Barya lang po sa umaga
BARYA LANG PO SA UMAGA
nakasulat: / barya lang po / sa umaga
habang aking / tinatanaw / ang pag-asa
na darating / din ang asam / na hustisya
lalo't iyon / ang pangarap / nitong masa
habang sakay / ng traysikel / ay nagtungo
roon upang / tupdin yaong / pinangako
naglilingkod / pa ring buo / ang pagsuyo
inaasam / na di basta / lang maglaho
mapanatag / ang kanilang / puso't diwa
sa maraming / isyu't asam / ay ginhawa
kasama ng / maralita't / manggagawa
kapitbisig / sa layunin / at adhika
may "feet off please" / pang kanilang / bilin dito
kaya ito'y / sinunod ko / ngang totoo
buti't bulsa'y / may barya pang / naririto
pinambayad / sa drayber ng / sinakyan ko
- gregoriovbituinjr.
11.19.2024
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://fb.watch/vXzAaYN0fk/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento