Ang pagtutol nang walang pagkilos ay pagsang-ayon
ANG PAGTUTOL NANG WALANG PAGKILOS AY PAGSANG-AYON "Dissent without action is consent" anang kasabihan ah, ito'y matalim at malalim na kaisipan batayang pangangailangan na'y nagmamahalan tulad ng bigas, tubig, kuryenteng dapat bayaran tutol ka sa ganito pagkat masakit sa bulsa apektado na ang badyet mo para sa pamilya ngunit magagawa mo bang tumutol nang mag-isa? sa mga hirap at daing mo kaya'y pakinggan ka? kaya may kilos-protesta na pagkilos ng tao sa sama-samang pagkilos, may maipapanalo kung tutol ka ngunit ayaw lumahok sa ganito paano maisasatinig ang hinaing ninyo tama namang magpetisyon, sama-samang isulat sa kinauukulan ang daing ng masang lahat di ba't sa sama-samang pagkilos kakamting sukat upang mapababa ang presyong sa bulsa'y kaybigat ang pagtutol nang walang pagkilos ay pagsang-ayon! sabi ng matatanda noon magpahanggang ngayon tutol ang kalooban, sa hirap na'y binabaon ngunit sa sama-samang pagkilos ay di kaayon? tumututol ngunit takot sa...