nais ko siyang makaniig at kulungin sa aking bisig - gregoriovbituinjr. - litratong kuha ng makatang gala sa isang pinta sa pader na kanya noong nadaanan

Mga buto ng okra

Imahe
Mga buto ng okra paborito ko na ang okra mula pagkabata kaya madalas sa almusal ko'y di mawawala isasapaw sa sinaing, kaysarap namang sadya nang magkapandemya, okra'y itinanim ko na nga kayraming nawalan ng trabaho, pandemya'y lagim pinalayas sa inupahan, nadama'y panimdim kaya pinag-ukulang pansin ko na ang magtanim upang may mapitas sa kalagayang takipsilim buto ng okra'y hiniwalay sa katawan niyon nang pinatuyo ko'y lumiit, gayon pala iyon sa mga boteng naipon na dapat itatapon yaong pinagtamnan ng buto sa buong maghapon oo, magsasaka sa lungsod ang aking kapara sa aspaltadong lungsod ako'y nagtanim-tanim na - gregoriovbituinjr. #urbanfarming #pagtatanimsalungsod #magtanimupangmaymakain #tubongsampalocmaynila #pagtatanimsaopisinasapasig

Mga binhi ng sili

Imahe
Mga binhi ng sili noon nga'y bumili pa ako ng binhi ng sili kung saan sa tindahan ito pa'y nakapakete itinanim ko sa plastik na paso't pinaparami dahil sa pandemya, nagtanim-tanim na rin dine dahil nananahan sa sementadong kalunsuran kung saan walang malaking espasyong pagtatamnan sa mga boteng plastik ng softdrink na walang laman napiling magtanim, sansakong lupa'y bibilhin lang ngayon, di na ako bumili ng nakapakete ginamit na'y mga tuyo't napabayaang sili kinuha ang binhi, tinanim, nagkaroong silbi wala pang plastik na sa kalikasan ay salbahe nang magkapandemya'y naging magsasaka sa lungsod magtanim sa boteng plastik na'y itinataguyod pag namunga'y may pakinabang at nakalulugod bakasakaling maibenta sa munti mang kayod - gregoriovbituinjr. #urbanfarming #pagtatanimsalungsod #magtanimupangmaymakain #tubongsampalocmaynila #pagtatanimsaopisinasapasig

Ang payo

Imahe
Ang payo mag-ingat lagi sa mga gubat mong papasukin anang isang kasama, pinayo niya sa akin pag-oorganisa't propaganda'y iyong masterin nang kayanin ang mga daratal na suliranin tulad ng chess ay aralin mo ang pasikut-sikot anong tamang sulong, anong basa mo't iyong sagot ituring mong isang puzzle, at labanan ang takot bagong sitwasyon, bagong sistema, masalimuot gumapang man ang dahongpalay sa iyong katawan mahulog man sa hukay o ikaw ay magulungan maging listo sa panganib na di mo mapigilan magpakatatag, tiyaking malinaw ang isipan sa welga, makinarya'y huwag hayaang ilabas obrero'y pagkaisahin laban sa mararahas pakatandaan, anumang problema'y malulutas ituring mong gubat mo ang gubat na nilalandas - gregoriovbituinjr. * Litratong kuha ng makatang gala habang naglalakbay sa isang lalawigan.

Kwento ng paslit

Imahe
Kwento ng paslit anong kukulit ng batang paslit naggupit-gupit nagpagkit-pagkit kanya pang hirit wala pang damit na magagamit sa piging, bakit? buhay ay gipit at nasa bingit ng laksang sakit na di masambit lupa'y inilit mundo'y pasakit kanyang sinapit ay anong lupit sariling bait niya'y nawaglit kita ang lawit litaw ang puwit kanyang nabanggit pupuntang langit ang nasasambit pasabit-sabit - gregoriovbituinjr. * Litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Itanim natin ang binhi

Imahe
Itanim natin ang binhi tara, tayo'y magtanim-tanim nang balang araw, may anihin at tiyaking may gugulayin pag namunga, may makakain magtanim sa paso ng gulay magtanim sa bukid ng palay itanim sa diwa ang pakay pati na pangarap na lantay itanim natin ang rebolusyon sa mga bagong henerasyon patungo sa dakilang misyon ng pagbabagong nilalayon ipinta natin ang larawan nitong lipunang inaasam ipinta bawat agam-agam at hanapan ng kalutasan bungkalin ang lupang mataba nitong magsasakang dakila tutulungan ng manggagawa huwag lang ariin ang lupa pagkat pribadong pag-aari ang sa hirap at dusa'y sanhi itatanim natin ay binhi ng pagkakaisa ng uri - gregoriovbituinjr. * Litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.

Ang karatula ng pag-ibig

Imahe
Ang karatula ng pag-ibig nagpa-selfie sa karatula "All you need is love" ang nabasa animo'y payo't paalala sa dalawang naroong sinta aba, aba, aba, kaysarap animo'y nasa alapaap upang tuparin ang pangarap upang bawat isa'y lumingap kailangan ay pagmamahal sa puso sasandig, sasandal nawa pagsasama'y magtagal na pag-ibig ang tinatanghal all you need is love, anong tamis pagkat puso ang binibigkis - gregoriovbituinjr.

Ulap na hugis-puso

Imahe
Ulap na hugis-puso civil wedding sa Tanay umuwi ng Kaylaway nang sa langit lumitaw ang pusong anong linaw ito'y pagpupugay ba sa amin ng tadhana di ba kataka-taka nagsapuso'y ulap pa ang pangyayaring iyon nga ba'y pagkakataon ulap ay nagkatipon upang bumati noon pagsinta'y patagalin hagkan siya't siilin ng halik at mahalin sumpaan ay tungkulin sa anumang labanan ay wala ngang iwanan ito'y isang sumpaan na hanggang kamatayan ulap na hugis-puso salamat sa pagsuyo magkasundo ang payo pag-ibig ang pangako - gregoriovbituinjr.