Mga Post

Pahimakas kay Ka Cesar Bristol

PAHIMAKAS KAY KA CESAR BRISTOL ka Cesar Bristol, tunay siyang lider-manggagawa magaling na intelektwal, manunulat, dakila sa kumpanya sa Pasig ay nagtrabaho't lumikha ng produkto, ngunit nag-organisa ng paggawa kumilos sa paaralan at mga pagawaan at organisador ng manggagawang lumalaban nangarap, kumilos upang baguhin ang lipunan dekano ng edukasyon ng BMPng palaban sa nahuling Antipolo Five, siya'y nakasama pagkat isang manggagawa, palabang aktibista biktima ng tortyur sa panahon ng diktadura magaling na taktisyan ng obrero sa pabrika kakampi ng obrero, makibaka'y iyong tungkol mabigat na pagpupugay sa iyo'y nauukol ikaw na nakibaka't sa kapitalismo'y tutol taas-noo kaming nagpupugay, Ka Cesar Bristol - gregbituinjr.,04/09/2019

Nakalimutan nilang tao rin ang manggagawa

NAKALIMUTAN NILANG TAO RIN ANG MANGGAGAWA may mag-asawang nangarap na kumita ng todo naipong pera nila'y pinuhunan sa negosyo may makina'y dalawa lang silang nagpapatakbo at naisipan nilang dapat magdagdag ng tao kaya agad silang nangalap ng mga obrero at maraming manggagawa ang kanilang kinuha upang magtrabaho't mapalago ang kanilang kita tingin nila, manggagawa'y ekstensyon ng makina na anumang oras ay gagawin ang nais nila di pwedeng umangal pagkat sinasahuran sila hanggang pabrika'y lumago sa tagal ng panahon dahil sa manggagawang masisipag, nakaahon pinauso pa ang salot na kontraktwalisasyon trabaho'y limang buwan lang, ganito taun-taon bagamat may obrerong na-regular din paglaon ngunit tingin ng obrero, sahod nila'y kayliit walang proteksyon sa pagawaan, napakainit di bayad ang obertaym, ang sweldo pa'y naiipit nagtayo sila ng unyon laban sa panggigipit ang mag-asawang may-ari ng pabrika'y nagalit nais ng may-aring mga...

Ako'y nauupos

Imahe
AKO'Y NAUUPOS ako'y nauupos sa dami ng upos ng yosi naglalakad ako'y nagkalat sa daan, kayrami tapon doon, tapon dito, sila na'y nahirati ang ating pamahalaan ba'y anong masasabi? ako'y nauupos sa laksang nagkalat na upos wala bang lagakan ng abo, sa ash tray ba'y kapos? latang walang laman, bakit di gamitin nang lubos? nang mga upos na ito'y ating maisaayos nakakaupos ang naglipanang upos sa dagat pagkat kayraming isda ang sa upos nabubundat ikatlo raw na basura ang upos na nagkalat paanong sa pagtapon nito tao'y maaawat? sa nagkalat na upos, anong dapat nating gawin? ito bang kalikasan ay paano sasagipin? huwag hayaang upos ay lulutang-lutang pa rin sa dagat nang kalikasa't isda'y masagip natin - gregbituinjr.

Halina't mag-yosibrik

Imahe
HALINA'T MAG-YOSIBRIK di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos upos sa kapaligiran, animo'y umaagos sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK kailangang may gawin sa upos na naglipana sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena imakalang pagkain ang itinapong basura madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat pansamantalang tugon sa upos na walang puknat ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat - gregbituinjr.

Kinalabosong upos

Imahe
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat? A t pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat L agi nating isipin ang buti nitong daigdig A ng dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig B asurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig O , dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig S imulan nating sagipin ang ating karagatan O  kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan N aglipanang upos ay gawan natin ng paraan G umising na't magsikilos para sa kalikasan U pos ay kinulong ko sa bote bilang simula P ag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa O o, ito'y pagkain, aakalain ng isda S umpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha -gregbituinjr.

Ang Martir - Tula ni Nick Joaquin

Ang Martir Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang pagsinta'y hindi nangangahulugang dapat kang magpaumanhin Gayunpaman, sa isang yugto ng buhay mo Ang pagsintang iyon ang pinakamahalagang bagay sa iyo, Ang pagsintang iyon ang maaaring iaasahan mong magtatagal magpakailanman, Ang pagsintang iyon na pinaniniwalaan mong hindi umiiral ang tadhana, At dahil sa pagsintang iyon ay nagtatanong ka, Bakit ka natatakot umibig sa una pa lang. Sa panahong iyon ng iyong buhay, Animo'y perpekto ang lahat Animo lahat ay napakaganda Animo ang lahat ay nagniningning para sa iyo, At ikaw ang lahat sa akin. Hindi na ako nagdadalawang-isip hinggil sa pagsakripisyo ng sarili kong kaligayahan para sa iyo, Ninanais ko pang hubarin ang nadidindingan ngunit nilamukos kong puso, Upang makasama lang kita. Ang lahat ay ginagawa ko upang maalagaan ka Ang lahat ay ginagawa ko upang masiyahan ...

Bigas, Hindi Bala

Imahe
BIGAS, HINDI BALA (Alay sa ikatlong anibersaryo ng masaker sa Kidapawan, at binasa ng may-akda sa rali sa harap ng Department of Agriculture, Abril 1, 2019.) Hustisya sa mga magsasakang buhay ay inutas gayong nagrali lamang dahil sa kawalan ng bigas Bakit sila pinaslang ng mga alagad ng batas gayong nais lang nilang dusa't gutom nila'y malutas? Katarungan sa mga minasaker sa Kidapawan sa pamilyang nais lang makaalpas sa kagutuman Nagpapahayag lang sila'y bakit ba sila pinaslang? Dapat malutas ang kasong ito't huwag matabunan Bigas, hindi bala, ang sigaw ng mga magsasaka Hiningi'y bigas, bakit binigay sa kanila'y bala Kaya isinisigaw namin ay: Hustisya! Hustisya! Kaya hinihiling din ng masa'y Hustisya! Hustisya! Bigas, hindi bala! Katarungan! Nawa ito'y dinggin ng mga nasa poder at problemang ito'y lutasin. - gregbituinjr. * Ang rali ay pinangunahan ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), at n...

Ang tula sa lapida ni Ben Tumbling

Imahe
ANG TULA SA LAPIDA NI BEN TUMBLING Nuong nakaraang Marso 28, 2019, nakita ko ang tula sa lapida ni Ben Tumbling sa ulat ni Lourd De Veyra sa programa ng ABC5 na: "Tsismis Noon, History Ngayon" sa  https://www.youtube.com/watch?v=qf_DJMphrC4 , nasa 11:14 (11 minutes,41 seconds) ng video. Subalit ang tula ay may bandalismo na, kaya di ko na mabasa. Naghanap ako ng malinaw na kopya ng tula, ngunit wala pa akong makita sa internet. Si Ben Tumbling ay kilalang kriminal subalit sa Malabon ay maraming nagmamahal, ayon kay Lourd De Veyra. Inilabas ko ang katanungang "Ano ang malinaw na nakasulat na tula sa lapida ni Ben Tumbling?" sa facebook. Unang tumugon si kasamang Jilbert Rose. Ang sabi niya:  "Puntahan natin greg, Alam ko sa tugatog cementery malabon Yan nkahimlay c Ben tumbling" . Ang ikalawang tumugon ay si kasamang Jhuly Panday. Nagpadala siya ng malinaw na litrato ng lapidang kinauukitan ng tulang alay kay Ben Tumbling. Maraming salamat,...

Ano ang malinaw na nakasulat na tula sa lapida ni Ben Tumbling?

Imahe
Nakita ko ang tula sa lapida ni Ben Tumbling sa ulat ni Lourd De Veyra sa ABC5, "Tsismis Noon, History Ngayon" sa https://www.youtube.com/watch?v=qf_DJMphrC4, nasa 11:14 (11 minutes,41 seconds) ng video. Subalit ang tula ay may bandalismo na, kaya di ko na mabasa. Naghahanap ako ang malinaw na kopya ng tula, ngunit wala pa akong makita sa internet. Si Ben Tumbling ay kilalang kriminal subalit sa Malabon ay maraming nagmamahal, ayon kay Lourd De Veyra. Marahil, balang araw, baka  magpatulong ako sa ilang kasama sa Malabon upang mapuntahan ko ang libingan niya, makopya ng buo ang nakasulat sa lapida, at marahil ay makilala rin kung sinong umakda ng tula. Ang ilan lang sa malinaw ay: BEN TUMBLING IKAW BA'Y MASAMA O ISANG DAKILA BAKIT BA MARAMI ANG SAYO'Y HUMANGA MGA ________________________________ SA _________________________________ BAKIT DI MARINIG SA BIBIG NG TAO NA _____________________________ HA_________________________________ GAYON...

Matapos ang pulong

pakiramdam ko'y para kaming mga patay-gutom naghihintay ng pagkain nang matapos ang pulong tila baga ako'y nasa impyerno't nasusunog nais ko nang umalis kahit ulo'y umiinog tunay ngang minsan, nakakainip ang paghihintay umaasa'y di mo alam kung darating ngang tunay kayraming nasa isip, nahihiya, nagninilay iniihaw sa init ang buong kalamnang taglay nais ko nang magpaalam kahit walang kinain magdadahilan na lang akong may katatagpuin kahit di nag-almusal, sa tanghalian, kapos din mabuti nang umalis at nakakahiya na rin - gregbituinjr.

Pag-aalay, Pasasalamat, Panawagan

PAG-AALAY, PASASALAMAT, PANAWAGAN (kinatha para sa huling bahagi ng isang nilikhang bidyo ng makata hinggil sa kampanya ng mga kandidato ng PLM partylist, na in-upload noong Marso 26, 2019 sa facebook page na LitraTula) sa Philippine Underground Movement, maraming salamat sa campaign jingle ng PLM na katha nyong sukat ang mga tulang naririto'y alay ko sa lahat nawa'y iboto ninyo ang maglilingkod ng tapat Ka Leody De Guzman para senador, iboto ang PLM partylist, ito ang ating partido lahat sila, sa Senado't Kongreso'y ipanalo upang may kakampi ang masa at uring obrero - gregbituinjr.

Si Oriang, ang Lakambini

Imahe
SI ORIANG, ANG LAKAMBINI Si Oriang, bayani, asawa Lakambini ng Katipunan Matapang na Katipunera Para sa bayang tinubuan Ikaw ang mithing binibini Ng bayani't Supremo Andres Itinalagang Lakambini Nang bayan ay di na magtiis Magkatuwang kayo ni Andres Sa Katipunang pinagpala Susupil sa pagmamalabis Ng mga Kastilang kuhila Kay Andres, di ka lang asawa Di ka lang inspirasyon kundi Kasama sa pakikibaka At kalayaan ang lunggati Ang bayan ay inyong hinango Mula sa hinagpis at luha Sinindihan ninyo ang sulo Nang kamtin ng bayan ang laya - gregbituinjr. (Binasa sa Rizal Park Open Air Auditorium, Marso 23, 2019. Ang mga litrato ay kuha ni Ms. Liberty Bituin, asawa ng makata. Taos-pusong pasasalamat kay Prof. Joel Malabanan ng PNU sa imbitasyong tumula sa Luneta.)

Tula sa World Water Day, Marso 22, 2019

TULA SA WORLD WATER DAY, MARSO 22, 2019 kahapon ay World Poetry Day, araw ng pagtula ngayon ay World Water Day, araw ng tubig ng madla habang ang krisis sa tubig ay biglang nagsimula nawalan ng tubig, ramdam  ng masa'y dusa't luha animo krisis ay nilikha upang pag-usapan itong pagtatayo ng dambuhalang Kaliwa Dam na sa krisis daw sa tubig umano'y kalutasan ngunit magpapalubog sa maraming pamayanan pagtatayo ng Kaliwa Dam ay tutulan ngayon pagkat sa krisis sa tubig ay di ito ang tugon maraming tubig, pamamahala ay di ayon di maayos, pulos tutubuin ang laging layon napapalibutan ng tubig itong ating bansa palibot ay dagat, kayraming ilog, sapa't lawa parte ng bayodibersidad, mahalagang sadya subalit may krisis sa tubig, dapat maunawa sa nangyaring krisis na ito'y daming apektado tubig nang gawin pang pribado'y nagmahal ang presyo tubig ay serbisyo, kaya huwag gawing negosyo ito'y para sa publiko, huwag isapribado at ngayong World Wate...

Ang personal ko'y pulitikal

Imahe
ANG PERSONAL KO'Y PULITIKAL nanindigan akong ang personal ko'y pulitikal kasapi ng lipunang ang mayorya'y nagpapagal upang makakain kahit alipin ng kapital kayod-kalabaw, sarili mang buhay ay sinugal ang personal ko'y pulitikal, kahit sa pagkain nabubusog lang ba pag kapitalismo'y kainin? giginhawa lang ba pag komersyalismo'y lunukin? o sa globalisasyon, dukha'y lalong gugutumin? pulitikal din kahit ang pag-ihi, bakit kamo iihi sa C.R. ng mall, ang bayad: sampung piso pag-ihi man sa C.R. ng simbahan, sampung piso may presyo rin kasi bawat pag-flush sa inidoro pulitikal din naman kahit pagpili ng damit magbabarong tulad ng sa kabangbayan nangupit? kamisetang kupas tulad ng sa monay nang-umit? o payak na kasuotan ng dukhang nagigipit? pulitikal din ang pahinga, paghinga't paghiga nasa isip ang nangyayari sa pamilya't madla bakit kahit kayod-kalabaw, kayraming nalikha ay di pa rin sapat ang sahod nito...

Pagsasalin ng akda

minsan, nakakatamad magsalin ng isang akda o anupamang sulating wala kang napapala walang insentibo, ramdam mong mahirap ka na nga naaabuso pa ang kakayahan mong kumatha mas nais kong isalin kung may sosyalistang layon upang matuto ang manggagawang mag-rebolusyon kahit libre, walang bayad, para sa uri iyon hayaan akong magsalin kahit walang panglamon ngunit kung ibang isyung di para sa sosyalismo napipilitang magsalin, pakikisama ito kung walang insentibo, ako ba'y naaabuso mabuti pang isalin ko'y Marxismo-Leninismo sana'y makaramdam ang nakasalubong kong langgam siya naman kung pagmamasdam mo animo'y paham di ko kasi ugali yaong basta makialam sabihan ang kausap ko na walang pakiramdam - gregbituinjr.

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Imahe
litrato mula sa google KABASIB (KAMATIS, BAWAT AT SIBUYAS) kamatis, bawang at sibuyas kinakaing hilaw at hubad ito ang aking pampalakas sa kilo-kilometrong lakad bawang ay ngunguyaing hilaw habang naglalakad sa lansangan pagkat ito'y bitamina raw upang tumibay ang kalamnan masarap naman ang kamatis habang tumatakbo ang isip panlaban sa problema't hapis habang pag-asa'y halukipkip sa sibuyas tiyak luluha ngunit nalilinis ang mata di mo ramdam ang pagkapata kundi katawan mo'y gagana paghaluin mo yaong tatlo nang may maalab na pagsuyo tiyak lalakas ka’t lilisto kaya di ka na madudungo - gregbituinjr.

Itim ang suot bilang sagisag ng protesta

ITIM ANG SUOT BILANG SAGISAG NG PROTESTA pulitikal ang pagsuot ko ng t-shirt na itim dahil ang bulok na sistema'y puno ng panindim dahil sangkatutak ang krimeng karima-rimarim dahil kayraming rosas ang ginahasa't sinimsim dahil laksang inosente ang pinaslang, kaylagim pagsuot ko ng kamisetang itim ay protesta kahit pa kay-init nito habang nasa kalsada kahit nasa gitna ng alab ng pakikibaka di dapat nakatunganga lang habang nakikita na maraming lugmok ang naghahanap ng hustisya hangga't sistema ng lipunan ay napakalupit hangga't niyuyurakan ang dangal ng maliliit patuloy akong magsusuot ng itim na damit bilang protesta, at hustisya'y aking igigiit - gregbituinjr.

Asam ng mulawin

Imahe
litrato mula sa google ASAM NG MULAWIN nakakapagod yaong ganda ng tanawin habang nililipad ang lawak ng layunin nananaginip, buti kung ako'y mulawin isang taong ibong may langit na hangarin minamasdan-masdan ko ang magandang dilag pagkat kaytamis ng ngiting nagpapapitlag sa pusong tila pagsinta'y naaaninag kaya nadarama'y kalagayang panatag matayog ang punong nais pagpahingahan ng pakpak na hapo't pusong nahihirapan dahil pag-irog sa dilag ay di malaman kung liligaw ba sa kabila ng kaibhan pusikit pa ang karimlan sa balintataw gayong nakapikit kahit araw na araw nawa'y makaisa ko siya ng pananaw upang sa lipunang ito'y di maliligaw - gregbituinjr.

Payo ng isang lola sa mga dalaga

PAYO NG ISANG LOLA SA MGA DALAGA payo ng isang lola sa mga dalaga: ang iyakan mo'y ang mahal mong ama't ina na todo ang gapang upang mairaos ka at di ang guwapong syotang iyong sinisinta na ginagapang ka nang makaraos siya sadyang kayganda ng payo nitong matanda na pagmamahal sa magulang ang adhika sa mga dalagang basal pa at sariwa upang di maputikan at mapariwara upang maingatan ang puri't di masira pagpupugay sa lolang iyon na marahil may mga karanasang ang anak ay sutil at saksi siyang may mga anak na taksil at ang payo niya'y upang mali'y masupil - gregbituinjr.

Tanggapin ang pera, iboto ang nasa konsensya

TANGGAPIN ANG PERA, IBOTO ANG NASA KONSENSYA limang daang piso ang bigay para sa balota kapalit naman ay tatlong taon ng pagdurusa ang pinapayo ko lang: sige, tanggapin ang pera ngunit iboto'y kauri't nasa inyong konsensya ang limang daang piso sa dukha'y malaking tulong na bigay ng trapong nagtataguyod ng halibyong pambili ng bigas, delata, o kaya'y galunggong habang interes lang ng trapo'y patuloy ang sulong tiyaking ang iboboto'y kakampi ng obrero kauri ng manggagawa, dukha, di mga trapo ang mga mandarambong ay huwag nang iboboto upang di masayang ang ating boto sa dorobo - gregbituinjr. * halibyong - salitang Tagalog sa fake news o disinformation * dorobo - salitang Hapones sa magnanakaw