SA HULING ARAW NG HUNYO pulos sulat di maawat pulos tulâ ang mahabâ ang pasensya habang masa ninanasa ay hustisya iyan pa rin ang gagawin tatapusin ang labahin magsasampay magninilay kahit panay luha't lumbay diwa'y tuon sa nilayon inspirasyon yaong misyon basahin mo ang akdâ ko kahit ako ay ganito pag nahagip ang nalirip naiisip ang nasagip tapusin na ang giyera mundo nawa'y pumayapa - gregoriovbituinjr. 06.30.2025
ANG BUWAN kayliwanag ngayon ng buwan at may ibong pumailanlang ang sarili'y napansin namang nakatanghod lang sa kawalan may kung anu-anong naisip may mga isyung nalilirip tila sa maya'y may humagip paano siya masasagip ang maya ba'y ang maralita na tigib ng hirap at luha habang nakapangalumbaba sa dilim ang makatang gala ang buwan kung ating suriin may epekto sa dagat natin: ang matinding hatak o dagsin kaya may kati't taog man din - gregoriovbituinjr. 10.20.2024 * dagsin - Ilokano sa gravity * kati - low tide * taog - high tide (salitang Batangas)
2 MAGKASUNOD NA ARAW NG DALAMHATI dalawang magkasunod na araw ng dalamhati Abril Onse, ikasampung death monthsary ni misis Abril Dose, pangalwang death anniversary ni Dad dalawa sa aking pinakamamahal sa buhay pagluwas ko galing probinsya, trabaho na naman upang tapusin ang mga agarang kailangan sadyang ganyan ang buhay, may panahon ng pagluhà, ng dalamhati, bukas nama'y pagbaka ng dukhâ kailangang tapusin ang mga isinasalin bagamat di sapat upang ang sarili'y buhayin munti man ang kabayaran, sa bulsa'y may papasok din pagkat araw-araw, dapat may pambiling pagkain natapos man ang dalawang araw ng paggunitâ dini sa pusò, sila na'y nakaukit na sadyâ - gregoriovbituinjr. 04.13.2026
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento