Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2026

Inuna'y tula kaysa kumain

Imahe
INUNA'Y TULÂ KAYSA KUMAIN ‎ ‎madalas ganito ang gawain ‎kaya ramdam ko'y halos gutumin ‎una'y pagtula kaysa kumain ‎inuna'y tula kaysa pagkain ‎ ‎paggising, pagbalikwas, ganito ‎babangon, susulat agad ako ‎nasa ulo'y itipang totoo ‎para bang naging bisyo na ito ‎ ‎kung si misis ay di pa nawalâ  ‎tiyak ako'y sasabihang sadyâ: ‎"kumain muna bago tumulâ ‎magpalakas kaysa matulalâ" ‎ ‎sa panahon ay kulang talaga ‎kaya nasa diwa'y isulat na ‎salamat sa payò, aking sinta ‎na hanggang ngayon ay tanda ko pa naku, di pa ako nag-agahan at ngayon na'y manananghalian baka mangyari'y mag-altanghapan: almusal, tanghalian, hapunan ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.01.2026