Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2026

Sa ika-16 na death monthsary ni misis

Imahe
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS ‎ Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba tula'y pangungumpisal. Batid mo ang plano kong gagawin Sa kasalukuya'y dapat tupdin. Isang nobela't aklat ng tulâ Ang alay ko sa iyo't sa madlâ. Bagamat mag-isa sa pangarap, Maaalpasan anumang hirap. Naririyan kang diwatang gabay Na sa bawat araw ko'y kasabay Tutupdin ko ang sa'yo'y pangako. Tiyaking ito'y di mapapako. ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎10.11.2026

Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon

Imahe
Tula sa sipnayan SI ARCHIMEDES, ANG SIPNAYANON "Bunying Archimedes, / tuklasin mo kaya,  Kung korona'y gintong / lantay, purong gawa..." Nag-utos ay hari, / "... o huwad bang sadya? At si Archimedes, / animo'y nabigla. Habang nag-iisip, / sa banyo nagtungo. Kaybanas, naghubad / siya't maliligo. Lulutasin iyon, / siya'y di susuko Upang di mawala / ang respeto't luho. Sa may paliguan, / naglublob, nagbanlaw; Umapaw ang tubig, / dama ang paggalaw! Aba'y bigla na lang / solusyo'y lumitaw, Ang kanyang nasuri / sa diwa’y natanaw. Sigaw ay "Eureka!" / (Natuklasan ko na!) Sa labis na tuwa'y / tumakbo sa kalsada; Kahit hubo't hubad / ay walang paki na, Dahil nalutas din / ang kanyang problema. Ang natapong tubig / doon sa batalan Ay katumbas niyong / lubog ng katawan Bigat ng korona / nang sinukat naman Ay di purong ginto, / kanyang natuklasan. Ay, si Archimedes / ay di rin kinapos. Talagang kaygaling, / henyo siyang lubos. Si Haring...