Mga Post

Anyubog

Imahe
ANYUBOG paano ko kakathain ang ikaw kung sa nilalandas ay naliligaw tumahak man sa putikang mababaw sa gubat na masukal at mapanglaw paano kaya kita ikakatha ng tula habang ako'y nasa lawa at pinagmamasdan ang mga isda roong tila nagkasiyahang sadya kakathain ko anuman ang isyu upang ang masa'y mulating totoo kung sistema'y papalitang paano habang kasama kita'y napagtanto magpatuloy lang tayong makibaka lalo't magkasama kita tuwina - gregoriovbituinjr. 01.18.2024

Kayraming paksa

Imahe
KAYRAMING PAKSA ang gawain ko'y magsulat bakit kaya tinatamad ang tungkulin ko'y magmulat nang pangarap ay umusad kaya hawakan ang bolpen at papel at magsimula sa paligid ay tumingin pagkat nariyan ang paksa huwag tamarin, katoto pagkat tungkulin mo iyan may masusulat na bago paligid lang ay pagmasdan mga dukha, sagigilid nasa laylayan ng langit bakit maraming kapatid at kauri'y nagagalit kilong bigas na'y kaymahal ngunit sahod ay kaybaba manggagawang nagpapagal ay kontraktwal pa ring sadya ang dyip ba'y mawawala na ChaCha ba'y isinasayaw kayraming isyu ng masa dama ko'y di magkamayaw - gregoriovbituinjr. 01.17.2024

SIBI at LAOG

Imahe
SIBI AT LAOG Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Bigyang pansin natin ang dalawang salitang bago sa ating pandinig, na marahil ay ginagamit na salita sa lalawigan.  Ito ang  SIBI  at ang  LAOG . Sa ikatlong Krosword sa pahayagang Abante, Enero 15, 2024, pahina 7, ay nakita natin ang  SIBI  na siyang lumabas na sagot sa  28: Pababa na ang tanong ay BALKON . Sa Diwang Switik naman na palaisipan sa pahayagang Pang-Masa, Enero 16, 2024, pahina 7, ay nakita natin kung ano ang  LAOG . Iyon kasi ang lumabas na sagot sa  12: Pababa na ang tanong ay LAYAS . Ang kahulugan ng SIBI, mula sa Diksyunaryong Filipino-Filipino (DFF), na inedit ni Ofelia De Guzman, ay:  habong na nakakabit sa gilid ng bahay, balkon, balkonahe.  Sa UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF) naman, pahina 1131, ang  SIBI  ay salitang arkitektura na nangangahulugang  1: nakahilig na silungan. karaniwang nakakabit sa dingding ng isang bahay o nakadug...

Ang wastong gamit ng gitling sa panlaping ika

Imahe
ANG WASTONG GAMIT NG GITLING SA PANLAPING IKA Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Paano nga ba ginagamit ang gitling sa panlaping ika? Sa pagkakaalam ko, ginagamitan ng gitling ang ika pag ang kasunod na salita ay numero.  Ang ika ay panlapi, kaya ikinakabit ito sa salitang-ugat. Kaya bakit lalagyan ng gitling kung naging salita na ang pagkakabitan ng ika? Halimbawa, ikaapat, ikalima, ikaanim. Pag numero na sila, lalagyan na ng gitling, ika-4, ika-5, ika-6. Nakita ko na naman ang ganitong pagkakamali sa palaisipan sa isang pahayagan ngayong Enero 16, 2024. Sa unang larawan ay makikita sa 4: Pahalang ang Ika-apat na buwan. Dapat ay Ikaapat na buwan.  Sa aklat na  Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos, sa Kabanata VI, Ang Palagitlingan, pahina 58 , ay ganito ang nakasulat (tingnan din ang ikalawang larawan): (m) kung gamit sa pagbilang ng mga nagkakasunud-sunod na hanay, at ang bilang ay di mga salita kundi mga titik-bilang o tambilang (numero, figure...

Ang siyam kong aklat ng maikling kuwento

Imahe
ANG SIYAM KONG AKLAT NG MAIKLING KUWENTO Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Isa sa aking paboritong basahin at pagpalipasan ng oras ay ang pagbabasa ng maikling kwento, lalo na sa magasing Liwayway. Isa rin sa madalas kong isulat, bukod sa sanaysay at tula, ang maikling kwento, tulad ng inilalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang samahang Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML). Sa munti kong aklatan ay may may siyam na pala akong aklat ng maikling kwento. Sa siyam na iyon, ang apat na aklat ay inilathala ng Ateneo de Manila University Press, at tig-isa naman ang University of the Philippines Press, Pantas Publishing, National Book Store, Bookman, Inc., at Psicom Publishing. Ang apat na inilathala ng Ateneo ay ang  Landas sa Bahaghari at Iba Pang Kuwento ni Benjamin P. Pascual, Alyas Juan de la Cruz at iba pang Kuwento ni Placido R. Parcero Jr., Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo,  at  Si Juan Beterano at Iba...

Ang frost o andap

Imahe
ANG FROST O ANDAP Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang frost ba sa salitang Benguet ay andap? Ito ang nabasa ko sa balita sa pahayagang Abante, Enero 15, 2023, pahina 3. Ang balita ay may pamagat na  "Mga Benguet farmer inalerto sa frost" . Ayon sa unang talata ng balita:  "Naghahanda na ang mga magsasaka ng Atok, Benguet sa magiging epekto ng 'frost' o 'andap' dahil sa lalong tinatamaang lamig sa Benguet." Tinanong ko si misis hinggil dito pagkat siya't taga-La Trinidad, Benguet, at ang mga ninuno'y taga-Mountain Province, at halos dalawang taon ding nagtrabaho sa Atok. Subalit hindi niya arok kung ano ang andap, pagkat ang alam din niya, ang andap ay salitang Tagalog, na ibig sabihin ay kutitap o patay-sindi. Nagagamit ko rin ang andap sa pagtula tulad ng aandap-andap ang buhay ng mahihirap. Si misis ay Igorota subalit ang salita sa Atok, ayon sa kanya, ay Ibaloi. Nakakita na ako ng diksyunaryong Ibaloi, na makapal, subali...

Pagbaka

Imahe
PAGBAKA di ka pa ba nagagalit niyan? na buhay mo'y pinaglalaruan ng halal na bentador ng bayan may People's Initiative na ngayon upang baguhin ang Konstitusyon pang-interes ba ng bayan iyon? o tagilid lang muli ang masa? sa saliwang indak nitong ChaCha pakana ng mga kongresista sandaang porsyentong pag-aari ng dayuhan ay napakasidhi na nais mangyari nila't mithi sa kapangyarihan nilang angkin termino'y balak pang palawigan na kanilang lulubus-lubusin binebenta tayo sa dayuhan ng halal na bentador ng bayan di ka pa ba magagalit niyan? - gregoriovbituinjr. 01.15.2024

Dahikan pala'y gawaan ng barko

Imahe
DAHIKAN PALA'Y GAWAAN NG BARKO tanong:  GAWAAN NG BARKO ; sagot:  DAHIKAN nabatid ko lang iyon sa palaisipan bago bang salita na di ko nalalaman? o luma ngunit bago nating natutunan? ang tanong ay bilang  Dalawampu: Pababa aba, ang gawaan ng barko'y ano kaya? sinagot muna'y Pahalang at nakita nga ang  DAHIKAN ; taal pala nating salita kahuluga'y hinanap sa bokabularyo lalo't U.P. Diksiyonaryong Filipino salitang-ugat ay  DAHIK  at nakita ko: pook sa pampang sa pag-aayos ng barko kahulugan: pagsadsad ng sasakyang-dagat at ito pa: pag-alis ng sasakyang-dagat sadyang palaisipa'y nakapagmumulat sa taal nating salita, daghang salamat! - gregoriovbituinjr. 01.15.2024 * litrato ng palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 14, 2024, p.10 * dahik - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 252

Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay

Imahe
ISULAT N'YO PO ANG PANGALAN KO SA AKING BINTI, INAY Tula ni Zayna Azam Malayang salin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr. Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... Gamitin n'yo po ang permanenteng marker na itim, na ang tinta'y di kumakalat kung ito'y mabasa,  yaong di nalulusaw kung ito'y nalantad sa init... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... Kapalan n'yo po at linawan ang pagkasulat... Idagdag n'yo pa ang inyong pinakamimithi,  upang maaliw akong makita ang sulat-kamay ng  aking inay sa aking pagtulog... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... At sa binti ng mga kapatid ko.. Sa paraang ito'y magkakasama tayo... Sa paraang ito'y malalaman nilang kami'y inyong anak... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay... At pakisulat din po ang pangalan n'yo ni Itay sa inyong binti upang maalala tayo bilang pamilya... Isulat n'yo po ang pangalan ko sa aking binti, inay....

Ang pitong nobela ni Faustino Aguilar

Imahe
ANG PITONG NOBELA NI FAUSTINO AGUILAR Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako noon ng aklat-nobelang  Pinaglahuan  ni  Faustino Aguilar , na kulay pula ang pabalat. Bukod doon ay may iba pa pala siyang nobela. Ito'y ang  Busabos ng Palad, Nangalunod sa Katihan, Sa Ngalan ng Diyos, Sa Lihim ng Isang Pulo,  at  Kaligtasan , na tinalakay bilang kabanata sa aklat. Mayroon pang  Ang Patawad ng Patay , subalit nabanggit lang ito bilang huling nobela ni Aquilar, ngunit walang bukod na kabanata na tumalakay dito. Nabatid ko ito nang mabili ko ang librong  Faustino Aguilar: Kapangyarihan, Kamalayan, Kasaysayan, Isang Komentaryo sa mga Nobela ni Faustino Aguilar . Sinulat ito ni E. San Juan Jr. Nabili ko ang aklat sa Solidaridad Bookshop sa Ermita, Maynila sa halagang P500 noong Pebrero 11, 2022. Ang nobelang  Pinaglahuan  ay sinulat niya noong 1906 at isinaaklat noong 1907. Nauna lang ng isang taon dito ang unang sosyalis...

Papuri ng makatang Rio sa Senado

Imahe
PAPURI NG MAKATANG RIO SA SENADO pinuri ng makatang Rio ang Senado nang kanyang itinulang marangal daw ito ngayong panahon dapat ipakita nito lalo kung ChaCha'y ibabasurang totoo marangal at di raw yumuko sa dayuhan habang sa ChaCha ay aariing sandaang porsyento ng mga mayayamang dayuhan ang anumang pag-aari dapat ng bayan pinangunahan na ng mga kongresista at punong bayan ang mga pagpapapirma upang baguhin ang Konstitusyon, ang masa naman daw ay pipirma dahil may ayuda huwag pong hayaang malinlang tayong muli ang pagpapapirma'y pagbabakasakali na mamayani ang tuso't mapang-aglahi ChaCha'y para sa interes ng naghahari ngunit di ng masa, di rin ng buong nasyon kaya sa Senado, ito'y malaking hamon di payagang distrungkahin ang Konstitusyon marangal na Senado'y hanap namin ngayon - gregoriovbituinjr. 01.14.2024 * ang litrato ay mula sa aklat na  "May Mga Damdaming Higit Kaysa Atin"  ni Rio Alma, p. 136

Nilay

Imahe
NILAY ang pangarap kaya'y makakamit? kapag di dadaanin sa galit? bakit ba ang sistema'y kaylupit? sa mga obrero't maliliit? sinusumbatan ko ang sarili kung bakit laging di mapakali nakikitang di kawili-wili ay walang magawa sa salbahe kaya kumilos na, magsikilos bago bansa'y muling mabusabos maghanda sa pakikipagtuos upang bansa'y ilagay sa ayos madaling araw, kayraming nilay nagigising na di mapalagay dapat tayong maging mapagbantay kung masa sa hukay ilalagay - gregoriovbituinjr. 01.14.2024 NO TO 100% FOREIGN OWNERSHIP! NO TO CHACHA! HUWAG MAGING ISKWATER SA SARILING BAYAN!

Panicky ba ang paniki?

Imahe
PANICKY BA ANG PANIKI? animo'y paniki ang panicky nagpa-panic ka ba sa paniki sakaling nakita mo sa gabi at sa bahay mo'y biglang umuwi buti kung ang paniki'y si Batman na bayani sa Lungsod ng Gotham na mas matinik pa kay Superman na talaga ring sagad sa gulang napag-usapan lang naman natin ang paniki sa gabing madilim di naman nang-aano sa atin ngunit bida sa gabi ng lagim ah, tara na kayang magsitulog baka ito'y mali lang na kutob sakaling paniki'y mambulabog sa kumot kaya'y magsisisukob? - gregoriovbituinjr. 01.13.2024 * litrato mula sa app na Word Connect

Komyuter ako, ang laban ng tsuper ay laban ko!

Imahe
KOMYUTER AKO, ANG LABAN NG TSUPER AY LABAN KO! kaisa ako sa laban ng mga tsuper ng dyip dyip na ang sinasakyan ko mula nang magkaisip ngayon, balak nang i-phase out, dapat itong masagip sa pakanang ito, komyuter na tulad ko'y hagip tiyak, apektado ang pamilya ng mga tsuper pati na libo-libo kundi man milyong kompyuter lalo ang simpleng trabahador, waiter, writer, welder dyip ang pangmasang transportasyon nina mother, father tinawag na e-jeep ang minibus na ipapalit sa madla, tawag na ito'y tinaguyod na pilit may dahilan pala, e-jeep na ang iginigiit upang tradisyunal na dyip ay mawala, kaylupit! tila kapitalista ang talagang may pakana imo-modernisa raw, kaya hindi mo halata na sila palang kapitalista'y kikitang sadya kapag tradisyunal na dyip na'y tuluyang nawala kaya  "NO to jeepney phase out"  ay naging panawagan ng tulad kong komyuter at ng kapwa mamamayan dyip nating karamay sa hirap, saya't kakapusan sasakyan ng dukha'y di dapat mawalang tuluyan ...

Kolum na patula sa dyaryo

Imahe
KOLUM NA PATULA SA DYARYO Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Madalas kong nakikita sa pesbuk ang paglalathala ng kolum na patula ng isang katotong makata. Dahil pahayagang paglalawigan, tiyak na malaki ang naaabot niyon. Subalit sa age of social media, nawawala na ang ibang pasulatan, o yaong nalilimbag sa papel. Kaya natutuwa ako sa katoto kong makatang si Glen Sales, isang guro, at kasapi ng Angono 3/7 Poetry Society, sa lingguhang paglabas ng kanyang kolum na patula na pinamagatang DAGITAB sa pahayagang Laguna Courier. Dahil dito'y saludo ako kay kamakatang Glen Sales. Lalo na't bihirang makata na ngayon ang nalalathala sa mga pahayagan at magasin, maliban sa magasing Liwayway na laging may itinatampok na tula. Hindi ko naman matandaan na ang pangalan ng dyaryo sa Bulacan na may kolum din na patula, na nababasa ko noon. Sa mga arawang pahayagan naman tulad ng Abante, Bulgar, Pang-Masa, Pilipino Star Ngayon, Remate, Sagad, atbp. bihira naman ang may kolum na patula. At bihira...

Tarang mag-tsaa

Imahe
TARANG MAG-TSAA mabuti sa katawan ang tsaa sabi ng matatanda sa una paborito ng mamay at lola ano pa't pampasigla talaga ito pa'y mahalagang inumin upang di ka raw maging sakitin gamot din daw sa pag-uulyanin mga kalamnan pa'y ginigising iniinom ko ito ng sapat bago kumain at mag-uminat nag-aalis ng bara sa ugat iwas sa sobrang timbang o bigat tarang mag-tsaa, tayo'y uminom lumbay sa gunita'y maghihilom - gregoriovbituinjr. 01.13.2024

Nagmamahal

Imahe
NAGMAMAHAL ay, nagmamahalan na ang presyo ng bilihin, pati na Meralco sibuyas, kamatis na bili ko ay talagang mahal nang totoo ay, mura pa rin kung tingi-tingi magsasaka'y di sana malugi masaganang ani nilang mithi nawa'y kamtin, di maging lunggati mamamakyaw, binibiling mura mahal na pag kanilang binenta kawawa tuloy ang magsasaka ang nagtanim ay di sumagana presyo man ay nagmahal nang lubos sinong masisi pag kinakapos? - gregoriovbituinjr. 01.13.2024

Patakaran

Imahe
PATAKARAN madalas ay may patakaran saanman ang ating puntahan na dapat nating sundin naman upang mayroong kaayusan madalas pinagtibay iyon at marami ang nagdesisyon sapagkat maganda ang layon sa samahan, bayan o nayon pagpasok mo man sa kubeta ay may patakaran talaga pagkaihi ay magbuhos ka may kasunod kang gagamit pa patakaran ay di palabas ginawa upang maging patas kumbaga sa kubeta'y atas iwang malinis ang kasilyas patakaran ay alamin mo saanman magpunta sa mundo lalo'y ayaw makalaboso kung nahuli kang namboboso - gregoriovbituinjr. 01.12.2024

Bawat tula'y tulay sa paglaya

Imahe
BAWAT TULA'Y TULAY SA PAGLAYA tutulaan kita kahit himbing o pag nananaginip ng gising kumakatha habang naglalambing sa banig man ay pabiling-biling sasabihin ko sa iyong ganap anong nasa kabila ng ulap ano bang mga pinapangarap nang buhay ay di aandap-andap na parang kandilang nauupos dahil sa mga pambubusabos ng uring gahaman, tuso't bastos na mapangmata sa dukha't kapos bawat tula'y tulay sa paglaya ng dalita't uring manggagawa ito ang sa buhay ko'y adhika bilang tibak at makatang gala - gregoriovbituinjr. 01.12.2024

Ang aklat ng mga kontrabida sa komiks

Imahe
ANG AKLAT NG MGA KONTRABIDA SA KOMIKS Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Agad napukaw ang atensyon ko nang pumasok ako sa Book Sale sa SM Fairview nang makita ko agad ang aklat na  "The Legion of Regrettable Supervillains, featuring the 50 Strangest Supervillains in the History of Comics, The Loot Crate Edition"  na Jon Morris. Nabili ko ito sa halagang P130.00, Enero 10, 2024. Hinati sa tatlong kabanata ang aklat. Unang Bahagi: The Golden Age, na naglalaman ng 25 kontrabida; Ikalawang Bahagi: the Silver Age, na naglalaman ng 16 kontrabida; at Ikatlong Bahagi: The Modern Age, na may siyam na kontrabida. Pinangsanggunian ng may-akda para sa kanyang aklat ang Digital Comic Museum (digitalcomicmuseum.com) at ang Comic Book Plus (comicbookplus.com) na kanya ring pinasalamatan. Ayon nga sa kanya, "without whose tireless archivists and exhaustive catalog the research for the majority of this book would have been impossible." Mabuti't may nag-ipon ng ga...