Nilay

NILAY

mundo ko'y tigib ng katahimikan
habang wala pa ring kapayapaan
waring ang loob niring kalooban
ay di mabatid ang kalalabasan

tahimik at payapa'y magkaiba
sa diwa'y nag-uumpugan tuwina
katahimikan wari ko'y sa taynga
kapayapaa'y sa puso talaga

ah, anong dalas pa ring nagtitimpi
puno ng sugat ang diwa't sarili
hanggang ngayo'y di pa rin mapakali
sa samutsaring dinidili-dili

ah, gawin pa rin anong nararapat
kahit masakit ang ulo't balikat
tulala man, tutula pa ring sukat
huwag malingat at laging mag-ingat

- gregoriovbituinjr.
09.03.2023

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tula sa rali

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Salitang ugat at panlapi