Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2023

Paglipad sa ere (Sa eroplano, Bidyo 2)

Imahe
PAGLIPAD SA ERE (SA EROPLANO, BIDYO 2) anong lapad din ng runway ng paliparan maya-maya lang, eroplano'y umandar na pinagmasdan ko ang buong kapaligiran pag-usad namin ay binidyuhang talaga wow, natiyempuhan ko ang mismong paglipad hanggang kalupaa'y lumiit sa paningin sa tabi ng bintana'y naupong kaypalad habang naririnig ang pagaspas ng hangin iyon ang aking unang pagbidyo sa ere nakabibingi ang katahimikan doon bigla'y makaririnig na di ko masabi baka sa hangin kaya nangyayari iyon buti't hangin ay di gaanong nagngangalit lalo't may balitang may parating na bagyo at ninamnam ko na lamang ang bawat saglit nakapagbidyo rin ng dalawang minuto - gregoriovbituinjr. 05.31.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/l0chDSp8Sd/

Paglalagay ng gamit (Sa eroplano, Bidyo 1)

Imahe
PAGLALAGAY NG GAMIT (SA EROPLANO, BIDYO 1) noong makalampas na ang katanghalian nakapasok na rin kami sa eroplano animan ang upuan sa bawat hilera habang nadarama sa puso'y pananabik minasdan ko ang tanawin sa paliparan buti't sa tabi ng bintana nakapwesto tiyak, maya-maya lang kami'y lilipad na kaya nakita sa kwaderno'y sinatitik iginala ang mata sa kapaligiran may naglalagay ng gamit ng pasahero binidyuhan ang pagsalansan ng maleta sa kumbeyor na sa ilalim isiniksik ay, isang tagpo iyon ng pagtutulungan upang bagahe'y mapag-ingatang totoo marahil ay sapat-sapat ang sahod nila nang pamilya nila'y di sa gutom tumitik - gregoriovbituinjr. 05.31.2023 * ang bidyo ay kuha ng makatang gala sa Mactan airport tungong NAIA, 05.31.2023 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/k-XRqJBcjl/ 

Pasalubong

Imahe
PASALUBONG alas-singko pa lang, kami'y nasa airport na para sa flight ng alas-syete ng umaga subalit anong tagal kong maghihintay pa flight ay nalipat ng alas-dose y medya nasa loob na't ayoko na ring lumabas ramdam ko pa'y antok, minuto'y pinalipas sa upuan nakatulog, dama ang puyat ngunit gising ang diwa, di dapat malingat maya-maya pa'y naglibot, nakakagutom bumili ng makakain at pasalubong ah, pantawid-gutom din ang biskwit na iyon buti't may tubig akong nadala rin doon ako'y pumasok na rin bandang alas-onse dala kong tubig ay na-detect, at sinabi ng gwardya, iwan ko raw ang tubig sa tabi tubig ko'y ininom at iniwan ang bote buti't may Jollibee, makakakain na rin kaya di na lang biskwit, may ulam na't kanin di dapat magutom, ito ang laging bilin sa sarili't baka tiyan ay pilipitin - gregoriovbituinjr. 05.31.2023

Pagtungo sa airport

Imahe
PAGTUNGO SA AIRPORT kay-agang gumising upang maglakbay na pauwi nag-ayos, naligo, nagbihis, sadyang nagmadali mabuting maagap upang pag-alala'y mapawi pagkasabik ba o lungkot ang sa puso'y naghari doon nga sa kwarto'y talaga akong tinawagan alas-kwatro ng madaling araw, gising na naman nasa hulatanan o lobby naghihintay ang van upang sumundo sa amin patungong paliparan tatlo kaming umalis na kasamang nagsidalo sa tatlong araw na asembliyang ginanap dito sa Mactan, Cebu, sa lalawigan ni Lapulapu hinggil sa paksang hustisya't karapatang pantao madaling araw yaong iskedyul naming nauna kaya kagabi pa lang ay talagang kumain na habang mamaya pa magsisialisan ang iba na bago lumisan ay may almusal o meryenda uuwi kaming dala ang nangyaring pag-uusap upang dalhin sa kanya-kanyang lugar ang naganap na sa paglaon itayo ang lipunang pangarap na walang nagsasamantala at nagpapahirap - gregoriovbituinjr. 05.31.2023 * kuha ang bidyo ng madaling araw ng 05.31.2023 * may mapapanood n

Danggit

Imahe
DANGGIT inalmusal ko'y danggit, kaysarap ng pagkapritong aking nalasap na para bang ako'y nangangarap lalo't sikat nga ito sa Cebu at ngayon ay nakarating dito kaya hinanap itong totoo pagtungo sa Cebu'y ikalawa matapos ang Climate Walk ang una siyam na taon ang lumipas na sa airport lamang nagtungo roon at pa-Maynila na kami noon di man lamang nakapaglimayon ngayon sa Cebu nakapagdanggit sana sa asngal ay di sumabit salamat sa sarap na kaylupit - gregoriovbituinjr. 05.30.2023 * asngal - ngalangala * ang makatang gala ay dumalo sa isang asembliya ng karapatang pantao sa Mactan, Cebu mula Mayo 28-30,2023

Bente pesos na bigas, trenta pesos na kanin

Imahe
BENTE PESOS NA BIGAS, TRENTA PESOS NA KANIN bente pesos na bigas / ang pangako sa atin pangako sa eleksyon / ay di na ba kakamtin? boladas lang ba iyon / na pang-uto sa atin? habang trenta pesos na / ang isang tasang kanin ito ba'y isang aral / sa dukhang mamamayan? mga trapo'y nangako / sa turing na basahan? upang manalo lamang / sa nangyaring halalan nabulag sa pangako / ng trapo't mayayaman? ay, ano nang nangyari? / nagpabola't nabola? matagal nang pag-iral / ng trapong pulitika? kung dati limangdaang / piso raw bawat isa ngayon naman ay naging / libo na, totoo ba? trenta pesos ang kanin, / bente pesos na bigas ang pangako sa masa, / pangako ba ng hudas? na sadyang ipinako? / kamay kaya'y maghugas? masabunan pa kaya? / at sa puwet ipunas? - gregoriovbituinjr. 05.29.2023

Nilay sa karapatan

Imahe
NILAY SA KARAPATAN mahalaga ang pinag-usapan sa asembliya kong dinaluhan hinggil sa pantaong karapatan at samutsaring isyung pambayan dito'y sinikap kong magsalita at ibahagi ang nasa diwa lalo na karapatan ng madla pati na ang usaping pangwika nagbahagi sa mga sirkulo sa bawat isyu sa bawat grupo sayang naman kung napipi ako sinabi ang nasasaisip ko makinig ka muna sa umpisa at pag may pagkakataon ka na basta umangkop sa isyu't linya magsalita't makikinig sila ganyan naman dapat pag may pulong huwag sa sulok bubulong-bulong magsalita baka makatulong upang di tayo mag-urong-sulong - gregoriovbituinjr. 05.29.2023

Coffee, tea or me?

Imahe
COFFEE, TEA OR ME? SYEMPRE, IKAW NA 'TE! minsang kasama si misis ay nag-deyt kami magkaharap sa lamesa, di magkatabi paskil sa kanyang  likuran: Coffee, Tea, or Me? aba'y syempre YOU  sa kanya'y aking sinabi pag di siya kasama, may pagpipilian kape man o tsaa ay iinumin naman subalit pag si misis na ang naririyan na talagang pipiliin ko'y siya lamang ah, kapara ko'y ang makatang si Balagtas na nagsabi na noon:  "Sa loob at labas ng bayan kong sawi" , ngunit ang nilalandas ay pagsintang parang maong na walang kupas - gregoriovbituinjr. 05.29.2023

Ang mga awitin ng Sining Dilaab

Imahe
ANG MGA AWITIN NG SINING DILAAB ang mga awitin / ng   Sining Dilaab ay talagang dama / at talab na talab sa puso't diwa ko'y / sadyang nagpaalab awiting para bang / dyamante't dagitab magpatuloy tayo / sa pakikibaka para sa human rights, / para sa hustisya maraming salamat / sa alay n'yong kanta para sa obrero, / sa dukha, sa masa taas-kamao pong / ako'y nagpupugay sa  Sining Dilaab  / sa kantang kayhusay tapik sa balikat / sa di mapalagay tanging masasabi'y / mabuhay! Mabuhay! - gregoriovbituinjr. 05.28.2023 * ang  Sining Dilaab  ay grupo ng mang-aawit na nakabase sa Cebu * ang dilaab ay Cebuano sa liyab, lagablab     

Chorizo de Cebu

Imahe
CHORIZO DE CEBU inalmusal ko'y  Chorizo de Cebu pagkat ispesyal na putahe ito kaya agad na ito'y tinikman ko lalo't pangalwang beses ko lang dito agad ngang nakahalina sa akin ang pangalan pa lang nitong pagkain soriso, ah, mukhang masarap man din at piniling ito'y matikman ko rin kinunan muna ito ng litrato na nakasulat:  Chorizo de Cebu minsan lang kasing mapapunta rito kaya aking ninamnam ang soriso aba'y malasa kaysa karaniwan at tamang-tama pa sa lalamunan nadama kong nabusog din ang tiyan pagkat anong sarap, talaga naman - gregoriovbituinjr. 05.28.2023 * sinulat ng makatang gala sa ikalawa niyang punta sa Cebu

Pagdatal sa Mactan

Imahe
PAGDATAL SA MACTAN at nakarating din sa Mactan tangan ang bagahe buti'y di Japan na kailangan ng pasaporte dadalo sa asembliya, dapat may masasabi hinggil sa mga isyung ang dama'y di mapakali narating ko na rin ang lupain ni Lapulapu kung saan si Fernando Magallanes ay natalo ito ang aking ikalawang pagpunta ng Cebu una'y noong Climate Walk nang pauwi nang totoo upang daluhan ang malaking asemliya roon ng mga prinsipyadong karapatan yaong misyon na pinag-uusapan ang isyung napapanahon at panawagang hustisya ng namatayan noon mga isyu ng mga nawalan ng katarungan at usaping dapat pag-isipan at pag-usapan na sistema'y babaguhin kung kinakailangan at hustisyang panlipunan ay ipinaglalaban - gregoriovbituinjr. 05.28.2023 * litratong kuha ng makatang gala, 05.27.2023

Paalala sa kalinisan

Imahe
PAALALA SA KALINISAN madaling unawain kung uunawain nila ang paalala sa mga sa opis bumisita: "Huwag mag-iwan ng anumang uri ng basura," at saka,  "dumi at kalat sa ating opisina" magwalis mag-imis maglinis mag-isis kailangan pa talaga ng paalalang iyon upang opisina'y iwanang malinis paglaon habang nakikibaka't tinutupad yaong misyon ang kalinisan din ng ginagalawan ay layon - gregoriovbituinjr. 05.27.2023

Ang kuting na ayaw pasusuhin

Imahe
ANG KUTING NA AYAW PASUSUHIN nakauna na ang ibang kapatid pinalipat ang may batik na itim palipat-lipat, di mapatid-patid di na makasuso ang isang kuting tila tulog na ang inahing pusa o nakapikit lang habang abala na pasusuhin ang mga anak nga na agawan sa pagsuso talaga inaalis ng kapatid ang ulo ng isang kuting na di makadede lumipat naman sa kabila ito ganoon din, di pa rin makadede ibang kapatid niya't anong kulit na gustong ang makasuso'y sila lang hanggang kanyang sarili'y ipinilit ayaw rin niyang siya'y maisahan sige, karapatan mo'y igiit mo kapatid ka namang dapat dumede ipagtagumpay mo rin ang pagsuso kaysa magutom ka't mauhaw dine - gregoriovbituinjr. 05.26.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kMvUNFH10U/

Kanina, sa dyip

Imahe
KANINA, SA DYIP sa dyip, naupo ako sa una nang may pinuntahan lang kanina may istiker roong may babala: "Bawal sumakay ang walang pera!" buti't ako'y may baryang pambayad kaya ayun, nagbayad kaagad bagamat dyip sa takbo'y makupad dumating din, pagong man ang usad piniktyuran ko na lamang iyon baka tama naman yaong layon baka may nagwa-wantutri roon inis na ang tsuper kaya gano'n salamat sa gayong parirala naalimpungatan ang makata matagumpay yaong parikala na tumatagos sa puso't diwa - gregoriovbituinjr. 05.26.2023 * parirala = phrase * parikala = irony

Paggising sa umaga

Imahe
PAGGISING SA UMAGA paggising sa umaga'y nag-inat inimis ang inunan kong aklat kagabi'y umulan at mahamog buti't tuhod ay di nangangatog mumog, hilamos, handa'y almusal barakong mainit at pandesal karaniwang tagpo pagkagising mag-eehersisyo, magdi-dyaging ihahanda ang buong sarili para sa gawain hanggang gabi mangangalap ng mga balita at isyu ng dukha't manggagawa magsusulat ng mga sanaysay sinong bibigyan ng pagpupugay mga kuting ay kukumustahin pakakainin, paiinumin at maglalakad muli sa lubak nanamnamin ang paksa sa utak na isusulat agad sa papel titipain naman sa kompyuter - gregoriovbituinjr. 05.26.2023

Ragasang tubig sa biglang pag-ulan

Imahe
a RAGASANG TUBIG SA BIGLANG PAG-ULAN tumigil ako sa isang lansangan kung saan tao'y may masisilungan lalo't bigla ang pagbagsak ng ulan nakisilong sa isang paaralan magpapasa sana ako ng akda sa isang manunulat na dakila di na natuloy ang inaadhika lampas-oras, baka siya na'y wala oras nga'y pinagsikapang habulin lalo na'y kayhaba ng lalakarin biglang umulan, di na kakayanin tila ba ako'y nasa isang bangin pinagmasdan ko na lamang ang kanal ragasa ang tubig tungong imburnal walang payong kaya natitigagal ako'y basang sisiw at nangangatal - gregoriovbituinjr. 05.25.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kL85cDnujH/

Wrestling ng mga kuting

Imahe
WRESTLING NG MGA KUTING naglalaro muli ang mga kuting animo sila'y mga nagre-wrestling balibag dito at doon, ang galing o baka naman nagla-loving-loving sa galaw ng kanilang buntot pa lang alam mong sila'y nagkakatuwaan masaya lang silang naghaharutan palibhasa'y mga bata pa naman akala mo ba, kaya mo ako, ha? aba'y sabi ng isa sa kanila palakasan, sinong agad tutumba sige nga, ang sagot naman ng isa baka naman sila'y nag-eensayo na pagbabalibag daw ba'y paano baka raw may dagang malaki, naku sa pagdepensa'y dapat nang matuto nagkatuwaan ang mga alaga habang sa kanila'y nakatunganga sa panonood pa lang ay may tuwa sa puso, bagamat di mo halata - gregoriovbituinjr. 05.25.2023 * ang bidyo ay mapapanood sa:  https://fb.watch/kK-uulwtIh/

Ulan

Imahe
ULAN dinig ang nag-uumpugang hangin habang tikatik ay lumalakas naglalabanan sa papawirin sa bawat nilang pagwawasiwas habang ako'y naroong napatda at nakatitig lang sa kawalan hinihintay ang kanyang pagtila upang makalusong na sa daan aking diwata'y biglang tumawag magkita kami sa ganyang pook agad tumalima, lakad, sagsag baha na, habang may inaarok ay, sa mutya'y hindi makahindi ang ulan naman ay titila rin siyang tagapagdala ng binhi na sinasabi'y dapat kong dinggin - gregoriovbituinjr. 05.24.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kJTFjcu4dG/

Awit at gitara

Imahe
AWIT AT GITARA nais kong umawit, tumugtog ng gitara kumatha ng tulang gagawin nating kanta karaniwang pangarap ngunit naiiba na pinapaksa'y pagbabago ng sistema serbisyo ay huwag namang gawing negosyo pasensya muna kung di maganda ang tono ang mahalaga, inaawit ay totoo awiting may malasakit sa kapwa tao gigitarahin ko'y pangkaraniwang paksa dapat bayarang tama ang lakas-paggawa dapat may pampublikong pabahay sa dukha i-regular, di kontraktwal, ang manggagawa itayo natin ang makataong lipunan gawing para sa tao ang bawat awitan ang ating kalikasan ay pangalagaan huwag negosyohin ang pagsilbi sa bayan - gregoriovbituinjr. 05.24.2023

Bawal tumawid

Imahe
BAWAL TUMAWID paano ka tatawid sa daan kung may tulay nga, kaylayo naman nais mong kumabilang lansangan subalit di maaari iyan may nakalagay:  Bawal Tumawid aba'y maliwanag ang pabatid at baka pagmultahin kang pilit kung alam mo nang sala'y naggiit tulay ay tiyagaing lakarin kapara ng panliligaw mo rin sa dilag na nais asawahin hanggang oo niya'y iyong kamtin tawirin mo ang daan ng buhay na ang pakiramdam ay palagay tumawid sa naririyang tulay nang kabila'y marating mong tunay - gregoriovbituinjr. 05.24.2023

Kalamansi dyus

Imahe
KALAMANSI DYUS sampung pisong balot ng kalamansi ang binili ko habang nililimi ang kalusugan upang mairaos kaya nagtimpla ng kalamansi dyus hindi ko na nilagyan ng asukal basta ininom lang nang magminindal dahil nais kong lumakas talaga nang sa sakit ay mayroong depensa kalamansi dyus ay laging timplahin bagamat hindi aaraw-arawin pampalusog pa ito't pampalakas nang sa mga sakit ay makaiwas ah, salamat sa akin ay nagpayo baka sakit ko'y tuluyang maglaho - gregoriovbituinjr. 05.23.2023

Patalastas ng LPG

Imahe
PATALASTAS NG L.P.G. maraming paskil ng binebentang L.P.G. gawa ng tagapaskil nga'y pinagbubuti kaliwa't kanan, ingat, huwag lang salisi basta may pinto't geyt, paskil agad, ang sabi tingni, iba't iba ang kumpanyang nagpaskil sa pagpapaligsaha'y tila nanggigigil liquified petroleum gas ba ang napipisil? upang sa pagluluto'y wala nang hilahil? ganyan ang kapitalismo at kumpetisyon nais nilang ang katunggali ay malamon habang kami'y paano makakain ngayon magluluto upang pamilya'y di magutom gas istob na three burner ang gamit na kalan tangke ng L.P.G. basta walang kalawang iyan ang gamit sa mas maraming tahanan kahit dukhang nais ng buhay na maalwan - gregoriovbituinjr. 05.23.2023

Batute

Imahe
BATUTE alagad nga ba ni  Batute  ang tulad ko di pa, hindi, pagkat wala namang ganito nagkataon lang, meron akong kanyang libro na sa tuwina'y binabasa kong totoo pananaludtod niya'y pawang makikinis si  Huseng Batute , matalas at mabilis ang Hari ng Balagtasang walang kaparis nang tinalo n'ya si Florentino Collantes anong mababasa sa kanyang talambuhay nalilipasan daw ng gutom, sabing tunay di pansin ang pagkain, tula lang ang pakay binutas ng ulser ang tiyan, kinamatay O,  Batute , kayrami mong pamanang tula na nakaukit na sa puso nami't diwa tula mong  Bayan Ko 'y kinakanta ng madla inaawit din ang tula mong  Manggagawa taaskamaong pagpupugay, O, Batute! kinalaba'y imbi, sa tula'y pinagwagi nasa'y pagkakaisa, di pagkakahati tunay kang inspirasyon ng madla't ng lipi - gregoriovbituinjr. 05.23.2023

Nilalarong buntot

Imahe
NILALARONG BUNTOT nilalaro ng kuting ang buntot ng ina at ang ina'y ginalaw-galaw pang talaga nililibang-libang niya ang anak niya na kung panonoorin mo'y kasiya-siya minsan lang makita ang ganyang paglalaro binidyo ko nang larawan ay di maglaho upang maibahagi ang ganitong tagpo upang mapanood ninyo ang kuhang buo isang buwang higit pa lang ang mga kuting hayaan muna silang maglaro't maglambing pagkatapos kumain sila'y nahihimbing at pag nagutom lamang muling gumigising panoorin natin ang nilalarong buntot baka may aral silang dito mahuhugot bilis ng pagdakma at bilis ng pagkalmot baka nga gayon, di na ako nagbantulot - gregoriovbituinjr. 05.23.2023 * ang bidyo ay mapapanood sa:  https://fb.watch/kHVCTHk1_1/

Top fan badge sa FB page

Imahe
TOP FAN BADGE SA FB PAGE iba't ibang top fan badge ang aking naipon na nakita ko sa pesbuk notification di ko akalaing meron palang ganoon lalo't pananaliksik ang isa kong layon top fan badge ko'y pawang museo't kasaysayan napaghahalata ang hilig ko't samahan at bilang sekretaryo ng  Kamalaysayan o ang grupong  Kaisahan sa Kamalayan sa Kasaysayan , na magtatatlong dekada na pala akong kasapi, aba'y talaga oo, since nineteen ninety five pa'y sumapi na at nitong twenty seventeen naitalaga bilang sekretaryo nga, patuloy pa ako sa pananaliksik sa historya't kung ano ang matagpuan ay agad sinusulat ko o ibabahagi sa mas maraming tao sa  3-D  ay patuloy pang naghahalungkat Detalye ,  Daloy , at  Diwa 'y gamiting sukat ah, kayrami pang historyang dapat mabuklat sa natamong top fan badge, maraming salamat! - gregoriovbituinjr. 05.23.2023

Isang tagay para kay Bruce Lee

Imahe
ISANG TAGAY PARA KAY BRUCE LEE tara, idol  Bruce Lee , tagay tayo ikaw na master ng  wing chun kung fu at nag-imbento rin ng  jeet kune do kami rito sa iyo'y saludo minsan naman, mag-ensayo tayo upang matuto kami sa iyo ang wing chun kung fu ba'y papaano pati turo ni  Ip Man , guro mo napanood ko'y  Way of the Dragon si  Chuck Norris  ang kalaban doon kaygaling mo sa  Enter the Dragon pati sa  Fist of Fury  mo noon napanood ko rin ang  The Big Boss kung saan kalaban mo'y inubos ang  Game of Death  ay di mo natapos sa limang film mo, mabuhay ka,  Bruce ! muli,  Ka Bruce , tayo nang tumagay pag kasama mo si Doc Ben, kampay ako't taasnoong nagpupugay mabuhay ka, O,  Bruce Lee !  MABUHAY ! - gregoriovbituinjr. 05.22.2023 * litrato mula sa google

Yantok

Imahe
YANTOK binebenta ang matigas na yantok sa palengke iniisip kong kahit dalawa nito'y bumili at magpraktis muli ng arnis sa araw at gabi pag-eensayo'y pampalakas ng katawan, sabi sa istoryang Mulawin, gamit ito ng may bagwis laban sa mga Ravena, gagamiting mabilis kay Sangre Danaya na magaling naman sa  arnis sa Engkantadya, ang tawag nila rito'y  balangis arnis ay lokal na martial art o sining panlaban na itinuturo sa pampublikong paaralan kahit tanod ng barangay, ito'y pinag-aralan bilang pandepensa sa mga gago at haragan bagamat di ko naitanong magkano ang yantok maganda nang mayroon nito, ang aking naarok kung magkabiglaan, may kukunin kang nakasuksok sa bahay upang makadepensa kung may pagsubok - gregoriovbituinjr. 05.22.2023

Thesis ng dukha sa Taliba ng Maralita

Imahe
THESIS NG DUKHA SA TALIBA NG MARALITA wala tayo sa akademya ngunit nag-aakda ng samutsaring sanaysay, balita, kwento't tula thesis sa mahalagang paksa'y pilit ginagawa kaya nga meron tayong  Taliba ng Maralita na pahayagan ng dukha sa ilang komunidad upang kahit mahirap, ipakitang may dignidad ang thesis o pagsusuri ng dukha'y mailantad kung bakit ba buhay nila sa mundo'y di umusad hangga't may  Taliba ng Maralita 'y magpatuloy sa pakikibaka, ang duyan man ay di maugoy nagtitiyaga upang di malubog sa kumunoy ng hirap na dulot ng tusong pakuya-kuyakoy Taliba 'y saksi sa bawat patak ng dugo't pawis ng manggagawa't dukhang patuloy na nagtitiis dito nilalathala ang kasaysayan at thesis kung paanong manggagawa't dukha'y magbigkis-bigkis - gregoriovbituinjr. 05.22.2023 * ang  Taliba ng Maralita  ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang  Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)   na nalalathala ng dalawang beses kada buwan

Bilin ng inang pusa sa panganay

Imahe
BILIN NG INANG PUSA SA PANGANAY bilin ng inang pusa'y agad pinabatid sa panganay, mahalagang mensahe'y hatid: "Huwag mong pabayaan ang magkakapatid! Huwag hayaang sila't kung saan mabulid!" ang bilin ng ina'y talagang tinandaan ng panganay upang kanyang pangalagaan ang natitirang mga kuting sa bakuran lalo na't madalas maglaro sa lansangan (inang pusa'y umalis habang binibidyo sa kanila raw bakit ako nag-usyoso) sa akin bilang ikalawa sa panganay sa apat pang batang kapatid ay nagbantay hanggang sa tahanan ako na'y napawalay upang tupdin ang ibang tungkulin ng husay sa tao't sa pusa man, ang payo ng ina ay sadyang para sa kabutihan talaga payo ng ina'y bigyang pagpapahalaga batid na tayo'y laging nasa puso niya - gregoriovbituinjr. 05.22.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kGAkzm01gT/

Ang tula

Imahe
ANG TULA "Poetry is not only what I do, it’s who I am." ~ Anonymous nakagisnan ko't kinagiliwan ang pagbabasa ng panitikan lalo na ang mga kathang tula na nanunuot sa puso't diwa noon pa ay  Florante at Laura ngayon ay  Orozman at Zafira kay Batute'y  Sa Dakong Silangan Ang Mga Anak-Dalita 'y nandyan kay  Shakespeare , mga likhang  soneto tulang  Raven  ni  Edgar Allan Poe tula'y di lang gawain kong tunay kundi ako rin ang tula't tulay sa mga alon ng karagatan at mga luha ng kalumbayan - gregoriovbituinjr. 05.22.2023

Senglot

Imahe
SENGLOT patagay-tagay di mapalagay sa naninilay na dusa't lumbay painom-inom kahit magutom kamao'y kuyom ang labi'y tikom patoma-toma problema'y sumpa nais magwala ngawa ng ngawa pabarik-barik gin ay kaybagsik diwa'y tiwarik agad naghilik knockout na't lasing blackout pa't himbing may kumalansing agad nagising - gregoriovbituinjr. 05.21.2023

Tabearuki

Imahe
TABEARUKI huwag raw kumain habang naglalakad sa daan pag nasungabâ o nadapâ ka'y mabilaukan tapusin muna ang kain sa tabi ng lansangan o bago umalis doon sa iyong pinagbilhan salitang Hapon ang tabearuki, unawain tawag nila sa paglalakad habang kumakain sa kanilang bansa'y huwag mo raw itong gagawin upang malayo sa disgrasyang baka kaharapin dito ngâ, madalas isagawâ, Pilipinas pa bibili ng taho, sago-gulaman, bola-bola at kakainin agad nila iyon sa kalsada sa trabaho'y nagmamadaling makapagmeryenda naghahabol ng oras, sa break na kinse minutos basta naramdamang gutom ay agad mairaos karamihan nga'y nagta-tabearuki ng lubos buti't maraming tindang tingi't mayroong panggastos ah, tabi ka muna't arukin ang tabearuki baunin o kainin na ang pagkaing binili huwag sa paglalakad kundi kumain sa tabi ng daan kung gutom na, huwag mag-tabearuki - gregoriovbituinjr. 05.21.2023 * litrato mula sa isang fb page

Pagdede ng dalawang kuting

Imahe
PAGDEDE NG DALAWANG KUTING nakaupo roon ang inahin nang maabutan ng isang kuting tila sa gatas ay gutom man din kaya dumede na sa inahin isang kuting pa'y biglang dumatal na ano't tila ba humihingal dumede rin siya, di nagtagal habang ina'y tila natigagal ganyan madalas ang buhay nila pag walang huling daga ang ina na sila'y padede-dede muna sabagay, sila nama'y bata pa mga kuting, kayo'y magpalakas at sa ina'y uminom ng gatas habang akin namang nawawatas pag-ibig ng ina'y sadyang wagas - gregoriovbituinjr. 05.21.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kFvN8wzsWV/

Mga sagisag ng sipnayan

Imahe
MGA SAGISAG SA SIPNAYAN bata pa'y ating napag-aralan ang mga sagisag sa sipnayan o matematika, kaalamang gamit natin bilang mamamayan at sa araw-gabing pamumuhay kaalamang dapat nating taglay sa bayad-sukli o perang bigay sa pagkalkula'y di masisinsay nariyan ang  plus, minus, multiply,  divide, percent, because, equality, is greater than, sum of, empty set, pi,  is less than, square root, infinity salamat sa ganitong simbolo at nauunawa ang numero sa pagkwenta doon, kwenta dito habang marami ring mga kwento sina  Pythagoras, Archimedes, Euclid, Hypatia, Eratosthenes, Anaxagoras, Diocles, Thales, Fibonacci, Diophantus, Ganesh, Turing,  Euler, Ramanujan, Fermat, Gauss,  mga personalidad sa math kalkulasyon ay di na mabigat simbolo'y pinagpapasalamat - gregoriovbituinjr. 05.20.2023 * litrato mula sa google

Inadobong kangkong

Imahe
INADOBONG KANGKONG binili ko'y santaling kangkong, bente pesos pag-uwi'y pinitas muna ang mga talbos pinili yaong mga sangang maninipis at akin itong ginayat ng maliliit bawang at sibuyas ay ginisa ko muna pati munting sanga ng kangkong ay sinama nang sumarap ang amoy, saka inihalo ang handang isang tasang tubig, suka't toyo murang gulay, pampalakas pa ng katawan bagamat niluluto lang paminsan-minsan kanina'y pananghalian namin ni misis mura man, basta sa gutom ay di magtiis adobong kangkong, kaysarap na lutong bahay buti't pagluluto'y akin ding napaghusay nang makakain, nagpahinga na't nabusog sa inulam naming talagang pampalusog - gregoriovbituinjr. 05.20.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kErMKW--Vj/

Si Mingming, anak ni Muning

Imahe
SI MINGMING, ANAK NI MUNING isa siya sa dalawang naunang anak ni  Muning , bukod sa anim pang bunsong anak kaya nga walo na silang magkakapatid na ilan ay di ko na makita, di batid ang anim ay naging lima, ngayon na'y apat ngunit sa tabi-tabi lang sila nagkalat marahil 'yung iba'y may ibang natambayan at doon nakahanap ng makakainan ito namang si  Mingming , may batik na itim tambay lang sa tapat kahit gabing madilim mas malaki na siya kaysa kanyang ina isa sa bunso pa'y halos kamukha niya maraming tula hinggil sa kanila'y pakay at mailarawan din sila sa sanaysay may litrato na, may bidyo pa, at may kwento ano bang buhay nilang aking napagtanto minsan, pag may ulam na isda't di naubos pasalubong na ang ulo't balat ng bangus buti't di nila kinakalmot ang tulad ko baka gusto rin nilang haplusin sa ulo - gregoriovbituinjr. 05.20.2023 * mapapanood ang bidyo sa:  https://fb.watch/kEprdW5U6g/

Date

Imahe
DATE anong petsa na? anong date na ba? ay, Disinuwebe ng Mayo na at araw ng Biyernes pa pala kaya nagdeyt muli ang magsinta nasa Fully Booked na naman kami nagpiktyur-piktyur, nag-selpi-selpi masarap muling mag-ispageti ako ang taya at maglilibre minsan din lang magdeyt ang magsyota at pag-ibig ay sinasariwa ako naman ay nagmamakata at tinutulaan ang diwata ang puso ko'y kaylakas ng pintig bagamat matikas yaring tindig Biyernes itong ano't kaylamig buti't kasama'y kaibig-ibig - gregoriovbituinjr. 05.19.2023

Sa bawat pag-usad ng pluma

Imahe
SA BAWAT PAG-USAD NG PLUMA saan nga ba patungo ang bawat pag-usad niring plumang mga kwento ng kapwa'y hangad pagkalbo ba sa kabundukan ay pag-unlad? pagmimina'y nakabuti nga ba sa lumad? samutsari ang sangkaterbang mga isyu nais pa ng ilan na magnukleyar tayo aral ba ng Fukushima'y di nila tanto? o bulsa lang nila'y patatabaing husto? umunlad daw tayo habang kayraming dukha umasenso raw ang bansa ng maralita lakas-paggawa'y di pa mabayarang tama ang krisis pa sa klima'y sadyang lumulubha ginagalugad nila ang ibang planeta kung tulad ng Daigdig mabubuhay sila gayong sariling planeta'y sinisira pa pulos digmaan, puno ng plastik, basura nasaan na nga ba ang pagpapakatao? at ang pakikipagkapwa nating totoo? na habilin sa atin ng henyong Jacinto sa kanyang Liwanag at Dilim makukuro plumang tangan sa ngayon ay nagpapatuloy laging nagtatanong, problema'y tinutukoy: bakit nagpapasasa ang iilang playboy? habang nagdurusa ang kayraming palaboy? - gregoriovbituinj

Pagkatha ng kwento't nobela

Imahe
PAGKATHA NG KWENTO'T NOBELA pinangarap kong maging isang nobelista kaya sa maiikling kwento nag-umpisa ang katha ng ibang awtor ay binabasa upang mapaghusay ang pagkatha tuwina ang maiikling kwento ko'y nailathala sa pahayagang Taliba ng Maralita na publikasyon ng isang samahang dukha kaypalad ko't nilathala nila ang akda itong nobela'y pinagtagpi-tagping kwento unang kabanata, ikalawa, ikatlo anong banghay, saang lugar, anong titulo bakit walang isang bayani ang kwento ko bayani'y kolektibo, walang isang bida walang Superman, Batman, Lastikman, o Darna kundi sa bawat kwento, bayani'y ang masa sa mapang-api't mapagsamantala'y kontra nawa unang nobela'y aking masimulan upang nasasaloob ay may malabasan bida'y obrero, magsasaka, kalikasan mithi'y matayo ang makataong lipunan - gregoriovbituinjr. 05.18.2023 * ang pahayagang  Taliba ng Maralita  ang opisyal na publikasyon ng samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML)

Sa unang buwan ng mga kuting

Imahe
SA UNANG BUWAN NG MGA KUTING isinilang sila Abril Disi-Siyete sa aming tirahan na sila nagsilaki naglalaro, kumakain, at tumatae sambuwan na ngayong Mayo Disi-Siyete nilabas ko na sila sa aming tahanan at pinatira muna doon sa bakuran (oo, sa bakuran lang, di sa basurahan) nang bahay ay di mangamoy at malinisan pinagmamasdan ko sila sa paglalaro nakadarama ng saya nang walang luho bagamat sila naman ay nagkakasundo maganda kung magkakapatid silang buo nawala ang isa, at lima na lang sila kinuha ng kapitbahay, di na nakita gayunpaman, pag sila'y lumaki-laki pa nawawalang kapatid ay makita sana kaya sa unang buwan nilang mga kuting maligayang isang buwan ang bati namin isda man ang handa, ang tangi naming hiling mga dagang mapanira'y inyong sagpangin - gregoriovbituinjr. 05.17.2023

Muslak - salin ng tulang NAIVE ni Winter Raine

Imahe
MUSLAK ni Winter Raine malayang salin ni  Gregorio V. Bituin Jr. napakabata ko napakatanda mo ilang ulit na bang sinabihan tayo? hindi ito tama hindi ito patas minahal na kita may pakelam sila? sila'y nag-alala nakita ba nila sa iyo'y ako lang  pagkat mahal mo nga. subalit huli na dapat kang umalis pagbayarin sila magpalitan kaya? aalis din ako makikita nila tanggapin ka nila nang nais din ako. ngunit di gumana aalis ka pa rin lagi ka sa isip ay, napakamuslak * Isinalin, 05.17.2023 *  muslak  - musmos, walang muwang, naive - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.803 NAIVE by Winter Raine I was too young You were too old How many times Should we be told? It wasn't right It wasn't fair I love you now Don't they care? They are worried Don't they see I am your only one You really do love me. It's too late you have to go I'll make them pay quid pro quo, no? I will leave too Then they will see They have to take you If they want to have me. Too bad it didn'

Muslak pala ang salin ng naive

Imahe
MUSLAK PALA ANG SALIN NG NAIVE  ang kanyang katangian ay payak kung umasta't mag-isip ay muslak nakatayong uhay sa pinitak na di dapat gumapang sa lusak nakita ko rin ang wastong salin ng  NAIVE  na dapat kong gamitin na dagdag-kaalaman sa atin at maganda nang palaganapin noon, sa pagkaunawa ko lang ang salin ko'y walang pakialam kahulugan pala'y walang muwang mabuti't salita'y natagpuan ang  MUSLAK  pa'y inosente't musmos salin itong gagamiting lubos ngayon ako na'y makararaos upang sinasalin ay matapos - gregoriovbituinjr. 05.17.2023 * mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.803