ANG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG Sinaliksik at sinulat ni Greg Bituin Jr. Sa ating Konstitusyong 1987, Artikulo III, Seksyon 4, ay nasusulat: "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances." ( "Walang batas na dapat ipasa na pumipigil sa kalayaan sa pagsasalita, ng ekspresyon, o ng pamahayagan, o ang karapatan ng mga tao sa mapayapang pagtitipon at hilingin sa pamahalaan upang malunasan ang mga hinaing. - salin ni GBJ.) Ito rin ang pinaninindigan ng ating publikasyong Taliba ng Maralita . Kaya patuloy tayong gumagawa, nagsusulat ng mga akda, at naglalathala ng ating pahayagan. Dahil ang kalayaan sa pamamahayag ay karapatan ng bawat mamamayan. Walang anumang batas ang dapat pumigil sa kalayaang ito. Sapagkat patuloy ang pagdaloy ng komunikasyon, animo’y walang hanggang ang mga titik sa bawat pahina, patuloy an...
ANG TULA SA RALI minsan, may kredibilidad din ang nilikhang tula pag kasama sa pakikibaka ng manggagawa pag nakikipamuhay sa magsasaka't dalita at sa Mendiola'y binibigkas ang tulang kinatha madalas, may handa na akong tulang bibigkasin isang araw bago ang rali, paksa'y aalamin anong linya't tindig sa isyu, iyon ang sulatin bagamat bawat tula ko'y may tugma't sukat pa rin di ko pupurihin sa tula ang kapitalista kundi ilantad ang kanilang pagsasamantala di ko pupurihin ang tula sa kapitalista kundi ilahad ang nasang panlipunang hustisya iyan ang papel kong mahalagang ginagampanan nasa rali man, nasa komunidad o saanman ako'y makatang adhika'y makataong lipunan at pagtula ko sa rali'y pagsisilbi sa bayan - gregoriovbituinjr.
TULA HINGGIL SA TAGAPAGPADALOY ni Greg Bituin Jr. 1 tagapagpadaloy - tulad sa bangka, tagatimon sa aktibidad upang umayos at naaayon sa takdang adhika at layuning napapanahon nang sa mga isyu’t problema'y agad makatugon 2 at siya’y kumikilos din bilang tagasuporta sa gawain, maiayos ang daloy ng programa naglalatag din ng tiwala sa nakakasama nang mapalitaw ang mga malikhaing ideya 3 dapat umiral ang tiwala at pagiging bukas nang mabuo ang istratehiyang magpapalakas sa kanila't mayroon ding planong magpapagilas upang makatugon sa isyu’t problemang namalas 4 impormasyon hinggil sa puntiryang grupo'y malaman upang likhain ang motibasyon at kamalayan upang magkaroon din ng kumpiyansa ang tanan upang tukoy na problema'y mabigyang katugunan 5 may kampanyang motibasyon ang tagapagpadaloy alamin ang problemang magdadala sa kumunoy upang malutas na ang isyu’t problemang natukoy at mga kalahok ay bigyang inspirasyon tuloy 6 mabuhay ang tagapagpadalo...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento