Salin ng tula ni Charlie Chaplin
SALIN NG TULA NI CHARLIE CHAPLIN Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Nilason ng kasakiman ang diwa ng tao, na binarikadahan ng poot ang daigdig, na ala-gansang hinakbangan tayo sa dusa't pagdanak ng dugo. Nakagawa tayo ng mabilis, subalit sarili natin ay ipiniit. May makinaryang ang bigay ay kasaganaan ngunit nilulong tayo sa pangangailangan. Ginawa tayong mapanlait ng ating nalalaman; ang ating talino, matigas at hindi mabait, Labis tayong nag-iisip at kaunti ang nararamdaman. Higit pa sa makinarya, kailangan natin ang sangkatauhan. Higit pa sa talino, kailangan natin ng kabutihan at pagkamahinahon. Kung ang mga katangiang ito'y wala buhay ay magiging marahas at lahat ay mawawala. ~ Charlie Chaplin * ang mga litrato ay mula sa isang fb page 11.08.2024 Si Sir Charles Spencer Chaplin, Jr., KBE (Abril 16, 1889 – Disyembre 25, 1977), mas kilala bilang Charlie Chaplin, ay isang Ingles na komedyanteng aktor at tagagawa ng pelikula na nagkamit ng mga parangal sa Academy Awards.