Abito at sotana

ABITO AT SOTANA

akala ko'y pareho ang abito at sutana
subalit sa palaisipang ito'y magkaiba
Siyam Pababa: Damit ng pari; Sagot: Abito
na kaiba naman sa Damit ng sakristan dito

Apatnapu't Isa Pahalang: Damit ng sakristan
Sagot: Sotana; magkaiba nga ng kahulugan
subalit sa ibang palaisipan, ang sotana
at abito ay magsingkahulugan sa kanila

na sa palaisipang ito'y pinag-ibang sadya
kaya may bagong natutunan ang abang makata
ang pari at sakristan ay may magkaibang baro
kahit parehong puti ay agad mong mahuhulo

ang sotana'y sa sakristan, ang abito'y sa pari
sa mga kahulugan ay may bagong nahahawi
dagdag-kaalaman at paglalaro ng salita
na magagamit sa sanaysay, kwento't ibang akda

- gregoriovbituinjr.
11.05.2024

* mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 5, 2024, p.7

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang tula sa rali

KaBaSib (KAmatis, BAwang at SIBuyas)

Salitang ugat at panlapi