Mga Post

Una Pahalang: Binibigkas ng makatâ

Imahe
UNA PAHALANG: BINIBIGKAS NG MAKAT ‎ ‎salamat sa unang tanong, nakatutuwâ ‎dahil aking pagkatao ang binabadyâ ‎una pahalang pa lang, sagot ko na'y  TUL  ‎kayâ tula'y agad kinathâ ng makatâ ‎ ‎nakabibigkas lang ng tulâ pag may rali ‎pag nabatid ang isyu, doon sinasabi ‎ng patulâ, madalas tula'y hinahabi ‎sa rali lalo na't sa masa nagsisilbi ‎ ‎bihirang bumigkas, kapag may okasyon lang ‎bagamat araw-gabi'y nasa pasulatan ‎kathâ ng kathâ ng tulâ para sa bayan ‎gagawing libro upang basahin ng tanan ‎ ‎salita'y balaraw na aking inuulos ‎sa bulok na sistemang ipinagpupuyos ‎niring loob, sistemang dapat kinakalos; ‎salamat sa krosword na aking tinatapos ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa pahayagang Bulgar, Abril 6, 2026

Kaya ko pa bang maging makina?

Imahe
KAYA KO PA BANG MAGING MAKINA? ‎ ‎i ‎ ‎humihina na ang aking mga piyesa ‎nagmahal kasi ang presyo ng gasolina subalit kaya ko pa bang maging makina ‎lalo't mga bakal ko'y kinakalawang na ‎ ‎lalong pupurol pag di na ako nagamit ‎ang kasuluk-sulukan ko'y lagyan ng fluid ‎sa mga kinakalawang, grasa'y ipahid ‎pihitan ko'y dapat magaan pag pinihit ‎ ‎ii ‎ ‎nag-operator noon ng  AIDA Press Machine ‎ang karanasang iyon ay tatlong taon din ‎sa pabrikang Hapon ay iyon ang gawain ‎talubatâ pa noon nang doon hasain ‎ ‎ngunit walâ na ang pinagtrabahuhan ko ‎isang gunitâ na lang ang pabrikang  PECCO ‎tatlong dekada na'y nagdaan, naisip ko ‎ngayon, matandâ na ako't di na obrero iii dapat palitan ang nanginginig na kamay makina'y bubulok pag hinayaang tunay na pag di nalilinis, ito'y nalulumbay kahit makina, dapat malusog ang lagay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.06.2026 * PECCO - Precision Engineered Components Corporation

Pagtaguyod sa kapwa makata't tulâ

Imahe
PAGTAGUYOD SA KAPWA MAKATA'T TULÂ ‎ ‎itinataguyod ko ang kapwa makatâ ‎pati mga pinaghirapan nilang tulâ ‎ganyan ang adhikain ko't nasasadiwà ‎kapara'y  Batute't Balagtas  na dakilà ‎ ‎pag sa iwing haraya'y mayroong makatas ‎paglalambing ng dila'y nagiging madulas ‎ang pananalinghaga'y agad mawawatas ‎parang walang kupas na  Batute't Balagtas ‎ ‎itutulâ ko sa pusikit na karimlan ‎ang diwà ng mga makatang kaibigan ‎kaisa sa kanilang ipinaglalaban, ‎pananaw, akala, isinasalarawan ‎ bagamat wala man kami sa toreng garing ‎kami'y magkasangga gaano man kadilim ‎ang bukas dahil sa digma't pagkagupiling ‎may bagong umaga't rosas na masisimsim ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.04.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Nagsasayaw nang mag-isa

Imahe
NAGSASAYAW NANG MAG-ISA ‎ ‎ako'y nagsasayaw nang mag-isa ‎sa musika ng mga harana ‎kunwa'y hawak ang kamay ng sinta ‎nakapikit, naririto siya ‎ ‎para akong baliw, umiiyak ‎hanap ang kanyang mga halakhak ‎kahapon namin pa'y nag-aantak ‎sa puso't diwà na'y nakatatak ‎ ‎tila ba ayoko nang magising ‎sa pag-idlip at pagkagupiling ‎nais kong magpatuloy na himbing ‎magkahawak yaong kamay namin ‎ ‎paumanhin sa patak ng luhà ‎na tilà lansangan ay binahâ ‎ganito lang ang abang makatâ na di ko naman mapagkailâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Luhà ko'y tila patak ng ulan

Imahe
‎LUHÀ KO'Y TILA PATAK NG ULAN ‎ ‎luhà ko'y tila patak ng ulan ‎luhang payak lang kung iyong tingnan ‎subalit wasak ang kalooban ‎nang aking sinisinta'y lumisan ‎ ‎nakangiti sa harap ng iba ngunit puso ko'y hirap talaga ‎ang pinangarap namin ng sinta ‎ay bulang tuluyang naglaho na ‎ may pamilyang itinataguyod ‎ang pagsasama'y nakalulugod ‎subalit para akong nalunod ‎sa dagat ng kawalan, sumudsod ‎ ‎saan pa susuot ang tulad ko? ‎buti't inaalalayan ako ‎nitong panitikan, tula't kwento ‎na binubúhay akong totoo ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Sa puntod ng sinta

Imahe
SA PUNTOD NG SINTA ‎ ‎kaylayo man, ako'y nakarating ‎sa puntod ng sintang tinatangi na ang alay ng makatang taring ‎ay tula't di maiwasang hikbi ‎ ‎gumuhò ma'y lahat ng pangarap ‎ay dapat magpatuloy ang búhay ‎kayâ kailangan kong magsikap ‎at tagumpay ko'y sa sinta alay ‎ ‎may libreto na ng mga tulâ ‎subalit wala pa ring nobela ‎ako ma'y isang abang makatâ ‎nangangarap maging nobelista ‎ ‎narito ako sa kanyang puntod ‎na pag-ibig ang ibinubulong ‎na sa sumpaa'y di tatalikod ‎pagkat puso'y siya ang kadugtong  ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026

Sa mga kurakot ngayong Biyernes Santo (14th Black Friday Protest ng 2026)

Imahe
‎SA MGA KURAKOT NGAYONG BIYERNES SANTO ‎ ‎sa mga kurakot, tuso, ‎buwitre't buwayang trapo: ‎kayong kawatan sa pondo ‎ng bayan, magsisi kayo! ‎ ‎ang inyong pangungurakot ‎ay dusa't hirap ang dulot ‎sa masa, kayo'y managot ‎at di dapat makalusot ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.03.2026 ‎14th Black Friday Protest ng 2026

Coda Lines

Imahe
CODA LINES ‎ ‎kailangan ko nang umuwi ng  Barlig ‎para sa huling ritwal sa namayapà ‎kong asawa, yaring puso'y nasasabik ‎buti't may pamasaheng bahid ay luhà ‎ ‎dinaluhan muna'y taunang Kalbaryo ‎ng desaparesido, at nang matapos, tinungo'y  Coda Lines , wala pa umano ‎gabi pa ang biyahe ng anim na bus ‎ ‎bumalik ng bahay, nag-ayos ng gamit ‎nasa terminal alas-singko ng hapon ‎inagahan ko at baka makasingit ‎fully-booked na, chance passenger na lang doon ‎ ‎nagpalista, bakasakaling tawagin ‎dumating ang unang bus, di nakasakay ‎sa pangalawa't pangatlong bus, di pa rin ‎at sa pang-apat na bus na nakasakay ‎ ‎salamat,  Coda Lines , nakabiyahe na ‎sampung oras ding doon ay nakaupô ‎umalis ng alas-nuwebe y medya ‎alas-siyete y medya nang tumayô ‎ ‎doon sa  Bontoc  na ako nag-agahan ‎isang kanin, isang karne, isang gulay ‎kaymahal na rin, presyo'y dalawang daan ‎matapos, sa dyip puntang Barlig sumakay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.02.2026

Pagdalo sa 'Kalbaryo ng Kawalan ng Katarungan' ng FIND

Imahe
PAGDALO SA 'KALBARYO NG KAWALAN NG KATARUNGAN' NG FIND ‎Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Umaga ng unang araw ng Abril, dumalo muna ako sa  Kalbaryo ng Kawalang Katarungan,  isang aktibidad ng  FIND (Families of Victims of Involuntary Disappearance)  sa  Bantayog ng mga Bayani . ‎ ‎Nagsimula ang programa ng ikasampu ng umaga, kung saan binasa ang walong pahinang pampleto, na binasa sa harap ng apat na estatwa ng desaparesido na nilikhâ ni National Artist Toym Imao. ‎ ‎Matapos ang programa, nagbigay kami ng repleksyon. Doon ay binigkas ko ang isang tulang kinathâ ko, na pinamagatang  "Hustisya sa mga Desaparesidos" : ‎ ‎wala kaming puntod na titirikan ng kandila ‎hanggang ngayon, sa mahal namin ay nangungulila ‎sila'y aktibistang nagsikilos upang lumaya ‎mula sa pagsasamantala ang bayan at dukha ‎ ‎inorganisa ang kababaihan, manggagawa ‎magsasaka, kabataang estudyante, ang madla ‎ang guro, manininda, abugado, mangingisda  ‎subalit s...

Pamasahe ng ubanin

Imahe
PAMASAHE NG UBANIN ‎kapag nagbayad ako ng bente ‎imbes ang sukli ko ay siyete ‎susuklian ako ng nuwebe ‎dapat pamasahe ko ay trese ‎akala senyor na kayâ onse - gregoriovbituinjr. 03.31.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1Ei5bLGCbZ/  

Tulawit sa kababaihan

Imahe
TULAWIT SA KABABAIHAN ‎ ‎sina Maria Clara, Juli, at Sisa ‎ay imbento ni Rizal sa nobela, ‎Gabriela, Oriang, Liza, Lorena ‎babaeng tunay sa ating historya ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.31.2026 ‎ ‎* Gabriela Silang, Gregoria "Oriang" de Jesus, Liza Balando, Lorena Barros * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/r/18jy7V6NcV/

Panonood ng 'Kababaihan ng Malolos' at 'History of the Underground'

Imahe
PANONOOD NG 'KABABAIHAN NG MALOLOS' AT 'HISTORY OF THE UNDERGROUND' Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Dalawa ang plano ko ng buong araw. Dumalo sa aktibidad na Kalbaryo ng Maralita ng Partido Lakas ng Masa (PLM). Ikalawa, manood ng mahahalagang dokumentaryong pangkasaysayan, ang 'Kababaihan ng Malolos' sa UP Film Center ng ika-11 ng umaga. Ikawalo pa lang ng umaga uy umalis na ako ng Bahay upang daluhan ang unang aktibidad ng PLM sa tapat ng PCUP. Ma-trapik at nakarating ako sa PCUP bandang mag-iika-9 ng umaga. Wala sila. Baka nakaalis na. Sakay agad ako ng dyip puntang Quezon City Hall. Dumating ako ng Kalayaan ng ika-9:30. Nag-abang doon, wala pa sila sa tapat ng DHSUD, nag-almusal ng kanin at sitaw sa gilid na karinderya. Bumalik. Dinaanan ang DHSUD at NHA. Wala pa rin. Bandang ika-10:30 ay umalis na ako at naglakad patungong sakayan ng UP. Nakarating sa UP Film Center Videotheque ng 10:45. Tamang-tama. Pinanood ko ang  'Kababaihan sa Ma...

Sakaling mawalâ ang tulâ

Imahe
SAKALING MAWALÂ ANG TULÂ ‎ ‎darating din ang panahong mawawalâ ang tulâ ‎ng makatang taring na itinutulâ ang dukhâ ‎tumitindi ang nakaambang panganib ng digmâ habang nadudungisan ang dangal ng maralitâ ‎ ‎mga nalathalang tula'y tulay ko sa pangarap ‎na payapang bansa't mundo, dukha'y di naghihirap ‎na karapatang pantao't hustisya na'y malasap ‎ganyan pa ngayon ang makatang taring kung mangusap ‎ ‎oo, pagkawala niring mga tula'y darating ‎kung ako'y mamatay na't mga tulâ ko'y sunugin "subersibo ", makapangyarihan ay sasabihin "filibustero"  ang tawag ng gobyerno sa akin pag nawalâ ang tulâ, ang makata'y isinumpà ng mga balakyot at kurakot na pinagpalà at ang buong buhay kong pinaghirapang makathâ hinggil sa manggagawa't dukha'y mababalewalâ - gregoriovbituinjr. 03.30.2026

Malunggay dyus

Imahe
MALUNGGAY DYUS mga dahon at tangkay ng biniling malunggay ay inilaga natin upang maging inumin pampalakas daw naman nitong pangangatawan pag ininom mo ito lulusog kang totoo pamamaraang simple inumin araw-gabi blood sugar ay bababa kolesterol, bababa panlaban sa impeksyon pati sa konstipasyon pampaganda ng balat sa malunggay, salamat - gregoriovbituinjr. 03.29.2026

Sa dyip

Imahe
SA DYIP ‎ ‎kapag nagbayad ako ng bente ‎imbes ang sukli ko ay siyete ‎susuklian ako ng nuwebe ‎dapat pamasahe ko ay trese ‎akala senyor na kayâ onse ‎ ‎buhok ko kasi'y kayraming uban ‎at akin na lang hinahayaan ‎kung ang pagtingin na nila'y ganyan ‎mukhâ na akong senyor kung masdan ‎may JR. man sa aking pangalan ‎ ‎talagang kaybilis ng panahon ‎hirap man, matatag pa rin ngayon ‎di tulad ng palaka sa balon ‎kundi kalabaw, nakakaahon ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.29.2026

Narinig lang po

Imahe
NARINIG LANG PO ‎ ‎minsan, narinig kong isang kasama'y nagsalitâ: ‎"Bantayan n'yo si Greg, pagkat mga isyu ng dukhâ ‎at lipuna'y sinusuri't ginagawan ng tulâ ‎at madalas ay agad niyang inilalathalà." ‎ ‎papuri ba iyon o birò kung tulâ ang pakay ‎ng inyong lingkod na karamihan kong tula'y tulay ‎sa masa, lalo't samutsari'y pinapaksang tunay ‎tulang produkto ng haraya't palagiang nilay ‎ ‎hindi na lang ako nagsalitâ at nagkomento ‎dahil ako'y humahabi noon ng isang kwento ‎wala rin naman akong narinig na negatibo ‎kundi pagpaalala sa laging ginagawâ ko ‎ ‎kayâ tangi kong masasabi:  "maraming salamat!" ‎kahit tula'y nakabartolina sa tugma't sukat  ‎ay naririto pa ring patuloy sa pagsusulat ‎tula't kwento'y bahagi't paraan ng pagmumulat ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.29.2026

Awit sa kapayapaan

Imahe
AWIT SA KAPAYAPAAN Inawit noon ni John Lennon: "All we are saying is give peace a chance." Inaawit ko naman ngayon: "Ang nais natin, kapayapaan!" - gregoriovbituinjr. 03.29.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  ttps://www.facebook.com/share/v/16srMmsN5W/  

Krisis sa klima at panawagang Wealth Tax

Imahe
‎KRISIS SA KLIMA AT PANAWAGANG WEALTH TAX ‎ ‎kaytinding epekto ng klima at polusyon ‎may mga bagyo, bahâ, init ng panahon ‎nawawasak ang kalikasan, may korapsyon ‎sa mga flood control projects, di biro iyon ‎ ‎pag-unlad ba pag wasak na ang kalikasan ‎dahil sa mga coal plants at mga minahan ‎ang biglaang pagkasunog ng talahiban ‎apektado'y kalusugan ng mamamayan ‎ ‎sobrang init, sobrang lamig, pabago-bago ‎ang klima, anong dapat gawin ng gobyerno? ‎ayuda ba'y sapat ipantulong sa tao? ‎pa'no kung sa kurakot napunta ang pondo  ‎ ‎epekto sa kabuhayan, kaytinding gutom ‎may gagawin tayong makabuluhan ngayon ‎palagdaan sa bayan ang ating petisyon ‎ang  "Asian People's Petition for Wealth Taxation" ‎ ‎mga pondong dagdag, sa  Wealth Tax  dapat kunin ‎upang ipantulong sa mamamayan natin ‎sa nasalanta sa kalamidad sa atin ‎buwisan ang bilyonaryo ang ating hiling ‎ ‎dapat nang buwisan ang mga mayayaman! ‎"Wealth tax, ngayon na!"  ang sigaw ng sambayanan ‎sama-s...

Ang LPG at ang Wealth Tax

Imahe
ANG LPG AT ANG WEALTH TAX ‎ ‎presyo ng LPG na'y sisirit ‎kada tangke, one thousand five hundred ‎mga mamamayang nagbu BUWIS ‎ay talaga ngang mabu BUWIS it ‎ ‎dagdag pahirap na sa pamilya ‎ang pagkain ba'y titipirin na ‎sa nangyayaring ito sa masa ‎ay di na sasapat ang ayuda ‎ ‎dapat buwisan ang bilyonaryo ‎at di ang mga dukha't obrero ‎panawagan iyan sa gobyerno ‎"Wealth Tax, ngayon na!"  sigaw ng tao ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.28.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa pahayagang Pang-Masa, Marso 28, 2026 ‎* kinathâ at binigkas ang tulâ habang dumadalo sa talakayan sa Wealth Tax

Sapul ng editorial cartoon

Imahe
‎SAPUL NG EDITORIAL CARTOON ‎ ‎sapul ng editorial cartoon ‎ang pulso ng madlâ  ‎pati na pusâ ay tumugon ‎kaytalim ng diwà ‎ ‎ngunit ating mauunawaan ‎ang kanyang trabaho ‎upang di mag-panic ang bayan ‎upang di gumulo ‎ ‎subalit ramdam naman natin ‎yaong nangyayari  ‎kaytaas ng mga bilihin ‎sinong masisisi ‎ ‎ngunit may patamà ang pusà ‎bansa'y paraiso ‎pag sila raw ay nagsalitâ ito ba'y totoo? ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.28.2026 ‎ ‎* litrato mulâ sa pahayagang Bulgar, Marso 28, 2026