KALIGTASAN kaligtasan niya'y prayoridad ito ang talaga kong naisip nang karamdaman niya'y nalantad sa akin, dapat siyang masagip dinala sa ospital na iyon upang magamot siyang totoo nang di pa batid ang presyo niyon lumobong dalawang milyong piso subalit dapat siyang magamot malutas agad ang sakit niya at maligtas sa gayong bangungot kaya agad siyang inopera pagkat tiyak na ang kamatayan kung bituka'y tuluyang mabulok lapot ng dugo'y kaytindi naman oxygen sa ugat di pumasok bagamat sa pambayad pa'y kapos kaya di pa makalabas dito mahalaga siya'y nakaraos pantustos ay hanap pang totoo paglabas, gamutan ay patuloy blood thinner ay madalas bibilhin upang sa ugat ay mapadaloy nang sa sakit tuluyang gumaling - gregoriovbituinjr. 12.05.2024
Ang mga bagyong Rolly at Ulysses Saliksik at sanaysay ni Greg Bituin Jr. Dalawang matitinding bagyo ang sumalanta sa bansa nito lamang unang dalawang linggo ng Nobyembre 2020. Ang bagyong Rolly ay tinatawag na super Typhoon Goni sa ibang bansa, at ang Ulysses naman ay Typhoon Vamco. Dumating ang bagyong Rolly, na ayon sa mga ulat ay kinatakutan dahil sa Category 5 na super-bagyo, na tinawag na "pinakamatinding tropical cyclone sa buong mundo noong 2020." Napakalakas nga nito ayon sa prediksyon. Mabilis itong humina, ngunit matapos manalasa ay nag-iwan ito ng pinsalang nakaapekto sa daan-daang libong katao, at puminsala sa libu-libong bahay. Nakakabigla rin ang pagdating ng bagyong Ulysses, na ayon sa ulat ay bagyong nasa Kategorya 2, subalit ang pinsalang iniwan nito'y mas laganap, at nagdulot ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura, nag-iwan ng 67 na patay, at higit sa 25,000 walang tirahan. Sadyang maiiyak ka kung ikaw ang tinamaan ng alinman sa dalawang bagyong ito...
ANG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG Sinaliksik at sinulat ni Greg Bituin Jr. Sa ating Konstitusyong 1987, Artikulo III, Seksyon 4, ay nasusulat: "No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances." ( "Walang batas na dapat ipasa na pumipigil sa kalayaan sa pagsasalita, ng ekspresyon, o ng pamahayagan, o ang karapatan ng mga tao sa mapayapang pagtitipon at hilingin sa pamahalaan upang malunasan ang mga hinaing. - salin ni GBJ.) Ito rin ang pinaninindigan ng ating publikasyong Taliba ng Maralita . Kaya patuloy tayong gumagawa, nagsusulat ng mga akda, at naglalathala ng ating pahayagan. Dahil ang kalayaan sa pamamahayag ay karapatan ng bawat mamamayan. Walang anumang batas ang dapat pumigil sa kalayaang ito. Sapagkat patuloy ang pagdaloy ng komunikasyon, animo’y walang hanggang ang mga titik sa bawat pahina, patuloy an...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento